Habang nakatingin sa isang batang lalaki na karga-karga ng isang dalagita ay blangkong emosyon ang nakaguhit sa mukha ni Ezekiel.“A-Anong kailangan niyo? Sino kayo?” Humigpit ang pagkakayakap ng babae sa batang lalaki, habang pinalilibutan ito ng mga tauhan ni Ezekiel.Dahil sa cellphone na sa wakas ay naayos at na-retrieve ang impormasyon na kinontak noon ni Serena ay agad-agad na nahanap ang lungga ng anak ni Serena wala pa mang isang linggo.It wasn't Brantley whom Serene contacted that day, but her child.Dahil gusto ni Ezekiel na tahimik ang kanilang gagawin ay nagpasya siyang dukutin ang bata mula sa pamilyang nag-aaruga rito. Hindi lang siya inaasahan na handang sumama ang babaeng nasa harapan niya ngayon para protektahan ito.“Give me that thing.” dahil sa blangko at madilim niyang itsura habang tinuturo ang bata ay labis na natakot ang babae, at sunod-sunod na napaatras.Pumadekwatro siya ng upo at napakapit sa kaniyang sentido.This is the same place where he killed the men
“S-Sir Heskel?” Ang masigla sanang bungad ni Panying ay napuno ng pagkagulat. Dahil pumasok si Ezekiel, hindi lamang dala-dala ang sarili niya kundi may karga-karga ring batang lalaki, na kasalukuyang natutulog sa kaniyang bisig. “Kaninong anak ‘yan, sir Heskel?” taka pang tanong nito, pilit sinisilip ang mukha ng bata, na siya namang hinarang niya. “Don't make a fuss about it.” seryoso niyang saad. Dahil hating gabi na rin ay wala nang ibang katulong ang nakakalat kundi si Panying na sinabihan na niyang darating siya ngayon matapos mawala ng halos isang linggo. Wala itong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya, at tahimik lamang na sinarado ang pintuan ng mansyon saka patayin ang mga natitirag bukas na ilaw. Samantalang umakyat si Ezekiel sa kaniyang kwarto, sa sarili niyang kama inihiga ang bata at sandali pang pinanood ang himbing ng tulog nito. ‘Boss, pasensya na, pero hindi talaga match ang resulta ng DNA ninyo ng bata. At, wala akong nakikitang pagkakahawig ninyong dalawa. P-P
“SERENA! Ano at gising ka pa? Sa'n ka nanggaling?”Bumalik lamang ako sa reyalidad nang pukawin ako ni Panying, nang aksidente ko siyang makasalubong sa paglalakad ko pabalik sa kwarto.“P-Panying…” nanlalambot akong napakapit sa kaniya.“Oh! Anong nangyayari sa'yo?” iritado man ang boses ay maingat niya akong inalalayan upang hindi bumagsak mula sa aking kinatatayuan. “Bakit ba?”“S-Si Ezekiel…”Narinig ko ang paglunok niya. “N-Nakita mo ba ‘yung dala-dala niyang bata? Kaya ka nagkakagan'yan?”Nanlalaki ang mga mata kong sinalubong ang paningin niya, nabura agad sa isip ko ang gustong sabihin kanina. “B-Bata?”Tumango siya. “Oo. ‘Yung batang lalaking karga-karga niya pagpasok kanina. Hindi ko lang sigurado dahil hindi ko nakita ang mukha…” bumulong siya. “Pero ni minsan ay hindi pa siya nagdala ng bata rito sa loob. Kaya baka ang duda ko ay… anak niya sa labas.”Tagilian ako at ilang beses na napakurap. “Alam niyo ba kung saan niya dinala ang bata?”“Ay malamang sa kwarto niya, eh du
Habang pinagmamasdan ang muling pagtulog ni Duziell ay sumasagi sa mga alaala ko ang mga panahong kapiling ko si Brantley. Never once have we had sex. Dala-dala ko na sinapupunan si Duziell noong nagsama kami. Almost a year later, na pinanganak ko siya, nagsimula nang magbago ang trato niya sa akin sa hindi mabuting paraan. Hindi roon kasama ang pagtatangkang hawakan ako, dahil sa halip ay kinadidirian niya ako. Lahat ng mga salita niyang naipangko sa akin noon ay walang natupad. Sinabi niyang ‘wag kong tawagin ang sarili ko noon na ‘second hand’, pero makailang ulit niya ‘yong pinaparamdam sa akin. Kung gaano kapangit ang katawan ko at kung gaano siya diring-diri doon. He promised me a healthy relationship and that together we'd build a harmonious family, which obviously never happened. All the emotional, mental, and physical abuse I received from him left deep scars. And the truth is, a part of me wishes I hadn't left Ezekiel's mansion. Every time I undergo the lowest point of m
