"Kinakampihan mo ba ang manager mo?" liko ko sa usapan namin. "Gusto mo ba talagang umakyat sa stage ng mukhang pupunta ng festival, ha?" dagdag asik ko.Bahagya namang napaawang ang kanyang bibig. "Wala naman akong sinasabing..." "Huwag mong kakampihan kung ayaw mong pagbuhulin ko kayo pareho," seryoso kong saad at hinawi na siya para makadaan ako. Sakto naman ang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Wendy. Pasimple akong napabuntonghininga, halos makalimutan ko na ang existence nito. Rinig ko ay may duet sila ngayon."Grantt! Hindi ka pa ready? What the hell? What happened to you? Bakit hindi ka pa rin ready? Malapit na tayong magsimula," agad na asik ng babae. Pasimple akong natawa, kahit ito ay halatang hindi sang-ayon sa suot ng lalaki. Sinulyapan ko si Olive at hindi na maipinta ang mukha nito. Ngayon niya sa'king sabihing ito na ang pinaka-best outfit na recommended niyang suotin ni Grantt. Kahit sino ay makakapagsabing baduy na baduy ito. "Magpapalit na nga," tugon ni Grantt
"What the hell are you doing here?" asik ko nang makita si Grantt na nakatayo sa harap mismo ng condo unit ko. Tinotoo talaga nito ang sinabi kanina na pupuntahan niya ako. Sa klase ng suot nito ay mukhang hindi naman ito magtatagal dito. May gig pa siguro ito o kaya ay papunta na sa get together nila. "Nasabi ko na sa'yo, 'di ba? Hihintayin kita rito. Siguro naman ay hindi stalking ang ginawa ko, 'di ba?"Napapikit ako saglit para pigilan ang aking sarili na hampasin ito ng shoulder bag ko. Hindi ba talaga nito maintindihan ang salitang ayaw ko siyang makita at makausap? "Grantt, I need to find my peace and I can't do that with your nags and talk shits, okay?" Hindi naman agad siya nakapagsalita. Hindi ako direktang nakatingin sa kanya pero mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong napayuko siya. Isang marahas na buntong-hininga ang aking pinakawalan."Mukhang wala na akong magagawa pa para bumalik ka sa akin. Tama nga naman, sinong baliw ang mamahalin ang kapatid ng taong m
"Ang swerte mo nga, eh. Kahit wala kang gawin ay mahal ka talaga ni Grantt. Kahit anong tulak mo sa kanya papalayo sa'yo ay mahal na mahal ka pa rin niya. Segu-segundo kong ipinagdarasal na sana ay ako na lang ikaw. Kapag nangyari iyon ay hinding-hindi ko sasaktan si Grantt ng ganyan."Pareho kaming napatingin kay Grantt. Nagkasalubong pa ang aming tingin. Marahil ay kanina pa siya nakatitig sa akin."Sana man lang makita kong deserving kang mahalin ni Grantt pero hindi, eh. Sinasaktan mo lang siya," rinig kong himutok ng babae. "Hindi mo alam ang kwento namin...""What if alam ko? Hindi ba at si Greel Gomez dapat ang mapapangasawa mo at hindi ni Grantt?"Nabaling ang atensiyon ko sa babae. "Paano mo nalaman?""Just someone told me," tugon nito sabay iwas ng tingin sa akin at pinakatitigan si Grantt. Tumayo siya at lumapit sa akin. Napansin kong gano'n din ang ginawa ni Kenth. May balak na naman yatang magsabong ang dalawa sa harap ko."Ihahatid na kita, Yong," sabay pa nilang sabi.
