Share

Kabanata 20

“HINDI BA trainee pa lang dito iyang Laurice na iyan? Bakit parang may special treatment sa kaniya si Mrs. Lozada?”

Kabubukas ko pa lang ng pinto ng unit ng nilinis kong kuwarto nang marinig kong binanggit ng isang babae ang pangalan ko. Hindi ko pa alam ang mga pangalan nila pero sigurado akong pareho kaming sa housekeeping department naka-assign. Hindi na muna ako lumabas ng unit na iyon pero pinanatili kong bukas ang pinto para marinig ko ang sinasabi nila tungkol sa akin.

“Oo, trainee pa lang. Paano ba namang hindi bibigyan ng special treatment, malakas ang kapit niya sa anak ni Mr. Van.”

“Ay, doon sa guwapong bata? Kaya naman pala. Hindi pa man din nakakatapos ng pag-aaral, landi na kaagad ang inaatupag. At mautak din siya ha, sa mayaman na kumapit para pagka-graduate, deretso sa pagiging mayaman.”

Pinigilan ko ang sarili kong lumabas at sugurin ang mga tsismosang iyon. Wala silang alam sa buhay ko kaya wala silang karapatang magsalita laban sa akin.

“Kung anak ko ganiyan at malam
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status