Share

Chapter 5: Finally, 21

Kinaumagahan ay dumating kaagad ang mga kaibigan ko habang si Piere yata ay natutulog pa sa kwarto niya. Balita ko ay uminom siya kagabi ng wine kaya pala bahagya niya akong iniiwasan.

Ang mga kaibigan ko ay pinaupo ko sa entertainment area, si manang naman ay ginawan kami ng masarap na meryenda.

“Nasaan na ang sinasabi mong lalake?” bulong ni Hani sa akin.

“Tulog pa siya,” nakangiting sabi ko.

“H-Hindi ka ba niya sinasaktan?” pabulong na sabi ni Hani habang tumitingin sa kanan at kaliwa na para bang may makakarinig no’n.

“Hindi naman?” nagtatakang sagot ko.

Nang breakfast na ay pinaghandaan kami ni manang, ngunit biglang may tumikhim sa gilid dahilan para mapalingon rin ako.

Nakita ko naman si Piere na tila kagigising lang at basa pa ang buhok na mukhang galing sa paghilamos.

“Good morning,” inaantok na bati niya dahilan para mas malalim ang boses niya at tila namamaos maos pa.

“Hala ampogi!” bulong ni Hani at siniko ako, napahawak naman ako sa tagiliran ko.

“Gago, noong umulan ng kagwapuhan ay binabaha siya!” dagdag sabi ni Hani kaya natawa ako.

“Can I join?” wika ni Piere at nakapamulsang naglakad papalapit sa tapat ko dahilan para makatabi niya si Merly na halos mahimatay sa kalatili niya ng walang tunog.

Abnormal talaga ‘tong mga ‘to nakakahiya!

“S-Sure po!” uutal utal pang sabi ni Hani.

Dahil doon at tahimik kaming kumain, “Girlfriend mo po ba si Lumi? Bakit niyo po pala pinatira si Lumi dito?” derederetsong tanong ni Merly.

Napangiwi ako dahil natigilan sa pagnguya si Piere, nang matapos niyang makain ‘yon ay alanganin siyang tumawa at tinignan ako.

“H-Hindi ko sinabing boyfriend kita, promise! Wala,” mabilis na sagot ko.

“Well, I guess you can call it like that, I mean our relationship. Right?” Sunod sunod akong tumango sa sinabi ni Piere.

Matapos namin mag-umagahan ay aakyat na sana si Piere ngunit sinenyasan niya ako. “Follow me.”

“Saglit lang ha,” sabi ko sa mga kaibigan at lakad takbo na sumunod kay Piere.

Halos masamid ako nang dumeretso siya sa kwarto niya dahilan para kabahan ako, ngayon lang ako makakapasok sa kwarto niya.

Pagkapasok sa loob ay natigilan ako noong isarado niya ang pinto ng kwarto at i-corner ako sa likod no’n.

“P-Piere,” nauutal na sambit ko sa pangalan niya at tiningala siya sa likas niyang tangkad.

Ang berde niyang mata ay tila dumidilim ang tingin, “You know our rules right?”

“Po? Opo,” mabilis na sagot ko.

“Alright, don’t meet your father behind my back. I already—”

“P-Paano po kapag emergency? Bawal rin po?” pagputol ko sa sasabihin niya, hindi siya nakasagot at umiwas tingin.

“Your father is a gabling addict, he’ll do anything to make sure he’ll have the money he needed. If I ever had an encoun—”

“Pwede po tagalog niyo na lang? Hehehe, ‘di ko po gets eh. Ambilis po at may accent,” nahihiyang sabi ko ng nakangiti.

Nauubos ang pasensya niyabg huminga ng malalim, “Yung ama mo kako, sa sobrang lulong sa alak at sugal baka may gawin sa’yo para lamang magkapera siya. Malinaw?” pag-uulit niya kaya ngumiti ako at tumango.

“For emergency, then I guess I don’t have a choice but to let you, in one condition, make sure you’re with my butler.” Tango lamang ang isinagot ko.

“Aalis po muna kami para gumala sa mall, salamat!” paalam ko at aalis na sana ngunit mabilis niya akong naibalik sa kinatatayuan nang mahuli niya ang bewang ko.