“I'm almost done.” ani Ezekiel, habang inaayos ang kaniyang necktie sa harapan ng salamin. “Sa tingin ko mas bagay sa'yo ‘yung kanina mong suot na necktie.” Though he wasn't asking for my opinion, I still blurted it out. Dahil mas naco-complement ng navy blue color ang itsura niya ngayon kaysa ng black. Nahinto siya sa ginagawa at napalingon sa akin. “Which necktie?” “‘Yung navy blue.” Mabilis niyang hinubad ang sana'y maayos ng black necktie bago kinuha muli ang isinuhestiya ko. “Do you mind?” Naglakad siya papalapit sa akin at inabot iyon. Wala sa sarili ko iyong tinanggap. “Anong gagawin ko rito?” “Isuot mo sa ‘kin.” “Um?” nag-atubili ako, ngunit nauna nang umangat ang nga braso ko para paikutin iyon sa leeg niya. “Okay.” Binaba niya ang sarili niya upang hindi ako mahirapan sa agwat ng tangkad naming dalawa. Dahil gumanap na ako sa role bilang asawa sa mga teleserye ay natutunan kong gawin ang bagay na ‘to. It's the first time I'm going to do this with him, though. “Yo
“Kung may gusto kayong sabihin, puwes ‘wag sa harapan ng anak ko.” “HA!” umasik siya. “Eh nakatalikod naman ‘yang anak mo, oh? Pwede na ba? Bakit? Hindi ba mas maganda na sa murang edad, eh malaman na niya na anak siya sa labas!? Para wala ka na ring sekreto ang dapat pa niyang ibunyag!” Nanggalaiti ako ngunit pinanatili ang kalmado sa aking boses. “Pwede mo bang itikom ‘yang malaswa mong bunganga, Davina? Hindi mo ba kayang magsalita nang hindi sumisigaw?” It's good that my son doesn't understand fluent Filipino yet. Kung hindi ay maiintindihan niya ang mga ibig iparating ni Davina. Ang nagpapanginig lang sa katawan niya ngayon ay ang pagalit na sigaw ng babaeng ‘to. “Ikaw ang depenisyon ng malaswa, Serena!” bulalas pa niya. “Hindi ka ba nahihiya d'yan sa kawalang-hiyaan mo? Wala na talaga yatang paglalagyan ‘yang kakapalan mo ng mukha! Nangaliwa ka na nga, dinala mo pa ‘yang bunga ng pangangaliwala mo!” “Wala kang karapatang bumoses dito, Davina. Dahil unang-una, si Ezekiel ang
“Kung sasabihin ko ba, pakikinggan mo talaga ako, Panying?” nanlulumo at kinakabahan kong tanong sa kaniya. “Paniniwalaan mo naman kaya ako? Kasi simula nang nagbalik ako rito… wala akong ibang narinig sa’yo kundi panghuhusga at pangiinsulto sa buo kong pagkatao. P-Pinagbuhatan mo ako ng kamay, kahit na hindi mo pa naririnig ang side ko. Kaya bakit ngayon pa, Panying?” “P-Patawad, Serena, pero hindi mo ako masisisi.” kaagad na namula ang mga mata niya. “Halos magpakamatay si sir Heskel, bumalik ka lang.” “A-Ano?” “Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin ang makita siyang nagkakagano'n—nababaliw sa kahahanap sa'yo. Lagi niya akong tinatanong kung umuwi ka na raw ba, kung nasa'n ka na, at kung kumusta ka na kaya? A-Ano bang masasagot ko sa kaniya? Hindi ko alam kung bakit ka naglayas. Hindi ko alam kung bakit ka sumama sa ibang lalaki. Basta na lang, pagbalik ko isang araw, madadatnan kong wala ka na.” May bumara sa lalamunan ko. Hindi ko mailarawan sa isipan ko ang naging epekto ng
“Ano sa tingin mo kung bakit pipiliin ko paring dalhin ang anak ni Ezekiel, kung may iba naman pala akong mahal, Panying?” pagkuwestiyon ko sa kaniya. “Alam ko na noon na niloloko niya ako para kay Marian, pero sinabi ko parin sa sarili ko na kung pipiliin niya ako at ang sanggol sa sinapupununan ko ay mananatili ako sa kaniya. Pero sampal na sa mukha ko ‘yung ginawa nilang kahayupan ni Marian, eh!” “S-Serena, pasensya na, hindi sa hindi ko pinaniniwalaan ang sinasabi mo ngayon. Sadya lang talagang imposibleng magagawa ni sir Heskel ‘yon.” pagkontra niya. “Kasi kung babaero siya, kung may namagitan sa kanila nung babaeng ‘yon sa pagsasama niyong dalawa—hindi ko lang mapaliwanag, kung bakit mamatay-matay siya noong iniwan mo siya!” “Hindi ko naramdaman ang pagmamahal niya sa gano'ng lebel, Panying.” “Eh, pa'no? Kung hindi siya ang busy sa trabaho, ikaw parati! Minsanan lang kayong dalawa nagkakasama, at pinagsusungitan niyo pa ang isa't-isa. Parati ring nirereklamo ni ma'am Raquel ka