"Breath in, breath out," utos ni Sab sa akin na siyang ginawa ko naman. Napasandal ako at ipinikit ang aking mga mata. "Gusto mong puntahan kita?" "Hindi na," kaagad na sagot ko. Kilala ko ang liko ng bituka ng babaeng ito. Kapag nalaman niyang nandidito sa pamamahay namin si Wendy ay tiyak hindi makakalabas ang babae na walang mental damage. Ayaw na ayaw pa naman niya sa GraWen love team dahil bunga lang daw iyon ng walang kwentang married life namin ni Grantt. "Anong good news ang sinasabi mo?" tanong ko na lang para ibahin ang usapan. Nasa sasakyan ko pa rin ako dahil wala akong lakas pa para ipagmaneho ang sarili ko. Ganitong literal na nanghihina ang aking katawan ay mas maiging huwag na lang talagang magpadala sa emosyon na nararamdaman ko ngayon at baka hindi na naman magiging maganda ang resulta. "Gumamit lang sila ng sample voice nina Grantt at Greel para mai-edit nang maayos ang nasa recorder at pagmukhain itong totoo. Sa picture naman ay kuha iyon sa Practice Room ng Go
Pagak naman siyang natawa at napaiwas ng tingin. "You said 'love' and not 'loved'. Present tense, right?" Sinalubong niya ang aking tingin. "Nasaan pala ako, Yongsann? Paulit-ulit kitang tinatanong kung mahal mo pa ba siya pero hindi mo sinasagot. Ngayon ay alam ko na rin ang totoong nararamdaman mo.Ang tono ng kanyang pananalita ay walang kaibahan sa tono na aking ginagamit. Mabigat at puno ng sakit at hinanakit. Pareho kaming magiging selfish sa pagkakataong ito. Iniisip niya ang nararamdaman niya at gano'n din ako. Pareho kaming nararamdaman pero hindi namin maiintindihan ang isa't-isa ngayon. "Naiintindihan mo ba ang sakit na nararamdaman ko ngayon? Hindi, 'diba? Hindi mo maiintindihan kahit na kailan!" puno ng hinanakit kong sambit habang masagana pa rin ang luhang nagsisibagsakan sa aking pisngi. Pakiramdam ko ay namatay na naman uli ako. Namatay nabg paulit-ulit."Mahal na mahal mo talaga siya, 'no? Hindi ko talaga siya kayang palitan diyan sa puso mo. Naiintindihan ko ang sak
Dahil wala akong magawa ay pinili ko na lang na magbasa ng mga na libro ni Sab Isa itong bookworm kaya naman tambak ang libro sa mini-library nito. Ngayon ay naiintindihan ko ang pagmamahal ng mga mambabasa sa mga libro. Isa ito sa mga paraan para matakasan ang reyalidad. Halos isang linggo na ang nakakalipas at nandidito pa rin ako sa lungga ng aking kaibigan. Wala pa akong balak umuwi pero nandon pa rin naman 'yong pakiramdam na gusto ko ring ayusin ang gulo namin ng lalaking iyon. But not now, not too soon. Hindi ko pa kayang kalimutan ng tuluyan si Greel. Gusto ko pang parusahan ang akong sarili sa mga nagawa kong maling desisyon noon. Ayaw kong magkamali lang ulit. Napapitlag ako nang tumunog ang aking cellphone. Awtomatikong napatingin ako sa screen nito at nakita ko ang ID name ni Ate Olga. Napalunok pa ako at nagdalawang isip kung sasagutin ko ba o hindi pero sa huli ay pinindot ko rin naman ang answer button. After all ay hindi naman ito ang nananakit sa akin eh. "Hi, Yon
"Get yourself together, Yongsann." Ang malamig at nag-uutos na boses na iyon ang siyang pumukas ng diwa kong patulog na sana. Sinadya pa nitong isara nang pahampas ang pintuan ng kwarto namin. Isang linggo lang naman akong nawala sa pamamahay na ito ay pakiramdam ko ang daming nagbago kahit wala naman. "Mind your own business, Grantt," mahinang usal ko at tumalukbong ng kumot.Kanina pa ako nakahiga lang. Mga isang oras na rin siguro simula nang magsialisan ang mga kaibigan niya. Buong akala ko ay itatanggi niya pa rin ang tungkol sa amin pero hindi naman. Nakita ko kung paano nagulat ang kanyang mga kaibigan nang malaman ang totoo patungkol sa amin. "Ganyan ka na lang ba palagi? Magmumukmok kapag may problema at sisisihin ang lahat sa nangyayari?" panenermon niya pa sa tonong stress na stress. Parang noong mga nakaraan lang ay siya ang senesermonan ko, ngayon ay ako naman ang nalagay sa kanyang sitwasyon. Nga
