Share

CHAPTER 25

Pagak naman siyang natawa at napaiwas ng tingin. "You said 'love' and not 'loved'. Present tense, right?" Sinalubong niya ang aking tingin. "Nasaan pala ako, Yongsann? Paulit-ulit kitang tinatanong kung mahal mo pa ba siya pero hindi mo sinasagot. Ngayon ay alam ko na rin ang totoong nararamdaman mo.

Ang tono ng kanyang pananalita ay walang kaibahan sa tono na aking ginagamit. Mabigat at puno ng sakit at hinanakit. Pareho kaming magiging selfish sa pagkakataong ito. Iniisip niya ang nararamdaman niya at gano'n din ako. Pareho kaming nararamdaman pero hindi namin maiintindihan ang isa't-isa ngayon.

"Naiintindihan mo ba ang sakit na nararamdaman ko ngayon? Hindi, 'diba? Hindi mo maiintindihan kahit na kailan!" puno ng hinanakit kong sambit habang masagana pa rin ang luhang nagsisibagsakan sa aking pisngi. Pakiramdam ko ay namatay na naman uli ako. Namatay nabg paulit-ulit.

"Mahal na mahal mo talaga siya, 'no? Hindi ko talaga siya kayang palitan diyan sa puso mo. Naiintindihan ko ang sak
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status