LloydThe party is getting started. Unti-unti na ring napupuno ng tao ang buong crowd. Dahil party nga ito ni Alex, hinayaan ko siyang imbitahin lahat ng gusto niya, kasama na rin ang mga kaibigan niya na ang ilan ay hindi ko mga kilala.Binigyan naman ako ng permission ni daddy na gamitin ang pool area kaya pool party na lang ang binigay ko kay Alex. Kitang-kita ko ang saya sa mukha niya habang tinatanaw ko siya mula sa balcony sa second floor.Dahil sa malakas na tunog ng sound system, halos hindi ko na marinig ang ibang ingay. Hindi ko tuloy namalayang kanina pa pala nagri-ring ang cellphone ko. Kinalabit lamang ako ni Yaya Tessy na kanina pa pala nakatayo sa aking likod."Naka-ilang balik na po ako sa kwarto niyo at kanina ko pa rin naririnig na nagri-ring 'yan. Dinala ko na sa'yo dahil baka importante." Sambit ni Yaya Tessy. Pagka-abot niya sa akin nang cellphone ko ay nagpaalam na rin siya kaagad.Sasagutin ko na sana ang tawag pero nang sandaling pipindutin ko na ang answer but
OliviaI was busy preparing some documents inside my father's office nang biglang pumasok ang secretary ni daddy. Sinulyapan ko lamang siyang sandali at tsaka muling pinagpatuloy ang aking ginagawa."What do you need?" I asked while typing at my laptop."Pinatatawag po kayo ni Sir Oliver sa meeting room." Usal ng secretary ni daddy.Napahinto ako at nilingon siya. "Akala ko ba'y-" hindi pa ako tapos sa aking sinasabi nang bigla siyang magsalita."May sasabihin raw po sa inyo ang inyong ama. Kung puwede pong paistorbo lamang kahit na sandali."I heaved a sigh bago magpasiyang isarado na muna ang laptop ko. Kamot ulo akong tumayo at nilisan ang opisina ni daddy.Pagpasok ko sa meeting room ay sakto namang kakalabas lamang nang hindi kilalang lalaki na kausap ni daddy. nagkatinginan pa kami nang mata sa mata bago siya tuluyang umalis. Nang magtagpo ang mga mata namin, kataka-takang bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Para bang bigla akong kinabahan. Naupo ako sa harap ni daddy b
OliviaPara akong binuhusan ng bagong kulong tubig dahil sa nakita ko. Mabilis na nanlambot ang mga tuhod ko, dahilan para mapaluhod ako.Nang mapansin ni Matthew iyon ay kaagad niya akong nilapitan at tumambad sa kaniya ang nakatatanda niyang kapatid na may katabing ibang babae sa kama. Kapwa ito walang mga suot na pang-itaas at tanging puting kumot lamang ang nagtataklob sa kanilang dalawa.Pinipit kong tumayo ngunit hindi ko nagawa dahil tila hinigop nila ang natitira kong lakas.Habang mahimbing ang tulog ng asawa ko at nang babae niya, ako naman ay walang imik na umiyak habang nakasalampak sa sahig. Hindi ko maiwasang tingnan sa mata si Matthew habang pinipilit niyang itayo ako. Kitang-kita ko sa mata niya ang awa niya sa akin, pero alam kong alam niya na wala naman siyang magagawa."Let's go, Olivia! Let's get out of here!" Saad niya habang inaalalayan akong tumayo.Hindi ako nagsalita. Hinayaan kong kontrolin ako ni Matthew. Hinayaan kong itayo niya ako at ilabas mula sa kwarto
LloydIsang malakas na suntok ang ibinigay sa akin ni Matthew, dahilan para muli akong bumagsak sa sahig. Kaagad naman akong nilapitan ni Francheska upang tulungan ngunit ipinagtulakan ko siya.Kanina pa ako naguguluhan sa nangyayari, pero isang ang sigurado ako. Binanggit ni Matthew na nahuli nila kaming magkatabi sa kama ng exx-girlfriend ko. Wala akong maalala dahil ang huling naaalala ko lang naman ay 'yong pumasok ako sa kwarto dahil masama ang pakiramdam ko.Wala akong ininom na kahit ano. Wala rin akong kinain, kaya't imposibleng hindi ko namalayan ang mga nangyari."Ito ba ang magandang buhay na sinasabi mong ibibigay mo kay Olivia? Isang kalokohang naniwala ako sa'yo dahil simula pa lang, alam ko nang hindi ka mapagkakatiwalaan. I trusted you, Kuya! I trusted you more than anyone else. Papaano mo nagawa 'to sa babaeng sinasabi mong mahal na mahal mo?" Alam kong nanggigigil pa rin sa akin si Matthew dahil ramdam ko iyon sa bawat salitang binibitawan niya."Wala akong maalala,
OliviaIsang linggo na rin ang nakalipas mula nang iwan ko si Lloyd. Wala kaming official break up pero sapat na sigurong rason ang niloko niya ako para kumalas ako sa kanya.Emosyonal pa rin ako hanggang ngayon dahil nasasaktan pa rin ako sa ginawa niya. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang, o kung sumobra ba ako sa pagmamahal sa kaniya."Ganoon ba kahirap magmahal ng isang Montero?" biglang sambit ko habang nakatulala sa kawalan.Akala ko'y sa isip ko lamang iyon sinabi kaya't ganoon na lamang ang gulat ko nang biglang sumagot si Matthew."Hindi naman mahirap magmahal ng isang Montero. Talagang mali lang ang Monterong pinili mo." Sambit niya. Nilingon ko siya matapos niyang magsalita."May mali ba sa akin, Matthew? Bakit nagawa ni Lloyd iyon, gayong mahal na mahal ko naman siya? Ganoon ba ako katanga para lokohin niya lang?" Ang daming tanong ang tumatakbo sa isip ko pero wala ni isa doon ang sinagot ni Matthew.Tahimik niya akong pinagmasdan habang patuloy na tumutulo ang luha ko.
