Share

Chapter 4

Pagbalik niya sa silid nito ay tahimik itong nanonood ng isang horror movie. Pinaypay siya nito at sumenyas na sa harap nito ilagay ang pagkain.hinatak siya nito paupo sa tabi niya. Dumampot ito ng sandwich.

" Uhm ang sarap ikaw ang gumawa nito?" sabi nito

"Ala eh wala namang iba senyorito ako na laang ang gising eh at saka ikaw" sabi ni Ikay gusto na sanang singhalan ang amo.

"Nice i like it, lagi mo ako igagawa nito ah! these are my favorites" sabi ng binata. Tumayo si Ikay at magpapaalam na sana pero muli siyang hinatak ng amo paupo sa tabi nito.

"You eat this, this is for you that is why i ask you to make more" sabay abot sa kanya ng tinapay tinanggap naman niya ito total nakakaguton din ang amoy ng ginawa niya.

Nagsimula itong magkuwento at magtanong tungkol sa pelikula. Tagalog ito at luma na. Matagal na itong ipinalabas pero mukhang ngayon lang nito napapanood. "Tiktik the Aswang chronicles" ang pamagat ng pinanonod nito. Nagtatanong ito ng ilang bagay tulad ng ano ang tiktik at iba pa.

Masaya itong nakikipagkuwentuhan sa kanya,hindi pautos at hindi rin nakaka intimidate ang paraa ng pagkukuwento nito para lang silang magkaibigan na naisipang magmovie marathon. Nagtataka si Ikay, Ibang iba ang bunsong amo sa mga pinsan nito... ibang iba ang trato sa kanya.

Hindi na namalayan ni Ikay kung anong oras sila natapos manuod ng amo. Basta ang alam niya halos napapakapit pa ito sa kanya dahil sa intense ng kanilang pinanonood. Pinuri pa nga nito ang bida na si Ding Dong Dantes.

Basta ang alam ng dalaga lumabas siya sa silid ng amo habang abala pa ito sa panunuod.Hindi na kase niya kaya ang antok. Paisa isa na ding tumitilaok ang manok. Ang masakit kase nito kahit anong puyat niya gigisingin siya ng tiya dahil may mga trabaho sa mansion.

Dumaan ang maraming araw na palagi siyang hinahanap ng bunsong amo.Palagi siyang isinasama sa lahat ng gustong gawin nito.Minsan ay kasama siyang magbisikleta. Kasama siyang mamasyal sa bukid, kasama siyang tumambay sa puno ng bayabas kung saan sila dati nagtalo.

Halos walang palya gabi gabi ay pinapatawag siya nito sa silid niya na wala naman silang gagawin kundi manood at magkuwentuhanIsang gabi ay umuwing lasing si Ahron. Tulad ng palaging gawain nito siya din ang hinahanap at magpapatimpla ng kape.

Minsan nagtataka na nga siya dahil hindi lang naman siya ang katulong sa bahay na iyon. Inakyat niya ang kape sa silid ni Ahron. Nakapikit ito kaya akala niya ay nakatulog na. Pero ng papalabas na siya ng pinto ay tinawag siya nito. Naiwan niyang bukas ang silid ng panganay na amo.

"Alisin mo ang damit ko, basa ng pawis. Palitan mo ako ng damit bilisan mo" pasinghal na utos nito Tahimik na sumunod si Ikay.Naiilang man sinunod ni ikay ang sinabi ng amo inalis nito ang polo ng binata at pinunasan ng bimpo.

Sunumod ay hinubad nito ang pantalon. Nakaboxer naman ito kaya hindi ganun kahalay. Papalitan n asana niya ito ng pajama ng bigla siyang yakapin nito,Napaatras bigla si Ikay. Nagulat sa ginawa ng lalaki.Pero hinatak ulit siya nito at niyapos,naglalakbay ang mga kamay nito.

Sa murang edad ni Ikay ay alam na niya ang mahalay sa hindi ang tama at kabastusan na. Nagpupumiglas si Ikay kaya itinulak siya ng lalaki at lumampaso si Ikay sa sahig.

"Ang likot likot mo ikaw na nga ang pinaliligaya riyan eh,Kung hindi ko pa alam pinapangarap mo yan" Sabi ng lalaking lango sa alak.

"Senyorito...." naiiyak ng sabi ni Ikay.

"Hoy ikay, ano bang ginagawa mo dyan sa sahig, tapos ka na kay Kuya Ahron diba, Bilisan mo tumayo ka na dyan at ikuha mo ako ng juice" utos ni Terrence na noon ay nasa bungad ng pinto ng silid ni Ahron.

Palabas sana siTerrence noon para yayaing manuod si Ikay pero nakita niyang dumating ang kuya Ahron na lasing at narinig niya ang inutos nito kay Ikay. Dahil sa naiwan ni Ikay na bukas ang pinto ng silid ay narinig at nakita niya ang lahat ng ginawa ng kanyang kuya Ahron at hindi niya ito gusto.

Parang biglang nanlabo ang paningin niya ng makitang niyayapos nito si Ikay. Parang halos maduriog ang puso niya ng makitang binabastos nito ang walang kamuwang muwang na si Ikay.

Ikay is only 15 yrs old at nararanasan na niya ang psychological trauma and sexual harassment is serious.  Naaawa siya kay Ikay.Being a maid is not easy. He likes her, he enjoys her company, and she is a friend to him more than anything else. And as her friend, he needs to do something to keep her away from this devil.

"Senyorito Terrence" tingala sa kanya ng bnin Ikay habang dumadaloy ang mapait na luha. Hinatak na siya ni Terrence palabas pero binigyan ng warning glare ang nakakatandang pinsan. Na wala naman itong pakialam sa nangyayari dahil sa kalasingan. Nang malakabas ay nagpunas si Ikay ng luha.

"Kukuha na ako ng inyo Juice senyorito paki antay nyo na laang sa inyong kuwarto" Sabi ni Ikay na humakbang na palayo pero pinigil siya ni Terence Hinatak ulit siya nito pero papasok sa silid nito.

"Ikay listen to me, I'm not really asking for drinks. I said that to keep you away from Kuya Ahron" sabi ng binata na nakatitig sa kanya

"Ho eh salamat ho kung gay'on" sabi ng dalagitana natutuwang ganoon nang sabi ng amo.

"Look Ikay, why are you letting him abuse you this way? tell it to Lolo. So he can scold kuya." Sabi ni Terrence.

"Ala eh minsan ko na pong ginawa yan senyorito ang kaso eh ako pa ang pinagalita ng lolo mo." sabi ni Ikay.

"What? why?" hindi makapaniwalang tanong ni Terrence.

"Gawa ng bakit daw kase gabi na eh ay gising pa ako at saka sabi rin ng lolo mo eh pagpasensiyahan ko na laang ang senyorito Ahron gawa ng lasing laang daw ito ."

"But he is being too much IKay, I've been here for 4 months and he always did that whenever he came home drunk. Anyway, don't worry when Lolo comes back from Thailand I will tell him what I saw."

"Naku ho senyorito pwede ho gang wag na laang, ala eh mapapahamak po kami ng tiyang. Eh baka po kase masamain ng Senyor at saka pagiinitan po ako ng kuya Ahron ninyo ay siya lalo laang magagalit ang tiyang. Ako naman ho ang may sala gawa ng ako ay gising pa" sabi ng dalaga.

Nasa isip ng dalagita na ikapapahamak nilang magtiya ang lahat kaya kahit nagkaroon ng parang kakampi ay takot pa rin si Ikay.

A

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status