Share

Chapter 5 Kiss

IT FEELS LIKE the pain from the fuvking gunshot disappear when our lips met. Mababa ang tolerance ko sa alak pero gusto ko lang ikalma ang sarili ko by drinking a can or two. Tapos ito ang mangyayari?

I just looked in her eyes para sana magpasalamat, pero nang magtama ang mata namin, I wanted to be in her arms again. She is the woman I just met on the road when I was on the verge of death. Siya lang naman ang laman ng balita na si Mia Dizon.

And kissing her is the most ridiculous thing I’ve ever did! However, for some reason, I don’t want to pull from the kiss. In fact, I want to explore her insides. I forcefully thrust my tongue and she gave way, sucking my lower lip as if it was the most delicious thing she had ever taste. Epekto pa ba ito ng alak, o sadyang masarap lang talaga siyang humalik?

The last time I kiss a woman was—

“Ah…” Nanlaki ang mata ko nang magpakawala ako ng impit na ungol.

Bumaba ang labi niya sa leeg ko. She is kissing my neck hungrily. Nanatili lang nakaalalay sa likod ko ang mga kamay niya. She is keeping certain distance para hindi magdikit ang katawan namin. I can feel our chest squeezing in between us, and she started to grind them.

The friction from the cloth is turning me on, making my nȋpples painfully pleasured as they turned hard-rock from her actions. Napakapit ako sa leeg niya to feel her heat more.

“More…” paanas na usal ko sa tainga niya.

Hinawi ko rin ang buhok niya para matingnan ang side view niya habang pinauulanan niya ng halik ang dibdib at leeg ko.

Fuvk!

I want more…

Pero hindi ito tama.

Kailangan kong umuwi. Naghihintay ang anak ko.

Akma niya akong ihihiga sa couch nang subukan kong ibalik sa katinuan ang isip ko. Kahit nag-iinit na ang buong katawan ko, at gusto kong magpatuloy, I need to stop.

“I-I’m sorry.”

Maingat ko siyang inilayo sa katawan ko. Nang magtama ulit ang mga mata namin, I can see that she is confused, slightly concerned and…

Disgusted.

Napalunok ako nang ilang beses sa naging reaksyon niya. Nang makahuma ay mabilis akong tumayo at walang lingon-likod kong tinungo ang pinto.

Kissing is a common thing for me dahil na rin sa uri ng trabaho ko. Palakasan na lang ng loob at pakapalan ng mukha—at pagtatago ng pagkadisgusto. But Mia… she feels like she was lost of thoughts. Tila ba hindi niya tanggap na nakipaghalikan siya sa babae.

I am not disgusting!

“MOMMY, narito pa po pala kayo. Akala ko po, may work kayo. Buti maaga akong umuwi ngayon.”

Bahagya ko nang naririnig ang boses ng anak ko. Kumurap-kurap ako. Nang subukan kong bumangon, biglang kumirot ang sentido ko.

Pagkagaling ko sa unit ni Mia kagabi, uminom pa ako pag-uwi ko.

“Mommy, ok ka lang? Wait lang po, ipagtimpla kita ng coffee. O ano po ang gusto niyo?” nag-aalalang tanong ni Cornelia.

Sometimes, I feel bad that she was born from me—a lesbian who got pregnant out of wedlock, and a singer celebrity that is looked up to by the public with a dark secret behind the fame.

Hinila ko siya para yakapin.

She wasn’t supposed to live, pero kumapit siya. She wanted to live kaya pinagbigyan ko na. Tiniis ko ang pagsasabay ng trabaho, at paglilihi, habang tinatago ang maliit na umbok ng tiyan ko. Pumunta pa ako sa ibang bansa malayo sa mata ng publiko para maipanganak siya.

I can’t let her drag in my messy life.

“Payakap na lang si Mommy para maging ok na.”

She chuckled and hugged me back. Her small and delicate arms around my neck is enough to make me feel at ease. She’s so comforting, and so lovely.

Bagsak ang dark brown niyang buhok, tulad ng buhok ko. Her heart-shaped lips, a pair of protruding eyes, and pointed nose, even her fair white skin, nakuha niya lahat sa akin.

Kung maari ko lang siyang ipakilala as a little sister para lang malaya kaming nakakagala at nag-e-enjoy ng bonding time—but I can’t.

Minsan ko na rin na tinanong iyon sa anak ko kung gusto niya ng ganoong set-up. She just accepted it wholeheartedly, as if nothing’s wrong with it. It will take time for me to give up this dream, this career I pursue with my ex. I am a selfish person, I know.

Babawi na lang ako ngayong araw. Since tapos naman na ang last project ko, at kailangan ko rin ng pahinga pagkatapos ng sunod-sunod na malalaking projects, I will request my manager to free this day from appointments.

“Baby, tawag lang ako sa agency ni Mommy, ha?”

Biglang lumukot ang mukha niya. Alam niya na kapag hawak ko ang phone, trabaho na naman. But she will be happy this time.

I was about to get my phone on my bag when it rang.

Fuvk it! Mukhang naunahan ako sa pagplano ng araw ko.

I let out a heavy sigh. I kissed my daughter’s head, saka tuluyan nang sinagot ang tawag. Tumayo ako mula sa malambot kong Queen sized bed, at pumunta sa balcony. Paharap ito sa high way na ilang metro ang layo.

“Thirty minutes.”

Just like that, the call ended without even saying hello.

I rolled my tongue inside, I wanted to speak but was not given the right. Lumalabas na utang ko pa sa agency ang tinatamasa kong kasikatan ngayon. I will be free from them soon. The ten-year contract will end in no time. Kaunting tiis na lang.

“Baby…”

Muli akong tumingin sa anak ko. From a gloomy face to a smiling brightly lips and eyes, ito ang paraan ni Cornelia para sabihin sa akin na ok lang. I can’t even say I was so sorry for sacrificing my time to be with her para lang may maipakain ako sa kanya.

May ipon naman na ako, pero ang kontrata ang iniisip ko. Paying for the breach of contract will cost my living. Hindi ko rin maipaliwanag ito sa anak ko kaya…

“Cornelia—“

“Mommy, since may work ka po ngayon, pwede po ba ako mag-play sa labas? Promise po, I will go home before four or five in the afternoon.”

I frowned. Kahit gusto kong pumayag, natatakot ako para sa kanya.

“Magsusuot din po ako ng disguise. I know I am so pretty, baka may umagaw sa akin sa inyo, Mommy. Don’t worry po.”

Hindi man kasinungalingan ang sinabi ko na maganda ang anak ko, the real reason why she had to be on her disguise outside is because we look exactly alike. Ayaw ko na siya ang mapagbuntunan ng mga tao.

I heave out a sigh.

“Yayain ko po si Tita Mia. Maganda rin po siya. Nakatira po sa first room.”

Tumaas ang kilay ko sa sunod na sinabi ni Cornelia. Paano niya nakilala ang babaeng iyon? Ni hindi namin siya makasabay sa elevator ni minsan. Hindi nagku-krus ang landas namin kahit matagal na kaming nakatira sa iisang building.

If it wasn’t because of the incident last night, hindi ko malalaman na nasa malapit lang pala ang isang Mia Dizon.

She wasn’t even trying to hide her identity! After all the evil things her family did? How shameless!

“Mommy?”

Pero kung masamang tao siya tulad ng tatay niya, bakit naroon pa rin siya sa ospital? The patients, and even the nurses and other doctors were saying she was different. Pwede ko ba siyang pagkatiwalaan?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status