"Grantt! Grantt! Anak! Nasaan ang anak ko?! Nasaan?!" Ang boses ni Mommy Gretchen ang siyang nangingibabaw sa labas ng operating room mismo. Pinipigilan siya nina Ate Olga at Daddy Ortize. Napahigpit ang kapit nina Lou at Judie sa akin. Siguro para pigilan ako sakali mang magpumilit din akong pumasok sa OR. No, hindi ko iyon gagawin dahil alam kong kritikal ang kalagayan ni Grantt at hindi makakatulong kong susugurin namin ang loob ng silid na kinalalagyan niya ngayon. "A-Ate," untag ko kay Ate Olga. Pare-pareho naman silang napalingon sa akin. Napalunok ako nang magtama ang paningin namin ni Mommy Gret."Ikaw! Anong ginawa mo sa anak ko!" singhal nito sa akin at bigla na lang akong sinugod. Hindi naman inaasahan nila Ate Olga ang naging kilos nito kaya hindi na nila ito napigilan pa papalayo sa'kin. Nahablot nito ang aking buhok. "Ano ba?! Bitiwan niyo po si Yongsann! Hindi niya kasalanan!" singhal naman din ni Judie at pilit na nilalayo nila ako sa ina ni Grantt. "Aksidente po a
"Grantt," tanging naiusal ko nang masilip ko siya na nakahiga sa isang hospital bed mula sa aking kinatatayuan ngayon. Hindi ko man gaanong matitigan o maaninag ang kanyang mukha at kabuuan pero kontento na ako. Magkaka-baby na tayo kagaya ng gusto mong mangyari, Grantt. Alam kong hindi biro ang sinabi mong iyon. Sinadya mo ba talagang buntisin ako para hindi na kita matakasan pa?Napangiti ako sa kabila ng sakit na aking nararamdaman dahil sa huling tanong na naglalaro sa aking isipan. "Keep on fighting, Grantt. Our baby will do the same. She'll grow stronger for you," I whispered. "I'll do my best to keep our baby safe. So, please... stay alive, Grantt. I love you."Si Ate Olga at Kuya Tristan ngayon ang bantay kaya malaya akong nakalapit. Napapahid na lang ako ng aking mga luha nang tapikin ni Sabrina ang aking balikat. Kailangan na naming makauwi para makapagpahinga kami pare-pareho. Pasado 6:00 a.m na rin naman. "Salamat, Ate Olga," sambit ko. Ngumiti naman ito sa akin at tuma
["Yongsann Lim," ani ng bruskong boses."W-Who are you?" may diin kong tanong."Nakapagpaalam ka naman na kay Grantt, hindi ba?" "Huwag mong gagalawin si Grantt...""Oh? It's too late," sabi pa nito sabay halakhak ng tawa at pinatay na ang tawag.]Nandito uli sinda Judie, Lou at Sabrina sa aking condo at kasalukuyan naming pinapakinggan ang nai-record kong call conversation namin ng unknown caller noong gabing naaksidente ni Grantt. Tatlong araw na rin ang nakakalipas. "So, hindi talaga bastang aksidente lang ang nangyari," asik ni Sab sabay buntonghininga. "Marahil ay ito rin ang naging stalker ninyo ni Grantt tuwing nagkakasama kayo. Hindi lang ito basta paparazzi ni Grantt kundi kayong dalawa talaga ang target," dagdag nito. "Wait, I've come to think about it now. Ang huling rinig ko ay sinambit ni Grantt ang pangalan ni Yongsann bago siya nagmamadaling lumabas ng bar," kwento ni Lou sa kay Sabrina. "Para bang may nabasa siyang text dahil nakita ko ring napatitig muna siya sa ka
|•~15 MONTHS LATER~•|Napabalikwas ako nang bangon nang marinig ko ang iyak ni Baby Graxylla na nasa tabi ko lang naman. Nagtama pa ang paningin namin habang namamasa ang kanyang mga mata. Marahil ay tumatama sa kanyang mga mata ang sikat ng araw kahit na may kurtina pa ang glass window namin. "Sshhh, mommy's here, hmmm? Sorry, tinanghali ng gising ang mommy. Are you hungry?" mahinahon kong sabi at marahan na tinapik-tapik ang kanyang maliliit na braso. Natigil naman kaagad siya sa pag-iyak. Even though I was still sleepy, I quickly got out of bed and prepared her baby formula. Upon returning, I immediately fed her.I smiled as I gazed at her beautiful little face. She was a blend of Grantt and me. She's already 6 months old, but Grantt is still unaware of her existence. According to Doc Chaewon, his condition is improving every day, and he could wake up at any time.My belly wasn't too big when I was pregnant with Baby Xylla. I pretended to be on a 3-month vacation in the province
Sa halip na sagutin ako ay pumihit lang siya patalikod sa gawi ko. Halata namang nahihirapan pa siyang gumalaw pero ginawa niya ang abot sa kanyang makakaya para deadma-hin ako. Sobrang taas pa rin ng pride ng lalaking ito. Hindi ko ma-reach. "Move gently, Grantt. I am not going to eat you alive," asik ko sabay singhap. "Hinintay kitang magising ng ilang buwan tapos…" Muli akong napasinghap. "I'm going home now. Makakahinga na ako nang maluwag at makakatulog nang maayos dahil may malay ka na," dagdag ko pa.Hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa akin o hindi. Gusto kong silipin kong gising ba siya o tulog na dahil wala naman akong sagot na nakuha. Napailing na lang ako at napapalatak. Hindi ko pa rin maiwasang madismaya sa nangyayaring ito. Bago pa man ako makahakbang papalabas ng kwarto ay bumukas naman ang pinto at pumasok si Mommy Gretchen. Ngayon lang uli kami nito nagpang-abot dito."Ang kapal din talaga ng mukha mo 'no? Sa ilang buwan na hindi ka nagpakita rito ay susulpot k