"May party daw pala sa kila Ate Olga. Welcome party para sa kapatid ni Kuya Tristan," rinig kong saad niya pa nang makalabas na ako ng kwarto namin. Bahagya niya akong tinapunan ng tingin at awtomatikong nakakunot-noo at paniguradong dahil iyon sa suot ko. Sinadya ko talagang magsuot ng short shorts at fit na v-line crop top. Alam kong ayaw na ayaw niyang nagsusuot ako ng ganito ka-revealing na outfit. Base sa nakikita kong emosyon sa kanyang pagmumukha ay tagumpay akong buwisitin siya. Alam kong gusto niya akong pagsabihan na magpalit ng damit pero pinipigilan niya ang kanyang sarili."Okay, let's go," kaswal kong saad at nagpatiuna na palabas. Pareho kaming walang imik na sumampa sa aking sasakyan. Ako ang nasa driver seat since ako naman ang may-ari ng sasakyan.Napansin kong napatingin siya sa kamay ko. Suot ko kasi ngayon ang relo na regalo sa akin ni Kenth at hindi ang bracelet na bigay niya. Aware din siyang regalo ito ng kaibig
"May party daw pala sa kila Ate Olga. Welcome party para sa kapatid ni Kuya Tristan," rinig kong saad niya pa nang makalabas na ako ng kwarto namin. Bahagya niya akong tinapunan ng tingin at awtomatikong nakakunot-noo at paniguradong dahil iyon sa suot ko. Sinadya ko talagang magsuot ng short shorts at fit na v-line crop top. Alam kong ayaw na ayaw niyang nagsusuot ako ng ganito ka-revealing na outfit. Base sa nakikita kong emosyon sa kanyang pagmumukha ay tagumpay akong buwisitin siya. Alam kong gusto niya akong pagsabihan na magpalit ng damit pero pinipigilan niya ang kanyang sarili."Okay, let's go," kaswal kong saad at nagpatiuna na palabas. Pareho kaming walang imik na sumampa sa aking sasakyan. Ako ang nasa driver seat since ako naman ang may-ari ng sasakyan.Napansin kong napatingin siya sa kamay ko. Suot ko kasi ngayon ang relo na regalo sa akin ni Kenth at hindi ang bracelet na bigay niya. Aware din siyang regalo ito ng kaibigan ko sa'kin. Sinadya ko rin iyong iwan na lang
"At talagang basta mo na lang iniwan ito rito?!" asik ng haduf na Grantt nang makita ang bracelet na nasa kama lang namin. Kakarating lang namin galing kila Ate Olga at halos nagbangayan lang kami habang papauwi kami dahil kay Xyril. Anong gagawin ko kung gusto akong kausapin at lapitan ng dati kong ka-MU, 'diba? Eh, hindi rin naman kasi siya nagre-react nang harapan. Wala siyang imik habang kinakausap ako ni Xy tapos noong nasa sasakyan na kami ay tsaka niya ako aawayin. Kesyo ganito, kesyo ganyan.Ewan, hindi ko na siya maintindihan. Wala na akong maintindihan pa. I need some space to think. Perhaps, we need enough time to heal and cool down our boiling head and blood.We can't just be in the same right now. Mag-aaway at mag-aaway lang kami hanggang sa lumala ang alitan namin. Walang ingay na dinampot ko ang bracelet na bigay niya at ibinalik sa box nitong nasa drawer ko. Tuluyan akong lumabas ng bahay. Gamit ang sasakyan ko ay mag-isa ak
"Ma'am Yongsann, right?" tanong sa'kin ng lalaking nurse na umasikaso kay Grantt. "Yes, how's Grantt?" kaagad ko namang tanong at tumayo. Ilang minuto na rin akong nakaabang lang dito sa labas ng clinic nila. "Magiging okay naman na ho si Sir Grantt. Mataas ang lagnat niya kanina pero humupa naman na. Kailangan lang niya ng pahinga dahil over fatigue na rin siya tsaka may anxiety po ba siya?"Napalunok naman ako sa huling tanong nito dahil hindi ko alam ang magiging sagot. Wala akong alam kay Grantt lalo na nitong mga nakaraan. Pero hindi iyon imposible dahil sa trabaho niya at nangyayari sa amin. "Iwasan na lang po muna ang ma-stress siya nang sobra. Hindi po biro ang magkaroon ng anxiety. Hindi niya maiiwasan ang sucidal thoughts. Pwede na po kayong pumasok."Nagpakawala pa muna ako ng buntonghininga bago tuluyang pumasok. Marahan kong hinawi ang kurtina at tumambad sa'king paningin ang walang malay na Grantt. Habang natutulog pa siya ay sinuri ko ang galos sa kanyang hita na na