Share

Chapter Eighty-Three

Olivia

Ikinulong niya ako mula sa kaniyang mga bisig habang ako naman ay walang laban na nakadikit sa pader.

Anong ginagawa niya? Plano ba niyang halikan ako?

May gusto siyang sabihin sa akin nang marinig ko ang boses ni daddy kaya marahan ko siyang itinulak at tsaka ako lumabas.

"Daddy,I heard that you're calling me?!" bungad ko sa kaniya.

Naabutan ko siyang umaakyat pa lamang sa huling baitang ng hagdan.

"Are you okay? I just want to check on you dahil nakita kong dumating na itong si Lloyd." Turan niya.

"Ah, opo! Maayos naman po ako daddy,"

"Sigurado ka ba? Bakit parang hinihingal ka yata? Ayos ka lang ba talaga?"

Si daddy naman! Napakaraming tanong. Pati ba naman hingal ko ay kukuwestiyonin pa niya. Baka mamaya kung ano pang isipin niya na ginawa namin ni Lloyd, eh! Atat pa naman siyang magkaapo na.

"Opo, daddy! Huwag po kayong mag-alala dahil ayos lang po talaga ako."

"Oh, siya, sige! Pumanhik na rin pala ako dahil may sasabihin ako sa'yo, anak."

"Sasabihin? Ano po iyon, daddy?"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Rosie Li
good morning na naman mga kreaders
goodnovel comment avatar
ChubbyChickk
Hello, my next update could be January 31st or by next month. Thank you for patiently waiting and reading my story.
goodnovel comment avatar
Lou Bertulfo Sacay
update pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status