Share

Chapter 57: 1v1

HINDI MAUNAWAAN ni Ysabella ang kanyang nararamdaman. Nababanas at hindi siya mapalagay simula nang makapasok siya sa loob ng kanilang k’warto ni Axel.

“What the hell is wrong with me?” naiinis niyang tanong sa kanyang sarili.

Muli, nanariwa sa kanyang isipan ang larawan ng kanyang asawa at ng babaeng kasama nito. Hindi niya maintindihan pero nang makita niya ito nang sandaling iyon biglang nawala siya sa kanyang ulirat at naging blangko ang kanyang isipan. Hindi niya matukoy pero may kung anong kakaibang koneksyon ang dalawa na siyang nagpapalito ng nararamdaman.

Napaungol si Ysabella sa labis na pagkasiphayo. “Damn it! Ano bang nangyayari sa akin?” gulong tanong niya sa kanyang sarili sabay gulo ng kanyang buhok.

Nasa kalagitnaan ng pag-iinarte nang bigla niya marinig ang pagpihit ng doorknob dahilan para mabilis niyang inayos ang kanyang sarili at nagpanggap na tulog. Hindi niya kayang harapin ang kanyang asawa kaya magpapanggap na lamang siyang tulog nang makaiwas na rin sa mga ka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status