Share

Chapter 1

Nagkakagulo sa buong hacienda ng mga San Esteban. Darating kase sa araw na ito si Don Manolo at ang apo nitong si Terrence na sa Hawaii nanirahan ng matagal. Inilayo kase ito sa ina dahil sa nagkaroon ng iba ang mother nito at pilit kinukuha noon si Terrence at hindi iyong pinayagan ni Don Manolo.

Punong abala si Aling Perla ang ang tiyahin ni Ikay. Eto ang Mayordoma ng mga Esteban. Nanunungkulan na ito doon mula pa lamang ng dalaga ito. Hindi na ito nakapagasawa pa. Si Ikay na pamangkin nito sa pinsan ay inampon nito ng iwan ng pamiya sa kamalig nila noon isang gabing maulan.

Ang akala ng lahat ay anak niya si Ikay sa pagkadalaga. Hindi naman na tinama ni aling Perla ang haka haka dahil wala siyang pakialam at paraan na rin iyon para walang maghanap kay Ikay at hindi bawiin sa kanya dahil napamahal na siya sa bata.

"Ikay, ilabas mo na nga dine yung malagkit na biko at yun daw ang paborito ng apo ni Senyor"

Sigaw ni Aling Perla kay Ikay na non ay nagpupunas ng mga baso.

Madaming darating na bisita sa mansion ng mga Esteban. Ganito talaga ang pamilya Esteban masyadong sikat. Matagal na nawala ang apong bunso ng matandang Esteban kaya ipagdiriwang ang pagdating nito. Ayun sa bulong bulungan ay mananatili na ang apo ni Don Manolo sa hacienda at dito na din magpapatuloy ng pagaaral.

Nagpapahinga naman ang dalagitang si Ikay sa ilalim ng puno ng bayabas habang nakasandal, sinisipa sipa ang nakausling ugat doon. Natapos na niya ang lahat ng iniuutos ng kanyang Tiya Perla.Sa ngayon ay hinihintay na lang nilang dumating ang sasakyan ni Don Manolo traffic daw sa Maynila sabi ng kanyang tiya.

Ewan niya kung bakit excited ang lahat sa pagdating ng bunsong apo ng mga Esteban . No big deal naman yun apo din yun tulad ng mga demonyong apo na nandito. Hindi excited si Ikay sa pagdating ng isa pang apo. Para kase sa kanya lahat ng apo ng mga Esteban ay mayayabang At mga matapobre.

"Naku! maisip ko laang na magkakaroon ng isang pang Ahron ay rine ay akoy nasusuka na eh, o kaya naman ay isa pang Benedict ay diyos ko, akoy magmemenopouse ng ala sa oras eh"

Sa isip isip ni Ikay.

"Subukan ga natin ereng sungay ng bagong apong darating. Tingnan ga natin ang pangil ng darating na ire" sabi ni Ikay sabay sipa sa nakausling ugay ng puno ng bayabas.

"ARAY PESTENG UGAT IRE ARAY KO PO KASAKIT EH ....NAKU NAMAN !" reklamo ni Ikay. Ang hindi alam ng dalaga may isang bulto na nakamasid sa kanya at nakasingamangot ito.

"WILL YOU MOVE FROM THAT TREE, THAT'S MY SAFE HAVEN" malakas ang boses na utos ng isang binatilyong isang metro ang layo kay Ikay. Kunot ang noo ng dalagita. Sinisimo ang intruder ng pananahimik niya.

"Pa englis englis pa ereng patayot na ere"

sa isip ni Ikay.

"ALIN GA? IRENG PUNO ERE AY IYO? BAKIT SAYO GA ITO? MAY PANGALAN MO BA TO ALA NAMAN EH?

sarkastikong tanong ni Ikay.

"Yes that tree belongs to me and the next tree beside it too and the next one ..and the next one"

sagot ng binatilyo na namewang pa.

