Share

Chapter 4: Taste Me

Prente kong pinanonood si Piere na abala sa pagtipa sa laptop niya habang may sinasagot na tawag, kauuwi niya pa lang sa trabaho ngunit nagta-trabaho na siya ulit.

Pasimple akong lumapit sa kanya. Agad niya rin naman na napansin ang presensya ko dahilan para lingunin niya ako.

“May kailangan ka?” direktang tanong niya at muling itinuon ang atensyon sa trabaho.

“P-Piere..”

“Mmm?” tugon niya.

“Pwede bang bumisita ang mga kaibigan ko bukas?” sobrang hinang sabi ko at halos hindi na maunawaan.

“Huh?” pag-uulit niya.

“Pwede bang bumisita ang mga kaibigan ko kako, bukas..” nahihiyang ulit ko.

“Your friends?” Matipid akong tumango sa tanong niya.

“Hmm—”

“Sabi kasi nila baka daw mayaman na ugod ugod ka!” sobrang bilis na sabi ko at napapikit pa, ngunit dahan-dahan akong nagmulat ng marinig ang mahinang tawa niya.

“Yeah sure,” tugon niya at pigil na pigil ang pagkawala ng ngiti sa labi niya.

“Salamat!” masayang sabi ko at halos bawat hakbang ko papunta sa kusina ay patalon talon.

“Manang!” tawag ko kay manang na mabilis na lumapit.

“Kumain na po kayo? Kain na po kayo. Ako na po ang maghahanda ng kakainin ni Piere,” masayang sabi ko dahilan para mabigla ito.

“Aba Lumi marunong ka ba magluto?” gulat na sabi ni manang sa akin.

“Oo naman po! Nagluluto po ako sa mga birthday kapag rumaraket ako manang,” malawak ang ngiti kong sabi.

“Osya sige ha, kapag iyan hindi masarap ay parehas tayong malalagot kay Sir Piere,” sabi ni manang kaya nakangiti akong tumango dahilan para pumunta na siya sa likod para makakain.

Dahil doon ay sinimulan ko na magluto, simpleng pagkain at filipinong filipino ang putahe. Nang matapos ay saktong lumapit na si Piere.

“Ikaw ang maghahanda?” tanong ni Piere, pakiramdam ko ay pinipilit niya lang magtagalog sa harapan ko.

Ngumiti lang ako bilang tugon at tsaka naupo sa harapan niya, “Tikman mo,” nakangiting sabi ko at minamasdan ang mukha niya.

Takang taka naman siyang kumuha ng ulam at hinalo niya iyon sa kanin, nang maisubo niya ‘yon ay mas napatitig ako sa kanya.

Nagulat ako ng bigla niyang ibaba ang kutsara, “Manang!” sa malakas niyang tawag kay manang ay kinabahan ako.

H-Hindi ba masarap?!

Naalerto naman si manang na lumapit, “S-Sir Piere,” sabi ni Manang at halos sesermonan ako ng tingin niya.

“What dish is this? It tastes so damn good, bakit ngayon mo lang niluto sa akin ‘to?” Nanlaki ng husto ang mata ko sa sinabi ni Piere.

Napangiti naman si manang at sinulyapan ako, “Si Lumi ho ang nagluto niyan Sir Piere,” paglilinaw ni manang dahilan para unti-unti na mamula ang mukha ko.

“Really?” kwestyon ni Piere at tinignan ako.

“Oh, is that why you’re watching my reaction?” nakangising sabi niya at napapailing na tumawa.

“You’re acting cute huh?” mahinang asar niya dahilan para kiligin ako at kagatin ang sariling labi upang pigilan ang ngiti.

“Masarap, it reminds me of my childhood days. Ganito rin kasi ang luto ng lola ko,” pagkwento niya kaya naman mas tinitigan ko siya.

“Talaga?”

“Mm, thanks. You should eat too,” he gestured.

“Salamat!” masayang sabi ko at ganadong kumain.

Kinagabihan ay nasa kwarto lang ako habang nakadapa at kausap ang mga kaibigan ko, hanggang sa biglang bumukas ang pinto dahilan para umayos ako ng upo.

“Busy?” tanong niya.

“Pag dating po sa inyo syempre kahit busy, magiging hindi.” Ngumiti ako at hinarap siya, natigilan ako nang maupo siya sa kama ko at makaharap ako.

“Allowance,” nakangiting sabi niya at inilapag ang putting envelope sa harapan ko dahilan para hawakan ko iyon at silipin.

Napalunok ako ng makita ang maraming pera, “Sa akin ito?”

“Yes, treat your friends and have fun tomorrow. I’ll take my day off so they could see me.” Huminga siya ng malalim at tinitigan ang mukha ko.

“Para malaman nila na hindi ugod-ugod ang bumili sa kaibigan nilang si Yumi Torinio,” ngisi na sabi ni Piere at inayos ang buhok ko.

“Ilang taon na po pala kayo?” biglang tanong ko na ikinatigil niya.

“I’m 27,” tipid niya na sagot.

“Hala! Halos anim na taon po ang tanda niyo sa akin?” hindi makapaniwalang sabi ko dahilan para tanguan niya ako ng nakangisi.

“Bakit wala ka pang asawa? Girlfriend?” Baka mamaya ay hinahalikan ko siya tapos nay asawa o nobya pala!

“I’m sure they want something from me that I can’t give, and it’s commitment and love.” Sa sinabi niya ay mas nagtaka ako.

“Hindi ka pa nagka-girlfriend?” pabulong na tanong ko.

“Not yet, maybe flings?” tugon niya.

“Pero b-bakit po ang galing niyo hùmalik?” sobrang hina kong sabi at pinaglaro ang mga daliri ko.

“From experience, I kissed a lot of girls when I was your age.” Kwento niya habang sumusulyap sa ceilings sa kwarto ko.

“H-Huwag po kayo magagalit sa tanong ko ha,” bulong na sabi ko dahilan para tumingin siya sa akin.

“E-Edi ano po..”

“Ano?” pag-uulit niya sa sinabi ko.

“V-Virgin po kayo?” mahinang sabi ko.

Ngumisi ang labi niya bago niya binasa iyon gamit ang dila niya, pinag-iisipan kung sasagot sa akin.

“Hmm.. You could say that,” pa tango-tango pa niyang sabi kaya pinigilan ko ngumiti.

“Same po!”

Natigilan siya at umiling, “You don’t need to broadcast it, silly.”

“Pero hindi po kayo mukhang 27,” seryosong sabi ko.

“Akala ko nga ay mas matanda ka lang sa akin ng dalawang taon o tatlo,” nahihiyang dagdag ko.

“Mm, that’s funny but thanks. I’ll go ahead, I’m a bit drunk.” Paalam niya at tumayo na.

Ngunit mabilis akong humabol, “P-Pwede mo bang tikman ako?” Napatigil siya sa sinabi ko bago ako nilingon.

“Taste you? Where?” naguguluhan at natatawa niyang sabi.

“T-Tulad po no’n.” Turo ko sa nasa laptop, nakita ko kasing kinakain ng lalake ang tahong ng babae at mukhang masarap ‘yon sa pakiramdam.

Ang berdeng mata ni Piere ay sumulyap doon, bago ako muling sinulyapan tsaka siya matipid na ngumiti.

“Not now, Lumi. Wait until you’re 21, baka hindi ako makapagpigil.” Inayos niya muli ang buhok ko bago niya ako tinalikuran at lumabas ng kwarto ko.

Napanguso naman ako sa sinabi niya, bakit pag 21 pa?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status