Share

Chapter 3

"Sen......yorito Bernard? May kailangan po kayo?" tanong na lamang ng nagulat na si Ikay.

"Ang sabi ko, why are you still sitting there and still awake it's almost 12pm" sabi ni Terrence amuse sa reaksiyon ng babae sa harap niya. So, maid pala namin sa mansion ang masungit but cute na babaeng ito.

"Eh, senyorito bilin ga po ng akin tiya eh, hanggat gising ang bunsong apo eh at hindi pa tumataginting ang bell ay ako po ay hindi pa ako maaaring matulog eh gawa ng posible daw po kaseng magutos pa ang bunso ala eh mahilig daw po iyon kumain sa  hating gabi eh" 

Mahabang paliwanang ni Ikay sa inaakalang si Bernanrd. Takot siya dito tipikal naasungit ito at strikto. Hindi nga ito tulad ni Ahron na bastos pero kung tumingin ito ay nanguuri ng tao ito ang tipo ng taong sa tingin pa lang sayo ay para bang sinasabing alila ka namin dito.

"I will not ask for anything now so,  go to sleep now. it's already midnight for God sake" Sabi ni Terrence na naaawa na sa kausap.

"Naku eh hindi pwede senyorito. Ala eh hindi ko pa po kabisado ang ugali ng bagong apo eh baka po ako ay malimtikan sa tiyang ko eh.

"I said you can go to sleep. I don't need anything, I have already eaten, I already went down while you were busy taking care of Kuya Ahron. I saw everything, is there anything going on with you two?" tanong ni Terrence matapos makita ang ginagawa ng kuya Ahron niya sa katulong nila.

Well, he knows how his Kuya Ahron is, nag bakasyun ito sa Hawaii before at alam niyang maloko sa babae. At kita naman niya sa reaksiyon ng katulong nila ana hindi nito iyon gusto. He just wanted to tease her, he finds her cute every time she becomes furious. Lumakad si Terrence palapit sa dalaga kaya natanglawan na ang mukha niya ng ilaw. Gulat na gulat si Ikay ng makita at mapagsino ang kausap.

"Ikaw..!? ala eh anong ginagawa mo dito ikaw ba ay magnanakaw, abat teka , magna......" Hindi nagawang sumigaw ni Ikay dahil tinakpan ng binata ang bibig niya.

"Wait, hey stop it, I'm not magnanakaw. I'm Terrence" sabi ng binata. Nagpupumalag pa rin si Ikay.

"I said stop it! You'll wake up everyone, "I'm Terrence ako yung bunsong apo. Pagkarinig ni Ikay sa salitang bunsong apo ay tumigil ito at napatitig sa lalaking kaharap. Sabay bumunghalit ng tawa ang dalagita.

"Aah! Ikaw yung bunsong apo ni Don Manolo, hoy ako nga eh wag mong pinaloloko dine ha, sus mahiya ka nga sa balat mo aba ka angas nering taong ire. Kung ikaw gh ay may masamang binabalak eh maigi pang umiwi ka na lang. kanina pa tapos ang okasyun eh bakit nandine ka pa"

Hala siya siya ikaw lumabas na nga dine at baka makita ka pa ng mga tao dito eh naku Ikay sasamain makitas mo" sabi ni Ikay at itinutulak patungo sa pinto ang lalaki.

"What?"Hey wait teka....teka" reklamo ni Terrence.

Pero pilit pa rin siyang itinutulak ng babae palabas. Halos yakap na nga niya ito kaka puwersa niyang wag siyang maitulak nito palabas.Ano bang problema ng babaeng ito at ayaw siyang paniwalaan.

"Ikay! Anong ginagawa gang ginagawa sa Senyorito Terrence?" sigaw ng kanyang tiyang na nagising pala at kumuha ng tubig.

"Hah" eh kase tiyang eh.

"Kadarating laang gi Senyorito ay sinusungitan mo na agad." Sermon ng kanyang Tiyahin.

"Senyorito Terrence ala eh pagsensiyahan ninyo po ireng pamangkin ko ha gawa ng bata pa kase" sabi ng tiya niya. Ikay Pagkatapos ng inuutos ni Senyorito ay matulog ka na ha tigilan mo na ang kababasang libro gabi na" utos nito at tuluyan na silang iniwan. Nakayuko lang si Ikay nahihiya ng tumingin sa lalaki. 

"Ere pala ang apo ni Don Manolo eh, patay nalintikan na kung anu-anong pinagsasabi pa naman niya dine eh. Tiyak na niyang siya ay parurusahan nito eh"  sabi ni Ikay .

"Pasensiya na ho kayo sa akin Senyorito, hindi ko ho kayo nakilala eh gawa ng hindi ko kayo nakita sa kainan kanina eh. tatanggapin ko na laang ho ang anumang parusang ibibigay ninyo "sabi ng dalagang yukong yuko pa din.

"Okey I will forgive you in one condition. First, look at me then bring me some juice in my room then go to your room and sleep okay" malinaw na sabi nito. Nauna na itong humakbang patungo sa silid nito.

Dali dali namang nagtungo si Ikay sa kusina at naglagay ng fresh milk sa baso at agad na sumunod sa amo. Nagaalala nab aka magbago ap ang isip at maisipang parusahan siya ng mas matindi.

"Eto na po ang Juice nyo Senyorito Terrence" Ang buong akala ni Ikay ay patutulugin na nga siya ng bagong amo. Pero nagkamali siya. Matapos niyang ilagay sa lamesita ang juice ay nagsalita ito.

"Do you know how to play video games? Oh, I'm sorry I know I told you to go to sleep after making my drinks but I'm so bored, I cannot sleep that is why I'm into video games. Wanna try?" tanong ng binata.

"Naku senyorito, ala eh ako ho walang alam diyan , ano ga iyan eh mukhang mahirap eh" sagot ng dalaga.

"Okay but can you please stay for a while, I need a companion so I won't feel bored"pakiusap ng binata.

"Ala eh sige ho senyorito" sagot ng dalaga.

Nanatili nga si Ikay sa loob ng silid ng bagong amo. Wala naman itong ipinapagawa sa kanya tulad ni Ahron. Pinaupo siya nito sa tabi nito na nakasalampak sa sahig at busy sa paglalaro ng barilan. Para hindi antukin ay nakinood na lang din siya sa ginagawa ng binata. Maya maya ay pinatay na nito ang video games at ng bukas ng dvd. 

"Ahh, wait your name is Ikay right?" tanong nito.

"Oho senyorito" sagot ni Ikay.

"I know it almost morning, but can you make me a tuna sandwich pls make it 4 then bring another two glasses and a pitcher of juice" utos nito.Tumango naman si Ikay sabay tumayo at ginawa ang iniutos ng amo. Habang inihahanda ang sanwhich ay hindi napigilan ng dalaga ang manggigil sa tinapay.

"Ay sus ginoo, ala eh hindi nga bastos tulad ni senyorito Ahron pero mapang alipin din pala eh." 

Saan ka ga nakakita na akoy pinaupo laang sa tabi niya ng madaling araw at pagkatapos noong akoy antok na eh saka nagpagawa ng makakain. Ay siya! talaga ereng mayayaman ah kagrabe mang alipin ng kapwa eh" maktol ng dalaga at pinang gigilan ang tinapay.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Greganda Gervhin
nakakatuwa basahin
goodnovel comment avatar
Greganda Gervhin
cute ni ikay naalala ko yun batangena sa tv.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status