“Ano pa po—” Naputol ang sasabihin ko noong mabilis siyang yumuko at dinampian ng halik ang labi ko.

“Have fun,” mahinang sabi niya matapos humiwalay at hinawakan ako sa balikat upang palabasin sa kwarto niya.

Pero bago ako saraduhan ay pinigil ko ang pinto, “Ano po iyang nakaumbok?” Turo ko sa pants niya dahilan para mapalunok siya at takpan iyon.

“Wala, alis na.” Taboy niya at tuluyan akong sinaraduhan.

MAKALIPAS ang ilang linggo ay birthday ko na, masaya akong tinitignan ang buong garden ng mansion ni Piere dahil may mga dekorasyon iyon at may mga handa.

“What’s your birthday wish?” nakangiting sabi ni Piere at sinuotan ako ng party hat na parang bata.

“Hmm, pwede po ba pumunta si itay?” baka sakali ko.

Natigilan siya at unti-unti na nawala ang ngiti sa labi, “I’ll see what I can do,” bulong niyang tugon at walang gana akong tinalikuran.

Maya-maya ay magsisimula na ang party, ngunit mas natuwa ako noong kalagitnaan ng kasiyahan ay dumating si itay.

“Itay!” masayang bati ko sa kanya at tumakbo upang yakapin siya, ngunit nang akapin ko siya ay halos sumalampak ako sa sahig noong itulak ako nito.

“Ano ba’t yayakap yakap ka pa? Hindi ka na bata,” pabalang na sabi niya dahilan para manlabo ang mata ko.

Masakit yung pagkakasalampak ko, ngunit mas masakit ang naging pag tanggi niya sa yakap ko.

“N-Ngayon lang po tayo nagkita e—”

“Aba’y masaya nga ako ng nawala ka, wala akong palamunin na iniisip!” pasigaw niyang sabi, tinulungan naman ako ni manang na itayo.

Lumabi ako at iniiwas ang tingin sa kanya, maging si Hani at Merly na natatanging bisita ko ay nabigla.

“A-Ano ho bang ginawa ko sa inyo at ayaw na ayaw niyo sa akin?” nagsimulang mabasag ang boses ko dahil sa kakapigil ko ng luha.

Maging ang lalamunan ko ay tila sinasakal, ngunit hindi lang ‘yon, ramdam ko rin ang pagpiga sa puso ko dahil sa sariling tanong.

“Kalokohan na itanong pa sa akin ‘yan, kung hindi ako pinakiusapan ng butler ni Sir Piere ay hindi ako pupunta rito. Ang kapal ng mukha mong mag-enjoy sa kaarawan na namatay ang ina mo!” bulyaw niya dahilan para sunod-sunod na tumulo ang luha sa mata ko.

K-Kaya nga ngayon lang ako pinaghandaan sa sariling kaarawan ko, ngayong bente uno lang ako nagkaroon ng birthday party at masarap na three-layered cake.

“That’s enough,” pag-awat ni Piere at malamig ang mga tinig na tumayo sa aking harapan.

Matipid siyang ngumiti sa akin, “Ang sabi ko ay dumalo ka sa kaarawan ng anak mo, hindi maghasik ng lagim dahil sa galit mo sa kanya,” seryosong sabi ni Piere at nilingon ang ama ko.

“S-Sir Piere,” mahinang sambit ni itay sa pangalan ni Piere.

“Mabuti pa’t umalis ka na Julio, habang may natitira pa akong isang porsyento ng pasensya.” Tinalikuran ni Piere si ama at hinawakan ako sa kamay.

“Don’t spoil your own party, Lumi. Have fun and just like what your father did, stop caring.” Hinawakan niya ang tuktok ng ulo ko at inayos ang buhok ko.

“Pakilabas ang basura, guards!” malakas na sabi ni Piere dahilan para panoorin ko si ama na palabasin ng guwardiya ni Piere.

Tinitigan ko naman si Piere na maganda ang ngiti sa akin, “Happy 21st birthday, Lumi.”

“P-Piere,” naiiyak na usal ko sa pangalan niya.

“Don’t cry, I’ll make sure to make your birthday memorable…” pabulong niyang usal kaya napalunok ako.

‘Memorable?’

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status