Share

Chapter 4 Cornelia Bella Braganza

I FEEL LIKE I am alive but not living my life. Ngayon ko lang na-realize, hindi ako mahilig sa music, sa movies, at fangirling! How did I fuvking spend my teenage and twenties?!

“Oh my gosh, wala ba akong ibang ginawa noon kung hindi ang habulin ng tingin si John?”

That is fuvking crazy!

Looking back, it feels like I lost my life. Ni wala akong topic na maishe-share sa isang tao bukod sa line of work ko. And I won’t fuvking brag about how madly in love I was with John. That’s gross!

I let out a frustrated sigh.

They are right, nasa huli talaga ang pagsisisi. Huli na nang mapagtanto ko na wala akong io-offer bukod sa virginity ko. Ang boring kong tao!

Pagpasok ko sa unit ko, as usual, sinalubong ako ng nakabibinging katahimikan. Sa mga susunod na araw, magbabago na. Bibili ako ng speaker at walang sawang patutugtugin ang kanta ng singer na iyon.

What was her name again?

Rain?

Screenname ba iyon? Useless kung kikilalanin ko siya as a celebrity. I want to know her as an ordinary person, who will look my way and spend the days with me in a simple home.

“Nababaliw ka na, Mia!”

Winaksi ko ang mga isipin na iyon at pumunta na sa kwarto ko.

Nagpalit lang ako ng damit. Sweatshirt, sports bra underneath, and jogging pants. Tinali ko rin ang wavy hair ko na pinakulayan ko ng itim. Nagbaon ako ng dalawang litro ng tubig at pumunta na ako sa gym na nasa katabing building lang.

Pagbukas ko ng sliding door sa gym na nasa top floor ng ten-storey building, agad kong naramdaman ang mga mata sa akin.

Palihim akong ngumiti. Even though I am fat according to my assistant, I am still beautiful.

Dumako ang tingin ko sa isang sulok na walang kalaman-laman ni isang equipment o kahit rolled mat o bags man lang. Tinungo ko na lang iyon. Narinig ko pa ang pagsinghap ng isang binabae at sinabing off-limits ang space na iyon.

I shrugged.

Napagtanto ko na malapit iyon sa comfort room dahil sa likod ng itim na wall curtain ay may pinto at nakasulat ang CR. And again, every situation never fails to remind me that I am single kahit gaano ako kaganda. Isang minuto pa lang akong nagwa-warm-up nang makarinig ako ng something behind the closed door.

Nakakairitang ungol lang naman ng isang babae ang naririnig ko. Ang pangit na tila pilit lang para masabi na nae-enjoy niya ang sȇx.

“C-Can you go harder?”

“Shut up, bȋtch. Saka ka na humirit kapag nasa bahay na tayo.”

Maging ang boses niya, hindi maganda sa pandinig. Parang palaka. Mas gusto ko pa ang boses noong m*****a kong pasyente na masarap ang lips.

Fuvk it!

Lumipat ako ng pwesto. May isang lalaki pa na kumindat sa akin. Mali ba ang ginawa ko na mag-gym?

“Sa bahay na lang ako,” bulong ko sa sarili.

At dahil halos hindi pa umaabot ng sampung minuto mula nang pumasok ako sa gym, pagbaba ko sa ground floor ay biniro ako ng guard.

“Ma’am, pagod agad?”

I’m not in the mood with these jokes. Nginitian ko na lang siya kaysa ang idamay pa sa inis ko. Baka mamaya, badtrip din siya sa buong araw, konsensya ko pa.

Bago ako tuluyang umalis sa lugar, narinig ko pa ang boses ng babae mula sa CR.

“Kasalanan ito ni Summer! Bakit hindi na lang siya mawa—bwisit!”

Nahagip pa ng mata ko ang side view niya. Maganda naman ang katawan niya. I can see na kahit sinong lalaki na mahila niya lang sa daan ay masasarapan sa kanya, huwag lang siyang umungol. Turn-off iyon!

I was about to turn around and walk away when a man who winked at me before, approached me. He looked like a tambay sa kanto sa suot niyang puting sando at shorts, at trying hard magpa-impress gamit ang kanyang malaking katawan.

“Hi, Miss! If you want to continue with your goal of…“ He looked at me from head to toe. “I can be your personal trainer. Give me a call. See you later!”

He’s not gentleman at all, not even trying to know my name first and what can he do for me, or at least ask me to have a coffee date with him.

Tinanggap ko ang calling card na inaabot niya. I don’t want to be rude like the jȇrk. Patakbo siyang umalis sa harap ko.

