Nagpaalam na si Jarsurya at umalis ng Saintville.Hinila ni Alex si Lex sa gilid dahil may gusto siyang sabihin dito nang walang ibang nakikinig. “Gusto kong tulungan mo ako.”Yumuko si Lex at sinabi, “Sige po, master.”Hinila ni Alex si Lex patayo at sinabi, “Ayos lang ‘yon, tumatanda ka na kaya hindi mo na kailangang yumuko sa ‘kin tuwing kinakausap mo ako! Oh, tumigil ka na rin sa pagtawag sa ‘kin na master. Ang lahat ng mga titulo na ‘to ay nakakalito lang! Tawagin mo na lang akong Ginoong Rockefeller mula ngayon!”“Opo, master… Ginoong Rockefeller.”“Oo nga pala, heto ang card mo.”Binabalik ni Alex ang isang itim na card sa bangko na mayroong 10 bilyong dolyar sa loob. Nagulat si Lex. “Para sa ‘yo ‘to! Paano mo magagawang mawalan ng pera sa ganitong ekonomiya?”Sumagot naman si Alex, “Naglipat na ako ng 30 milyon sa account ko. Ang card na ‘to ay masyadong nakakapukaw-tingin at ang sampung bilyon ay labis-labis na. Kapag nalaman ng asawa ko o ina ang tungkol dito, hindi ko alam k
Iniisip pa rin ni Alex ang tungkol sa insidente kasama sina Jarsurya at Vaudou sa kaniyang paguwi.Mayroon nga si Jarsurya na malakas na Chi sa loob niya. At si Vaudou ay mayroong kaparehong enerhiya na dumadaloy sa kaniyang katawan ngunit ito ay mas masama.Ano ang ibig sabihin nila sa ‘nasanay’?Noong oras na ‘yon, ininsulto ni Vaudou si Jarsurya noong kontrolin niya ang espiritu, sinasabi na hindi pa nasasanay ni Jarsurya ang kaniyang mga kakayahan. Patuloy na sinusubukan ni Alex na alamin ang tungkol sa skill mastery sa kaniyang isipan, ngunit hindi pa rin siya makahanap ng mga sagot.Ayon sa natanggap niya mula sa kaniyang ninuno, ang pagsasanay ng Force ay palalakasin ang kaniyang Chi. Kapag ang ika-apat na antas ng Force ay nakamit, saka lamang siya makakakuha ng mas malakas na pundasyon. ‘Bahala na. Anumang ‘kasanayan’ ang ibig nilang sabihin ay mas mahina pa rin sa Force na binigay sa ‘kin ng ninuno ko,’ naisip ni Alex at nagmaneho pabalik sa Maple Villa.Gayunpaman, nanigas
Biglang inangat ni Alex ang kaniyang braso at binato rin ang kaniyang kamao. Gumalaw siya nang mahina, na para bang ang kaniyang katawan ay gawa sa bulak.Ngunit noong magbanggaan ang dalawang suntok, nakaramdam si Brock ng malakas na daloy ng enerhiya na lumalabas mula sa kamao ni Alex.Nang bigla, narinig ni Brock ang tunog ng pagwasak ng mga buto sa kaniyang kanang braso, kasunod ng isang biglaang kuryente bago mamanhid ang kaniyang katawan. Tumingin si Brock sa wasak niyang braso noong bumagsak ito mula sa kaniyang braso, ngunit hindi siya makaramdam ng anumang sakit.Hindi siya makapaniwala na ito ay nangyayari.Si Alex, ka ninang tinawag niyang langgam, ay binaligtad na ang sitwasyon at winasak ang kaniyang braso.“Ito… Hindi ito totoo!”Inabot ni Alex ang kabilang braso ni Brock at hinawakan ito. Sa isang pang tunog, ang kaniyang mga buto sa pulso ay naghiwalay. Pagkatapos no’n ay binali rin niya ang mga binti nito.Sa isang huling suntok, ganap niyang winasak ang ubod ni Brock.
