Share

Chapter 5

"Oh, Jesus I can't believe this" nailing na sabi ni Terrence. Kumunot ang noo ng binata sa sitwasyun.

"So okay, I will keep my mouth shut for now. But you have to do me a favor, well actually this is for you, to protect you" sabi ni Terrence.

"Ano ho ba iyon" nagaalalang tanong nin Ikay baka kakaiba naman Ang favor na hingiin nito.

"From now on, every afternoon you will meet me at the bayabas tree, let's tambay there and I will show you my guitar skills. Then you will come to me in my room at night maybe around 8 after your work and join me in watching movies and playing videos so that when Kuya Ahron comes home and look for you are with me busy taking care of me diba"

Medyo naguluhan si Ikay sa sinabi ng amo pero mas ok na yun. Parang mas safe siya dun nang mga sumunod ngang araw. Bukod sa lakwatsa sa hapon ay tumatambay sila ni Terence sa puno ng bayabas kuwentuhan lang sila doon. Kapag napagod na ang binata ay deretso na ito sa sild nito at dadalhan naman niya ng juice doon.

Sa gabi gabi na magkasama sila ng binata napapansin ni Ikay na nagkakaroon ng puwang sa puso niya Ang amo.  Sa murang isipan ni Ikay ay nagkaroon siya ng paghanga sa kabaitan at kababaang loob ng binatilyo.

Lahat ng mga agama agam sa nararamdaman ay napatunayan ni Ikay ng minsang namasyal sila ni Terrence sa bukid isang sabado ng tanghali.

"Ikay bilisan mo hurry up..hurry up" excited na sabi ni Terrence .Natatawa ang dalaga kahapon niya lang nabanggit na madaming bunga ang manga sa bukid at mataas ang tubig sa ilog ngayon dahil bilog ang buwan ay excited na agad iyong mamasyal doon.

"Wait lang senyorito, natatartanta na ako eh" sabi ni Ikay.

"Senyorito Terrence eh wag ho ninyong kakalimutang umuwi ni Ikay bago magdilim at kow eh ka delikado sa bukid eh at magsuot kayo ni Ikay ng bota para kayo ga ay may panlaban sa kagat ng ahas eh balita ko ay marami doon eh."

"Yes, aling Perla. Saka Ikay is there naman to save me diba bestfriend" sabi nitong naka ngiti.Nagulat si ikay sa itinawag sa kanya nito. Kelan pa sila naging magbestfriend eh two months pa lang itong nandito. Pero masaya ang puso niyang hindi maid ang turing nito sa kanya kundi kaibigan.

"Oh, ikay ire ng mga pinabalot mong pagkain ninyo ng Senyorito, Hoi Ikay, wag mong pababayaan ang senyorito ha. Ikaw na ang bahala riyan"

"Opo,dios ko ala eh sa akin pa talaga ibinilin ang taong ere." Sa isip isip ni Ikay. Kitang kita sa mukha ni Terrence ang labis na saya ng marating nila ang bukid.Tuwang tuwa ito at hindi magkamayaw sa kakapitas ng bunga ng mangga, bayabas aratiles at kaymito. Pero mas labis na ikinatuwa nito ng dahin ito ni Ikay sa ilog na karugtong ay bati

Kasalukuuyan pang mababaw ang ilog kaya kita ang mga bato bato nito sa iallim. agad na nagtatakbo sa tubig ang bunsong amo. Sa katuwaan nito ay hindi sinasadyang naduas ito sa madulas na batuhan.

Natumba ito pero hindi ito tuluyang dumapo sa tubig agad kasing nahawakan ni Ikay ang amo. Kaya nga lamang para makayanana itong wag mabuwal ay kailangan ni Ikay yakapin ang katawa ng binatilyo.Nakaramdam ng kakaibang ilang ang dalagita pagkatapos.

"Thank you Ikay" sabi ni Terrence na pinisil ang pisngi niya.Lalo namang nagrambulan ang dibdib ni Ikay hindi niya malaman kung bakit labis ang kaba ng kanyang dibdib.

"Eh Senyorito ay mag iingat ho kayo dine at madulas ang mga bato"sabi ni Ikay. Mamaya maya laang eh tataas na ang tubig kayoy Malaya ng makakalangoy kung nanaisin ninyo. Umupo si Ikay at pinanuod lamang ang amo habang nageenjoy sa tubig.

"Ikay, why don't you join me here? are you just going to sit there?" sigaw ni Terrence.

"Senyorito trabaho ko po ang alagaan at banyaan kayo kaya hindi ako pwede mag relax baka kung mapaano kayo eh." sigaw din ni Ikay.Pinalo nito ang tubig saka padabog na lumakad patungo sa kanya.

"Can we make thing clear here Ikay" seryosong sabi nito."I didn't bring you here to just sit there and watch me. I didn't tag you along as a maid. I thought we were friends? so please can you act as my Ikay best friend and not Ikay the maid” nakasimgangot na sabi nito. Naaliw si Ikay sa binatilyo pamaktol maktol parin ito dahil lang hindi niya sinasamahan maglaro sa ilog.Pero mas sumaya ang puso niya sa mga sinabi nito tumatak sa isipan niya ang salitang  iyon ni Terrence.

"My Ikay best friend" ang sarap ulit ulitin lalo pa at malambing ang pagkakasabi niyon.

"Sige senyorito, sasamahan kita diyan sa isang condisyon" sabi ni Ikay na naaaliw pa rin sa nagtatampo tampuhang binatilyo.

"Oh, you're making conditions now? Okay fine I'll deal with it" sabi ni Terrence.

"If friend na ga tayo eh baka pwede naman na magtagalog kayo ala eh nahihirapan akong intindihin lahat eh. marunong naman kayo eh."

Napahalakhak nang binatilyo.Naaaliw sa tuno at sa hitsura ni Ika

"Okay fine pero Taglish lang medyo im not fluent in straight tagalog pa but i will try my best for you. ahaha" sabi nito at sinabuyan si Ikay ng tubig.

Matapos ang bonding nila sa ilog ay naging mas malapit ang binatilyong amo sa kanya. Kapag naguutos ito ay mas malambing na kesa sa mga nakaraan.At kapag naununood sila ng pelikulasa silid nito halos nakadikit na ito sa kanya.

Hanggang sa natagpuan na lang nila ang isat isa na minsan nakahiga na sa hita niya ang binata, siya man ay nagulat na lang ng mapansin nasasanay na siyang tapik tapikin ang likod ng binata kapag natatawa siya. Minsan naglambing itong subuan siya ng cookies dahil hawak ng dalawang kamay nito ang controler ng video games at ginawa naman ng dalaga.

Nang lumaon ay nakumbinsi na rin si Ikay na magaral at maglaro ng video games at halos lumubog sa kinauupuan si Ikay ng yakapin siya nito mula sa likod at hawakan ang dalawang kamay niya at iguide siya kung paano maglaro.Halos sumabog ang dibdib ng dalaga sa lakas ng kaba niya. At halos maihi naman siya sa kilig dahil ibinubulong ng binata ang bawat instruction na ibinibilin nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status