Share

Chapter 3 It’s A Big No!

I’M SPINNING my ballpen on the table. Hinuhulaan ko kung anong direksyon ang susunod na ituturo nito. This is how I calm myself. Kagat ko rin ang ibabang labi, and slightly sipping it and I can still taste her.

Fuvk it!

Lalaki ang hanap ko, hindi babae!

“Good morning, Miss Mia! Na-miss niyo ba ako sa buong magdamag? Kahapon lang tayo huling nagkita. Anong iniisip niyo?”

Napapikit ako nang mariin nang marinig ang boses ni Nanette. Malakas na nakakabulabog ng isip, kahit wala sa mundo ang huwisyo, makababalik nang wala sa oras kapag narinig ang boses niya.

Kabaligtaran siya ni Ellyna.

Speaking of the bȋtch. Kailan ko kaya maiisipan na mag-dayoff? Gusto ko rin makausap ang babaeng iyon. I want her to slap me and say, “lalaki ang hanap mo, Mia.”

Pero hindi rin malabo na magkagusto ako sa babae.

Hindi rin pwede na magkagusto ako sa babae.

Actually, ako ang malabo. It was just a few hours tapos magko-conclude ako na gusto ko na ang nameless woman na iyon. At isa pa, kabit siya! I bet she used me to escape from the wrath of the legal wife.

Gagamitin akong excuse kapag nagkahulihan ulit sila at sasabihin na ako ang kasama niya nang gabing iyon. May ebidensya pa naman.

Fuvk!

Hindi ako nakainom nang gabing iyon, pero…

“I left a kissmark.”

I heard gasping on my side. Dahan-dahan akong tumingin at nakita si Nanette na gulat na gulat.

Wait, did I just say it out loud?!

“M-Miss, hindi naman po kita pine-pressure na mag-boyfriend na. Bakit naman agad-agad, may tinaniman ka na ng kissmark?”

Wala sa sariling pinagmasdan ko ang kabuuan ni Nanette to test myself kung babae nga ba talaga ang gusto ko.

Her face is average—soft-angled and thick eye brows, a pair of roundish-almond brown eyes, pointed nose, thin pink lips. Bumaba ang tingin ko sa pangangatawan niya—may kapayatan, but she still has the curves on the right places, maging ang dibdib niya ay umaayon sa kapayatan niya. Hindi gaanong malaman, hindi rin gaanong kaliit. It can still be fun to play.

“Miss Mia, nakapasa po ba sa panlasa niyo?” she asked. Her brows moving up and down, anticipating my answer.

I smirked.

“Ok naman.”

But if I were to bed a woman, I would love to have the same body size—plus with thick thighs.

“No!”

Napatayo ako sa upuan ko na nagpagulat kay Nanette.

Ramdam ko na tila kinakapos ako ng hangin. Why?

Am I really into girls?

No!

Ma-try nga mag-bar mamaya. Maghahanap ako ng lalaki. I won’t accept this change that easily!

Pagkatapos kong magmahal ng lalaki sa loob ng halos dalawa’t kalahating dekada, nang dahil lang sa babaeng iyon, mababago ang sexual preference ko?

“It’s a big no!” I said hysterically.

Napasampal pa ako sa sariling pisngi to wake myself up in reality. Tama! Nananaginip lang ako.

Wala akong nakitang babae sa eskinita.

Wala akong tinulungan na babae kagabi.

At wala akong nakahalikan na babae.

“Wala!”

“M-Miss, ok na po. Hindi niyo naman po kailangang bawiin ang sinabi niyo na para kayong baliw—“

Marahas akong napatingin sa gawi ni Nanette. Her scared face somewhat makes me guilty.

“I’m sorry. I wasn’t talking about you.”

Humugot ako ng isang malalim na hininga bago bumalik sa pagkakaupo. Napahawak din ako sa butones ng suot kong damit to make sure na kumpleto pa sila. Ang pakiramdam ko kanina, sumikip ang dibdib ko tapos biglang lumuwag.

Mukhang habang tumatanda ako, lumalaki ang dibdib ko.

I laugh at my crazy thoughts.

Sumisikip lang talaga ang damit ko dahil…

“Nanette, mataba ba ako?”

“Miss, mataba o mapayat, maganda ka.”

I glared at her dahil hindi ko gusto ang sagot niya.

“Sabihin mo iyong totoo?” may pagtitimpi na sabi ko.

Umagang-umaga, ayaw ko nang madagdagan ang inis ko. Just say na mataba ako!

“Yes po.”

I pointed the door when I heard her answer. Tumango lang siya at may pilyong ngiti sa labi bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Masakit pala.

Bibili ng bagong damit, o maggy-gym?

Para saan pa? Wala naman akong dahilan para magpa-sexy pa.

I shrugged. I don’t need reason pala to do what I want. I will it for myself. Bakasakaling humaba pa ang buhay ko. Baka hindi pa pinapanganak ang para sa akin.

Again with lovelife, Mia?

Tumingin ako sa time table ko. Wala naman akong naka-schedule na operation sa maghapon.

Tinungo ko ang pinto at sinilip si Nanette.

Nakayuko siya habang nakasandal malapit lang sa pinto. She is humming. Nakikisabay siya sa tugtog na pinapakanta niya sa kanyang phone.

“Nette, I have a favor,” tawag ko sa kanya.

Pumasok ulit kami sa opisina. Nang ilabas niya ang phone sa bulsa, lumakas ang tunog at nabosesan ko ang kumakanta.

“Who’s singing?”

She gasped. She is always excited everytime I ask questions, as if she is happy that I want to know something from her. She’s cute when she’s childish. Buti at hindi siya ganito kapag seryoso na kami sa work.

“Ulan.”

Napakurap-kurap ako sa sagot niya. Ito rin ang kinaiinis ko kapag pinupuri ko siya sa isip ko, puro kalokohan ang lumalabas sa bibig niya pagkatapos.

“Si Miss Mia, hindi marunong ng joke.” She even rolled her eyes at me! “Si Rain po. Paborito ko pong singer ito. Magaling na artista, maganda na, sexy pa, ang ganda ng boses, mabait—“

Nang mapansin niya na nakatitig lang ako sa kanya, agad niyang binawi ang sinasabi at binola pa ako na much better pa ako.

Napailing na lang ako. I don’t know what she sees in me at palagi niyang pinupuri ang isang Mia Dizon na may malagim na nakaraan.

Napangisi ako sa iniisip.

She’s afraid of me, so she is trying to get on my good side. Kung nalaman niya ang tungkol sa paghahabol ko noon kay John, malamang sa malamang, alam niya rin ang tungkol sa pamilya ko. And she had no choice but to put up with me in this small office—as my assistant.

“So Miss, ano pong favor niyo?”

“Yeah, uhm… Since wala naman akong naka-schedule na operation for the whole day, pwede bang ikaw na lang ang mag-check sa mga pasyente ko? Alam mo naman na siguro kung anong gagawin. If not, check mo na lang sa—“

“Got it! I got your back, Miss. Enjoy your day,” sunod-sunod na sabi niya at may malawak na ngiti sa kanyang labi.

“Thanks. I’m going then.”

Sakay na ako ng sasakyan ko nang maalala ko, hindi ko naitanong kung anong full name ng singer na sinasabi niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status