Maraming thanks sa pagbabasa! Special thanks to Donna Mesida and Remie Cosile for the gems, hihi! Kung nagustuhan niyo po ang kwento so far, feel free to give comments and feedbacks! Love lots 🫶🫶🫶
Imposibleng malinis ang buong kwarto gamit lamang ang walis at dustpan. Pero dahil ang ipinagbawal lang sa akin ni Panying na gamitin ay ang vacuum, nalinis ko parin ang makapal na mga alikabok gamit ang tubig at sabon panlinis. Inabot ng limang oras ang pagkikiskis sa mga dumi sa sahig at pader, samantalang hindi ko naman magawan ng paraan ang nangingitim na kisame dahil sa taas nito, kaya inalis ko na lamang ang mga alikabok. Sinunod ko nang itapon ang bedding. Doon nakatago ang mga maliliit na daga na agad nagsisipagtakbuhan palabas. Bahala sila maghabol sa mga ‘yon. May isang katulong na babae ang nagdala sa akin ng kumot at isang unan, pati na rin pamalit na mga pantulog na bestibes na bigay ni Ezekiel. Pagkatapos ay wala nang ibang binigay sa ‘kin. Pagkatapos kong masiyahan sa kalinisan ay pagod na pagod akong nahiga sa kahoy na kama. Tumatagaktak ang pawis ko sa buong katawan, marahil ay dahil walang electric fan man lang sa silid, at kulob na kulob pa ang lugar. Ngunit hi
Pagkapasok ko sa aking kwarto ay bumulaga sa akin ang tumpok ng basura sa aking kahoy na kama. Matagal akong napatitig doon saka sandaling napapikit. Ano pa nga bang aasahan ko? Hindi magagawan ng paraan ang kitid ng mga pag-iisip ng mga babaeng ‘yon para gawin ang bagay na 'to. Nang magmulat ay dumeretso ako sa aparador, pinasok do'n ang kahon ng mga gamot, saka kinuha ang pantulog kong bestida bago muling lumabas. Nagtungo ako sa maliit na banyo na para sa mga katulong at doon naligo. Nang matapos ay kaagad akong bumalik. Dahil sa sakit ng katawan ko dala ng pagod ay hindi ko na kaya pang maglaan ng oras para linisin ang nagkalat na mga basura. Umaalingasaw ang baho lalo na't kulog ang lugar. Subalit ‘di ko ‘yon inabala at kinuha ko lamang ang isang piraso kong unan na siyang hindi nadumihan, ‘di gaya ng kumot ko na nahalo na sa baho ng basura. Pumuwesto ako sa sahig malayo sa kama nang sa gayon ay hindi ko masyadong maamoy ang baho. Saka ko unti-unting pinikit ang aking mga ma
Malaki ang ginampanang papel ni Faye sa pagtakas ko noong nakalipas na tatlong taon. Dahil sa tulong niya ay walang naging ideya si Ezekiel sa binabalak naming paglisan namin noon ni Brantley. Kahit na madalas ko siyang napapagalitan at binubuntungan ng galit noon ay ‘di hamak na itinuring ko siya hindi bilang alalay, kundi isa sa mga taong malapit sa loob ko. Gano'n na lang din ang pasasalamat ko na hindi niya kinondona ang ginawang kasalanan ni Ezekiel at hindi na siya nagsusumbong sa lalaking ‘yon. Pero ngayon, para marinig ko ang mga salitang patay na siya mula mismo sa labi ni Ezekiel ay tila nilalamutak ang puso ko. Nagbabadyang tumulo ang mga luha ko sa malaking posibilidad na wala na talaga siya. She’s innocent. Masyado pa siyang bata! She didn’t deserve to go through the lengths of my evil ex-husband's madness! Sa kahit anong anggulo ko tingnan ay hindi wala akong nakikita mali niyang ginawa. Wala siyang kasalanan!! Paano nasisikmura ni Ezekiel ang gumawa ng karukmal-dukm
Warning: Matured! “Ah! M-Masakit!” Naluluha ang mga mata ko nang tumampal ang kaniyang palad sa aking puwetan. Habang nakatuwad sa lamesa ng dining room at nakaangat ang suot kong maid dress ay nakatayo siya sa aking likuran. Ramdam ko ang mainit niyang presensya. Makailang ulit niyang pinapalo ang malambot na parte ko na iyon gamit ang palad niya. “A hundred times spanking, isn't it a light punishment for something you did? I only took sixteen hits, yet you’re already complaining.” “S-Seventeen na kaya…” impit na boses kong tugon, binabaon ang mukha ko sa aking braso dala ng halo-halong emosyon sa ginagawa niya ngayon. “Eighteen.” He started counting and hitting my ass again. “Ah!” kumawala ang d***g ko. I didn’t want to hear myself making lewd sounds, so I quickly bit off my arm! “Nineteen.” Fuck! Palakas nang palakas at pasakit nang pasakit! Batid kong namumula na iyon ngayon. Kada palo ay kakaibang kuryente ang dumadaloy sa iba't-ibang parte ng katawan ko, na siyang nagp
