Share

Kabanata 21

"AKALA KO may sakit k—"

Hindi na natapos pa ni Karl ang kaniyang sinasabi dahil bigla na siyang sinugod ni Ken at sinuntok siya sa kaniyang mukha. Hindi nakapaghanda sa suntok na ‘yon si Karl kaya naman kamuntikan na siyang mapahiga sa sahig ng ice cream parlor. Hindi pa nakuntento si Ken at talagang lumapit pa siya kay Karl saka naman niya ito kinuwelyuhan. Nahalata niya sa mukha ng kaibigan niya ang pamumutla ng mukha nito gayundin ang galit nitong ekspresyon.

"Sinabi ko na sa ‘yong tigilan mo na siya at huwag na huwag nang lalapitan, hindi ba? Bakit isinama mo pa siya rito? Para saan?!" Galit na sigaw pa sa kaniya ng kaibigan. "Humahanap ka lang ba ng tamang oras para makasama mo siya ulit, ha?!"

Hindi niya alam kung paanong nalaman ni Ken na nagkasama sila rito ni Ciashet. Ngunit, hindi naman siya nagsisisi na isinama niya roon ang dalaga.

"You know what, Dude? You must chill. Wala naman kaming ginawang masama, kumain lang kami ng ice cream at nag-usap. Ikaw pa nga ang topic."
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status