Nagpaliwanag si Waltz. “Si Frank Accardo ay ang CEO ng Valtamero Co. sa California. Posibleng siya lamang ang nag-iisang tao na kapantay ng ninong ko sa underworld ng California. Gayunpaman, ang lalaking ‘to ay mahilig na manatiling ‘di kapansin-pansin, kaya siya ay isang misteryosong lalaki. Dati ay nagkaroon kami ng alitan sa Valtameri Co. at matatalo na sana. Pero umatras siya nang walang dahilan at ito ay hindi na muli nabanggit pang muli.“Dati, natalo sa kaniya si Azure.” Sinabi ni Waltz noong tumuro siya kay Brock.“Oh?” Napalingon din si Alex kay Brock, tinatapik ang kaniyang mga dili sa mesa.‘Kung talaga ngang makapangyarihan si Frank Accardo, bakit magtatrabaho ang kanan niyang kamay bilang bodyguard ni John Rockefeller? Sila ay hindi konektado sa isa’t isa.‘Mukhang tama nga si Ina, siguradong may tinatago si John na malalim na sikreto.‘Maaari kayang nauugnay ‘to sa pagkamatay ni Ama?’ Naisip ni Alex noong tumingin siya nang masama kay Brock. Gusto na lamang niyang patayin
Noong magagalit na sana si Waltz, nagsalita si Alex, “Ang kanan mong dibdib ay nasugatan dati, ‘di ba? Kaya madalas kang makakaramdam ng sakit sa ilalim ng ikatlo mong tadyang sa kanan. Maaapektuhan nito ang pagsasanay mo. Sa tuwing sinusubukan mong kontrolin ang Chi mo, nakakaramdam ka ng matinding sakit sa mga baga mo.”Nagulat si Waltz. “Paano mo nalaman ‘yon?”Sumagot nang kalmado si Alex, “Kaya ko ‘yong gamutin para sa ‘yo, baka tulungan pa kitang pagalingin ang kakayahan mong makipaglaban. Pero kung ayaw mong maging alipin ko, ayos lang.”Nagliwanag ang mga mata ni Waltz at sinabi. “Gagawin ko na, gagawin ko na ‘yon!”Pagkatapos ng isang sandali, nahihiya niyang sinabi, “Pero… hindi ko alam kung paano maglingkod sa kama.”Ninais ni Alex na asarin siya. ‘Kaya kitang turuan no’n!’ Naisip niya.Ngunit pinigilan niya ‘yon at kumilos na parang walang iniisip. “Kahit na alam mo kung paano, hindi kita hahayaan. Bilisan mo na lang at pangalagaan ‘to.”Mabilis na tumawag si Watlz at may i
Nilagay ni Alex ang kaniyang mga braso sa likod niya at tumango habang nakatitig siya sa kaniyang pinsan. Hindi niya mapigilan ang bumuntong-hininga nang malalim.Noon, ang mga taong ‘to ay lubos na magalang sa kaniya. Tinatawag pa siya ng mga ito na kanilang kuya. Gayunpaman, dahil sa mga nakaraang pangyayari, ang malambing niyang pinsan ay lubos nang nandidiri sa kaniya at iniinsulto siya. Para bang gusto na siya nitong apakan.‘Ah sige, dahil basura rin naman ang trato mo sa ‘kin, bakit ko pa panghahawakan ang nakaraan nating relasyon?’Kalmado niyang sinabi, “Hindi na makagalaw ang matanda? Ang bilis, ah. Sa tingin ko ‘yon ang tinatawag nating karma!”Nagalit si Carol. “Ano’ng sinabi mo? Ang lakas naman ng loob mong pagsalitaan nang ganiyan si Lolo? Tao ka ba o peste? Dahil isang peste ang tatay mo, sa tingin ko peste ka rin!”Biglang nag-angat si Alex ng isang braso at sinampal ang mukha ni Carol. Nagsimula itong mamaga dahil sa pwersa.Ang ekspresyon ni Alex ay malamig at ang kan
Ang maliwanag na ngiti ng kaniyang ama ay nakatatak sa kaniyang isipan, na para bang kasama niya ito roon sa sandaling ‘yon. Ang pagkaalala sa ngiti niya ay winasak ang puso ni Alex.“Ama, ikaw ang pumili at bumili sa lugar na ‘to. Nabuhay ka rito!“Babawiin ‘to ng anak mo para sa ‘yo,” bulong ni Alex sa kaniyang sarili.Ipinikit niya ang kaniyang mga mata, nagpapalamon sa kaniyang mga iniisip.Alas singko na ng gabi noong bumalik si John sa manor mula sa ospital, tila gustong-gusto nang pumatay. Sinisi niya sina Alex at Brittany para sa kinalalagyan ng kaniyang anak at kaniyang ama. Ninais niyang ilabas ang kaniyang galit at kawawain ang dalawang p*ta na ‘yon.Ngunit noong makarating siya sa pasukan, nakita niya ang mga bantay.Noong buksan ni Fred ang kaniyang bibig, tinulak siya sa gilid ni John at malamig na tinanong, “Narito ba ang pesteng si Alex na ‘yon?”Hindi naglakas-loob si Fred na sumuway at sinabi, “Narito siya.”“Buti naman,” sabi ni John noong magmadaling siyang magtungo
“Ano?”“Sa likod ng aksidente nila?”Nagsanhi si Alex ng gulo sa mga Rockefeller sa isang tanong lamang na ‘yon.Ang lahat ay napatingin kay John, naghihintay ng isang sagot. Kahit si Noah ay napatingin sa kaniyang direksyon.Gumising si John sa kaniyang pagkakatulala at mas nagalit. “Kalokohan! Bakit ako ang magiging sanhi ng aksidente? Pinaghihinalaan mo bang pinatay ko ang ama mo? Sa tingin mo ba ay papatayin ko ang sarili kong kapatid? Ano’ng tingin mo sa ‘kin?“Ang ama mo, si William, ay pinagtaksilan ang bansa natin at sinubukang tumakas! Siya ang hindi nagbigay-pansin sa daan at nabalisa! Bumangga siya sa isang drayber at naaksidente. Siya ang nagsanhi ng sarili niyang kamatayan. Ano’ng kinalaman no’n sa ‘kin?“At saka, ang kaniyang mga kilos ay nagsanhi sa aming mga Rockefeller na magtiis ng kahihiyan. Ngayon ay katawa-tawa na kami dahil sa kaniya. Hindi man lang naming magawang mabuhay nang mapayapa sa California dahil sa iyong ama at inang si Brittany na sumuko sa kanilang ka