OliviaNang dumating ang mga pulis, kaagad nilang inabot sa akin ang isang plastic na naglalaman ng ilan sa mga gamit ni daddy kasama na ang cell phone, rolex na relo at ang kwintas niyang naglalaman ng litrato naming tatlo kasama si mommy."Miss San Cristobal, nakikiramay po kami sa pagkawala ng inyong ama." Sambit sa akin no'ng pulis na nag-abot sa akin ng gamit ni daddy."Hindi totoo 'to! Hindi totoo ito." Humarap ako kay Matthew at hinampas siya sa dibdib gamit ang dalawa kong kamay. "Sabihin mong prank lang 'to, Matthew! Bawiin mo ang lahat. Sabihin mong panaginip lang ang lahat nang ito."Hindi nagsalita si Matthew. Pinilit niya akong yakapin ng mahigpit. Doon na ako nagsimulang humagulgol. Humagulgol ako kasabay ng pagtawag ko kay daddy.Habang nasa bisig ako ni Matthew, narinig kong nagpaalam na 'yong mga pulis sa amin. Narinig ko rin na sinabi no'ng mga pulis kung saan matatagpuan si daddy.Pinilit kong kumalas mula sa pagkakayakap ni Matthew. "Gusto kong makita ang daddy ko.
OliviaPagmulat ko nang aking mga mata, bumungad sa akin ang mga aparatong sa ospital lamang matatagpuan. May babaeng pamilyar sa akin na nakatungo hindi kalayuan sa aking hinihigaan."Yaya Luna?" sambit ko.Pagtunghay no'ng babae, si Yaya Luna nga. Kaagad siyang tumayo at lumapit sa akin.Hinawakan niya ang kamay ko habang maluha-luha ang kaniyang mata. "Kumusta po ang pakiramdam mo, Ma'am Olivia?"Hindi ko sinagot ang tanong niya. Bagkus, sinagot ko iyon ng isa pang tanong. "Kailan ka pa nakabalik, Yaya?""Kahapon pa po. Tinawagan ako ni Sir Oliver. Sabi niya sa akin na kailangan mo raw ng makakasama sa bahay kaya nagpasiya akong bumalik.""Tinawagan ka ni daddy?"Tumango si Yaya Luna. Napalunok naman ako at nagbuntong hininga. Ibig sabihin ba no'n, alam na ni daddy na may masamang mangyayari sa kanya kaya nagbilin na siya kay Yaya Luna?"Kinalulungkot ko po ang nangyari sa inyong ama. Matagal-tagal na rin akong nagsilbi sa inyo at nasaksihan ko ang paglaki mo.""Nasaan si Maathew?"
OliviaBawat araw na lumilipas ay mahirap para sa akin. Hirap akong kumilos at ang bigat-bigat ng dibdib ko. I reaally miss dad. I really miss his existence.Nakatingin ako sa kabaong ni daddy habang tumutulo ang luha ko. Nanginginig rin ang mga kamay ko. Tumabi sa akin si Yaya Luna para pakalmahin ako."Mahal na mahal ka talaga ng daddy mo. Maging sa huling hininga niya ay ikaw pa rin ang iniisip niya." Sambit ni Yaya Luna.Nilingon ko siya at tsaka ako nagsalita. "Ano pong ibig niyong sabihin, Yaya?"Kaagad na inabot sa akin ni Yaya Luna ang cell phone ko. Ang cell phone ko na hindi ko alam kung kailan ko huling nahawakan."Inabot sa akin ni Matthew kanina 'yan. Ibigay ko raw sa 'yo." Wika ni Yaya Luna.Nilingon ko siya nang may pagtataka. "Si Matthew? Nandito siya?"Tumango naman si Yaya Luna. "Dumaan siya kanina at inabot niya sa akin 'yan. Alam niyo raw na kailangan mo 'yan sa huling araw ng papa mo kaya pinaayos niya raw para sa 'yo.""Pinaayos?""Oo! Sinira mo raw kasi 'yang ce