Share

Chapter 2

"ALA EY BAKIT HO BA?" kakamot kamot na tanong ni Ikay.

"Dumating na ang Don kanina pa kasama ang apo nitong bunso" balita ng tiya niya.

"Naku pag nakita mo si Terrence ngayon eh ki guwapong bata eh, laang eh payat, noon umalis yan dito eh 5yrs old laang eh, ngayon eh 17 na ata eh ewan hindi ko laan ang kanyang tamang edad" magiliw na kuwento ng kanyang tiya Perla.

Hindi interesado si Ikay sa kuwento ng tiyahin dahi lpara sa kanya wala namang especial doon at saka naiisip niyang hindi maganda ang isa uling asal demonyo na dumating.

Naging abala sa pagtulong at pagaasikaso sa mga bisita si Ikay halos buong gabi pero ni anino o kahit dulong buhok ng apo ni Don Manolo ay hindi naman niya nakita.

"Ano gang hitsura ng apo ni Don Manolo? Sabi ng tiyang eh ki guwapo raw nga laang eh payat daw ito. Siguro ay nagpakita na ito sa mga tao kanina hindi nga laang niya nakita gawa ng siya ay nasa halaman" isip isip ni Ikay.

Naalaa niya ang bisitang nakausap kanina at nabuwisit ang dalagita sa ugali nito. Hinagilap ng dalaga ang binatilyong kausap kanina baka umalis narin ito sa halaman gawa ng oras na ng kainan.

Pero kahit anong hanap niya ay hindi niya makita ang binatilyong nakausap sa halamanan.

"ABA EH KAGALING, ANU YUN NAKIKAIN LAANG O NAGBALOT LAANG NG HANDA AT SAKA UMALIS NA, AY KAGALING DIN NAMAN KOW KI YABANG YABANG, SABIHIN BA NAMANG KANYA DAW ANG PUNO DINI SA MANSIYON ANO GA SIYA HIBANG"

natatawang sabi ni IKay.

Gabi na halos nagsi uwian ang mga bisita ni Don Manolo kaya ang akala ni Ikay ay makakapagpahinga na siya pero hindi pa pala.

"Oi Ikay total ikaw naman eh mahilig matulog ng hating gabi kakabasa mo ng w*****d w*****d na iyan eh ikaw na ga ang umantabay kay Senyorito Terrence" bilin ng tiyahin.

"Sabi ni Don Manolo, sanay daw ang apo niyang umiinom ng fresh juice bago matulog at mahilig din daw iyong magpaluto o magpagawa ng snack lalo na kapag abala sa kanyang video games. Kaya wag ka munang matutulog at antabayanan mo kumalembang ang Bell. Sa ikalawang silid siya sa kanang naiintindihan mo ba? "bilin ng kanyang tiya Perla.

"Oho" sagot niya.

"Abay mabisyo pala iyang bunsong apo eh wala din palang ipinagiba sa ibang mga apo eh. Kung sa bagay iisang dugo ang nadaloy eh ano pa ga ang aasahan mo"bbubulong bulong na sabi ng dalagita.

Medyo dinadalaw na ng antok si Ikay pero hindi pa rin bumabatingting ang bell, wala siyang mapaglibangan tapos na kase niyang basahin ang w*****d niya. Bibili pa lang siya kapag nagawi sa Mall. Mahal din kase ang isang libro at ipon niya ang ibinibili doon. Tumingala si Ikay sa itaas kung saan naroon ang silid ng mga amo. Naiinip na talaga siya.

Nasa ganung pagmumuni muni si Ikay ng magbukas ang pinto sa front door. Dumating ang isang halimaw niyang amo si Ahron. Sanay na itong gising pa siya. Nakainom ang lalaki kaya malakas ang boses nito.

"Hoy, ipagdala mo ako ng mainit na kape sa kuwarto, bilisan mo wag tatanga tanga"

sabi nito na medyo malakas ang boses.

"OPO SENYORITO" sagot ni Ikay sabay nagmamadaling nagtungo sa kusina at nagtimpla ng kape. Kailangan niyang sinod agad dito kung ayaw niyang makatikim na nan ng hindi maganda. Sa totoo lang takot siya kapag lasing si Ahron mas malupit kase ito.Matalas na ang dila nito kapag normal pero mas matindi kapag nakainum para itong isang demonyong walang pakialam sa iyong nararamdan. Sumunod agad ang dalagita sa silid at ipinatong ang kape sa gilid ng kama nito.

"Hubarin mo ang pantalon ko bilis" utos nito. Sinunod naman ni Ikay ang sinabi ng amo. Gawain naman niya ito palagi tapos ay nagpapahilamos ito ng maligamgam. Minsan hindi naiiwasang nababastos siya  nito which is hindi naman niya hinahayaang umabot sa sukdulan. Mabuti na lang at minsan nakakatulog na ito tulad ngayon.

"Pigil ni Ikay ang iyak. Hindi na naman niya gusto ang ginawa ng hayop na amo niya gusto na niyang putulin ang makasalang kamay nitong naglakbay na naman pero nagpiipgil siya. Dito na ang mundo nila ng tiyahin niya. Maaring siya ay may bukas pa dahil bata pa siya pero ang tiya Perla niya na nabuhay na sa bahay na ito at halos dito na ang mundo ay paano na? Kapag nagreklamo siya at masamain ng mga Esteban at baka palayasin sila. Saan sila pupunta.

Nang mga panahong iyon na bata pa ang isipan ay takot at maraming baka at paano ang nasa isipan ng dalagita. Kaya ang mga bagay na nangyayari bagamat kahit bata ang isip ay alam na niyang hindi tama ay nagsawalang kibo  muna si Ikay at inisip na mapoprotektahan ang  tiyahin at kalagayan niya sa ganung paraan. Pinunas ni Ikay ang tumulogn luha. Dapat ay sanay na siya ilang taon na ba mula ng isang gaibng umuwing lasing si Ahron at itinurin na nga siyang alila ay itinuturing pang laruan.

Iniligpit na lamang ni Ikay ang ginamit na palanggana saka muling naupo sa isang sulok ng sofa at tahimik na lang na nagpunas ng luha at ska kinimkim ang anumang bigat ng damdamin dahil wala naman siyang mapagsabihan. Sa loob na ng hacienda lumaki si Ikay at walang ibang  batang kaedad niya ang nakatira doon maliban sa mga apo ng amo nila na matanda sa kanya ng ilang taon. Kaya nga minsan madalas ang mga bulaklak ng daisy o kaya ang mga palaka sa may batis o ang hilaw na bunga n bayabas ang kausap ni Ikay.

Napabungtong hininga ang dalagita matapos suminghot at magpunas ulit ng luha. Hindi pa siya maaring magpahinga. Hindi pa tulog ang bunsong amo. Maaari pa siyang utusan nito. Ano kayang pangil naman meron ang bunso? Kasing lupet kaya siya ng mga pinsan nito?

"Why are you still awake?" Tanong ng isang lalaki sa harap ni Ikay. Hindi niya ito napansin na nakalapit na pala sa kanya dahil nakayuko siya at nag emote nga kase.

"Senyorito?" Biglang napatayo si Ikay. Sinisino ang nakatayo sa harap niya nakatalikod kase ito sa ilaw mula sa liwanag ng buwan kaya sillouette ang kinalabasan nito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status