Share

024

"Is she okay?" tanong ni Darius. Nandito ako ngayon sa shop. Dito ako dumiretso pagkatapos kong ihatid ang mga kapatid ko sa kanila. Nalulungkot ako kaya imbes na umuwi ng bahay at magmukmok doon, pinili kong puntahan si Camila dito sa shop.

Pagdating na pagdating ko pa lang, alam na niya agad na may nangyari. Hindi ko mapigilang sabihin sa kaniya ang naging away namin sa bahay, at ibuhos ang sama ng loob ko dahil sa nangyari.

"Tama lang na ginawa mo," aniya. "Para madala ang nanay mo."

Oo, kahit na kawawa sina Tatay at mga maliliit ko pang kapatid. Bumuntong hininga ako.

Sumenyas si Camila na kausapin ko daw si Darius. Inaabot niya sa akin ang kaniyang celphone pero umiling ako.

Naka-off ngayon ang phone ko, dahil kanina pa tawag nang tawag si Nanay. Akala ata niya hindi ako seryoso sa sinabi ko kanina.

Bibili na lang ako ng extra na simcard mamaya, upang doon ako kontakin ng isa kong kapatid.

"I'm worried..." sambit ni Darius mula sa kabilang linya.

Umiling-iling ako kay Cam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status