Share

021

PAGDATING ni Tatay ng gabi, natigilan siya nang makita niya ang bouquet at malaking stuff toy.

"Bigay ni Ate sa akin, 'Tay," sabi ni bunso habang yakap-yakap niya ang kaniyang stuff toy.

"Hindi ba nakakaubo iyan?" tanong naman ni Tatay habang nakangiti. Nilapitan niya ang kapatid ko saka hinalikan sa ulo. Hinaplos din niya ang stuff toy upang i-check ang balahibo nito. Ngumiti siya.

"Tay, napag-usapan namin ni Ate kanina na sa bahay na lang muna si bunso. Nasabi na din namin kay Nanay."

Nagbago agad ang mood ni Tatay. Naging malungkot ang mukha nito.

"Mukhang iyon ang makakabuti para sa kaniya sa ngayon. Ayaw ko man, dahil malulungkot ako. Alam niyo naman na malambing sa akin itong bunsong kapatid niyo."

Biniro ko si Tatay. "Tay, ha. May paborito ka na ngayon." Tumawa lang siya.

Hinaplos niya ang buhok ng kapatid ko at saglit itong pinagmasdan.

"Mag-aasawa ka na ba, Anak?" tanong niya sa akin, habang nakatingin sa malaking bouquet.

"Wala po akong nobyo, 'Tay..." mabilis kong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status