"Ay susme! ki yabang naman neri, hoy paano naging iyo ito eh nandito ito sa loob ng Hacienda. Kow kayabang mo eh" sabi ni Ikay.

"THAT'S REALLY MINE, I HAVE MAY NAME ON IT "

lumakad ang lalaki palapit sa kanya at itinuro ang nakaukit na pangalan doon. Ang kaso halos hindi naman ito na mabasa. Parang sulat ng batang hindi pa marunong magsulat.

"Sus kagaling mong mag imbento eh wala namang pangalan dine , gatla laang ng puno yan eh" reklamo ni Ikay.

"Hoy lalaking butiki. Kung ibig mo tumambay dine aya mgsabi ka laang , hindi ung kung ano anong ini embento mo riyan sus kagaling eh"

sabi ni Ikay.

"I'M NOT MAKING IMBENTO, THAT TREE IS REALLY MINE" giit ng binatilyo.

"Nakuw akoy napipikon na sa iyo eh, ikaw gay lumayas nga dine at wag mong istorbuhin ang pagmumuni Muni ko. Nakuw kasura eh"

sabi ni Ikay na naiinis na sa mayabang na butiking payatot na kausap.

Hndi ito tuminag bagkos ay tumabi sa kanya at sumandal sa puno ng bayabas at dahil manipis lang naman ang katawan ng puno ay naitulak ng lalaki ang dalagita at nawalan ng puwesto.

"At abay kabastos nering lalaking ere, eh sino ka ga at ki yabang mo?"

"Makikikain ka laang naman rine eh. Umalis ka na ga at kapag akoy hindi nakapag pigil sa iyo ay sus ginoo ikay malilintikan sa akin"

babala ni Ikay.Hindi man lang tuminag ang lalaki at ngumisi lang sabay dila sa kanya.

"WHAT WILL YOU DO THEN?" tila nagiinis na sabi ng binatilyo.

"ABAY NAPAYABANG TALAGA NERING TAONG ERE, KALINTIK EH , TAGALNG PINAPAG INIT ERE ULO EH"

Sabi ni Ikay saka mabilis na naputol ni ikay ang isang manipis na sangang bayabas at walang babalang inihampas iyon sa binti ng binata.

Mabuti na lamang at nakamaong itong pantalon. Halos lumuksong tinik ang binatilyo kakaiwas sa hampas ni Ikay.

"WAIT! ENOUGH MASAKIT YAN, STOP!"

Sabi ng binatilyo.

"AY SIYA TALAGANG MASAKIT ERE KAGALING MO EH HALA SIYA SIGE GANYAN NGA IKAY MAGTINIKLING... AYAN KAGANDANG TINGNAN EH .. SIYA KA SIGE" pangiinis pa ni Ikay at patuloy na hinabol ng hampas ang mayabang na kausap.

"TEKA SABI! MASAKIT NA HA TAMA NA. I SAID STOP!" malakas na sigaw ni Terrence.

Pakiramdam niya latay latay na ang binti niya. garbe ang babaeng ito ibang klase.

"Marunong ka naman palang managalog eh,ay sya. Kung gusto mong tumambay din rine ay doon ka sa kabilang puno ng ikay hindi nakakistorbo sa iba kasura tong butiking ere"

sabi ni ikay. May sasabihin pa sana si Ikay ng marinig niyang hinahanap na siya ng kanyng tiya Perla.

"Ay pagminamalas eh,oh ayan iyo na ereng puwesto magsawa ka riyan pasalamaaat ka at akoy hinahanap na ng aking tiyang malamang baka nariyan na ang apo ni Don Manolo"

sabi ng dalagita sabay hagis ng sanga ng bayabas sa harapan ng binatilyo at inirapan din ito.

Tumakbo nga si Ikang mula sa bayabasan hanggang sa bukana ng mansion. Hingal pa ang dalagita dahil sa lawak ng hacienda.

"Naku naman ikang eh saan ka ga nanggaling eh kanina pa kita hinahanap gawa ng nagkakagulo na kami rine"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status