Share

023

Hindi ko na talaga alam ang iisipin ko sa nanay ko. Ako pa ang nagmukhang masama.

Tamad ko siyang tinignan. Nagsukatan kami ng tingin, pero agad ding naputol nang may dumating na bisita si Nanay.

"Tara na!" aya ng isang maputing ginang kay Nanay. Maganda ito manamit. At naagaw ng aking pansin ang suot niyang hikaw. Ang pearl earrings ko.

Hindi ako maaring magkamali. Akin ito. Limited edition ang earrings na ito. Pinasadyang ipagawa ito ni Camila sa isang jeweler.

"Nay!" Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Napatingin din ang kapatid ko sa tenga nang babae. Tiyak na napansin niya ang pagkakatitig ko doon.

Suminghap siya. Nang makita naman ni Tatay ang ginagawa ng kapatid ko na walang hiyang pagtitig sa babae, masama siyang tumingin kay Nanay.

Sa ilang gabi na na magkasama kami sa ospital, alam kong kabisado na niya ang suot kong alahas. Lalo at wala akong suot ngayon.

Hinubad ko lang ito kagabi nang maligo ako. Pagkatapos kong maligo, si Nanay naman ang gumamit ng banyo.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status