“Anong nangyayari sa'yo bakit mas kumupad ka sa pagkilos? Ang dami pang mga tela ang kailangan nang malabhan!” anas ni Davina, habang pinapanood akong magpasok ng mga kurtina sa loob ng washing machine. “Kung tumutulong ka, edi sana mas napapadali ang trabaho natin dito.” walang alinlangan kong tugon. “Ay pasalamat ka nga at kahit papaano tinuturo ko sa'yo ang dapat gawin, ‘no! Kung hindi ko lang iniisip ang kapakanan ni sir Heskel ay hahayaan kitang mangapa mag-isa mo! Pero dahil sa ginawa mo sa pagkain niya kahapon? Ha! Tingnan na lang natin kung makakalusot ka pa.” “Eh kung bakit ba kasi hindi na lang siya palayasin ni sir?” Kunot noo at nakapamaywang na pagsasalita ni Baby habang may buhat-buhat sa basket. “Oy wala kang karapatan kuwestyunin si sir Heskel, ah? Hindi madali sa kaniyang kupkupin ‘yang bruhang ‘yan matapos ng ginawa niya. Pasalamat na lang si Serena na binigyan pa siya ng lugar dito sa mansyon.” Hinayaan ko silang magchismisan at paniwalaan ang opinyon ng isa't-i
“Magnanakaw ka!” Umaalingawngaw ang tinig ni Baby, galit na galit na nakaduro sa akin habang hawak-hawak ko ang cellphone niya. Sunod-sunod at matutunog akong napalunok. Tinago ko sa aking likuran ang cellphone, natatakot na nakatingin sa galit nilang mga mukha. “Kaya pala kanina ko pa hinahanap ‘yan at ‘di nakikita! Kung ‘di pa sinabi ni Eza na kahina-hinala ‘yang kinikilos mo kanina ay ‘di pa namin malalaman! Akin na ‘yan!” Mabilis na nakasugod sa akin si Baby. Nagpapang-abot ang kaba at takot sa dibdib ko. Subalit imbes na ibigay ay mahigpit kong hinawakan ang cellphone niya sa aking likuran, pinipilit makipag-agawan sa kaniya! “Ibigay mo sa 'kin, ano ba?!” sa taba ng katawan niya ay kahanga-hanga na nahihirapan siyang kunin ang cellphone niya sa manipis kong kamay. “Ang kapal ng mukha mo!” Nagulat ako nang sumugod din sa akin si Davina para tulungan ang kaibigan niya. “Serena, magtigil ka na!!” Boses naman ni Panying ang sumakop sa lugar. Subalit wala sa kanila ang sinunod k
Maagang-maaga pa lang ay pinatawag na ni EZEKIEL ang kaniyang mga trabahante sa loob ng mansyon. Sa kung anong dahilan ay nabaling ang kaniyang galit sa mga tauhan niya sa loob. “Starting from now, whoever lets Serena have contact with the outside world will be punished and kicked out of the mansion. Whether the reason is lending her a phone or even if she stole it, it will be that person's fault. I don't tolerate any act of helping her have an easy life inside my territory, nor do I let her have her way out of this place.” wala mang emosyon ay puno ng pambabanta ang mga mata niya. “Whoever has objections, you can pack your things out and find a new job.” Isa-isa niyang binalingan ng paningin ang mga lalaki at babaeng tauhan sa mansyon, ngunit lahat sila ay hindi nakatingin sa kaniya ng deretso. Nanaig ang mahabang katahimikan. Mukhang pinapakiramdaman din ng mga katulong ang isa't-isa, at sa huli ay walang kumontra sa sinabi ni Ezekiel. He clicked his tongue in both annoyance and
“SERENA?!” Nagugulat naming tinitigan ni Raquel ang isa't-isa. Ang kaninang panghihina ng katawan ko ay biglang namanhid, nabuhayan ng pag-asa, napuno ng kagalakan, at anumang oras ay magagawa kong mapaluha. “Raquel… Raquel!” Nagawa kong liparin ang kinaroroonan niya sa kabila ng pag-iika-ika ko ng lakad. Mabilis ko siyang niyakap ng sobrang higpit! Halos imudmod ko sa leeg niya ang aking mukha. Tila'y nagsusumbong na bata akong napahikbi. Walang ibang tumatakbo sa isipan ko, kundi lamang mamahinga sa piling niya. Gusto kong kunin na niya ako ngayon din mula sa impyernong lugar na ‘to! Gusto kong pakinggan niyang muli ang mga hinaing ko, at tulungan akong makabangon muli. Gusto kong sabihin sa kaniya na maling pinili ko si Brantley, na walang ginawa ang taong ‘yon kundi pasakitan ako sa loob ng tatlong taon! I never found love and happiness with him, but rather abuse and endless torment! “R-Raquel, help me…” sobrang hina ko iyong binulong sa kaniya sa takot na madinig ni Ezekiel