Kent Anderson—mukhang pangmayaman ang pangalan.

Oh, I can just get rid of this piece of shit of paper. Trainer my ass! He is simply an escort.

I rolled my eyes at ibinalik na ang atensyon sa daan.

At kung may imamalas pa ang araw ko, under maintenance ang elevator sa building. Kagagamit ko lang nito kanina!

No choice, maghahagdan ako. Eighth floor—iisipin ko na lang na tamang exercise na rin ito at nang may mapuntahan naman ang pag-warm up ko kanina.

I am on the third floor when I heard steps and a child’s voice echoes from I-don’t-know what floor she’s in.

“Lalala, ako’y isang magandang bata na kagaya ng nanay ko!”

Pasigaw na kanta niya, tila ba paraan niya ito para hindi matakot sa pag-akyat sa hagdan. Mabilis ang ginawa kong hakbang at hindi nga nagtagal ay naabutan ko ang batang babae sa sixth floor. Nakasuot siya ng uniform ng isang sikat na private elementary school sa Orlyn.

“Maganda ako!”

The way she praised herself is kind of painful to hear. It seems like no one is doing it for her. Parang nagse-self-pity siya tulad ng ginagawa ko noon. I can’t let this little girl have the same experience. She can be more than just a beauty.

“Hi Sweetie! I am from eighth floor of this building, room eight-zero-one. The name is Mia.” Pagpapakilala ko.

I maintained a distance na hindi ako nagmumukhang kidnapper na sinusundan siya. Nakatingala ako sa kanya, at kita ko ang gulat sa mata niya nang magbaba siya ng tingin sa akin.

“Hello po! I know you po, Miss. Mia po pala ang name niyo?”

Nakahinga ako nang maluwag. I can approach her now na hindi ako mag-aalangan.

“Bakit mag-isa ka?”

“Name ko po pala, Cornelia Bella Braganza.” She extended her hand for a handshake.

She’s a good girl. I like her.

Habang naglalakad kami ay nag-usap kami ng bata. Napag-alaman ko na pareho kami ng floor. Nasa room eight-ten ang kanila. Ang kasama niya lang ay ang nanay niya at matagal na rin silang nakatira dito. Nagulat pa nga ako kasi ito ang unang beses na nakita ko si Cornelia.

“Miss, alam niyo po, marunong na ako magsaing! Nag-iiwan lang ng lutong ulam si Mommy. Busy po kasi siya dahil maganda siya.”

Mukhang hindi na self-pity itong mga sinasabi niya.

“Dati may kasama kami na katulong. Sa sobrang ganda niya, naglalagay siya ng facemask kahit nasa loob lang siya ng bahay para hindi siya tingnan ng katulong namin.”

Hindi ko alam kung ikatutuwa ko itong mga sinasabi ng bata. Wala naman akong masabi dahil hindi naman ako lumaki sa maayos na pamilya.

Hanggang sa makarating kami sa tapat ng unit nila, wala siyang ibang bukambibig kundi ang nanay niya.

Naku-curious tuloy ako kung anong trabaho ng mommy niya at panay ang sabi ni Cornelia na maganda ito.  Ayaw ko namang i-judge at isipin na nagtatrabaho ito sa club. Wala namang club ng umagang-umaga.

“Salamat po, Miss. Ingat po pabalik.”

I chuckled. Yumuko ako para magka-level ang mukha namin.

“Pasok na. Mas mag-iingat si Miss pagbalik sa room ko kapag nakapasok ka na.”

Napangiwi siya sa sinabi ko at nag-squat sa harap ng pinto.

“Napaaga po ako nang uwi. Gabi pa ang uwi ni Mommy.”

“Ganoon ba? Gusto mo, doon ka muna sa akin? May phone ka ba para masabi mo sa Mommy mo na—“

“Ay nakalimutan ko po! May assignment po pala ako.”

Mabilis siyang tumayo at binuksan ang pinto. Bago siya tuluyang pumasok, she waved goodbye.

Nang maisara niya ang pinto, hindi ko alam kung maawa ako sa kanya. Behind this door, she’s alone, doing things a child her age shouldn’t do. Dapat nasa parke siya at nakikipaglaro sa mga kaibigan niya, hindi iyong nakakulong siya rito at hinihintay ang nanay niya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ansh Marie Toperz
oh anak niya si cornelia? ung tinulungan niyang babae sa may eskinita may anak. si cornelia yun? tama ba? sorry im confused
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status