Share

Sweet Summer With Mr. Millionaire
Sweet Summer With Mr. Millionaire
Author: Madam Ursula

Prologue

"Ikay.... Ikay... nasan ka? Wag mo ko iwan dito Ikay.....Ikay may gagamba Ikay tulungan mo ako"

Sigaw ni Terrence.

"Senyorito Terrence nasan ga kayo, e kadilim dine. ala ey hindi ko po kayo makita eh"

sigaw ni Ikay.

"Bakit po ba kayo narine sa kamalig?"pasigaw na tanong din ni Ikay na panay pa rin ang kapa at hanap kay Terrence gamit ang maliit na gasera.

"Ikay nasan ka Ikay, bilisan mo IKay" sigaw ulit ni Terrence na tila malapit ng umiyak ang boses.

"Ere na nga po Senyorito heto nga at akoy nabilis na nga, ay sus wag kang matakot diyan at akong pariyan na" sigaw naman ng nag aalalang si Ikay.

"Diyos ko naman kase ereng lalaki ere ay ginoo ko kalaking tao eh kaduwag naman ay sya ako'y nagkanda dapa narine kakamadali eh. kadilim pa naman gawa ng ireng gasera koy aandap andap na eh" bubulong bulong na sabi ni Ikay.

Sa wakas ay natanglawan ng malamlam niyang gasera ang binata na nakasuksok sa isang sulok malapit sa tambak ng palay. Agad niyang nilapitan ang kababata.

"Senyorito Terrence , ano ga kaseng ginagawan nyo riyan at kayo'y nagawi rene, halina kayo parine na" sabi ni Ikay na inaabot ang kamay sa binatang nakasiksik sa mga ponpon ng sako sakong palay pero laking gulat niya ng bigla siyang kinabig ng binata at niyakap ng mahigpit.

Napasalampak si Ikay sa kandungan ng binatang malapad na ang ngiti.

"AY KABAYONG PUTI"

sigaw ni Ikay sabay tapik sa balikat ni Terrence.

"ABAY ANO GANG KALOKOHAN NAMAN ERE SENYORITO?" sita ni Ikay na nagpipilit tumayo dahil sa hindi komportableng ayos.

"IKAY"Lumamlam ang mata nito.

"TERRENCE......! AKOY WAG MONG MATAWAG TAWAG NG GANYAN ,, AY SIYA! KA NAKU EH MALILINTIKAN KA AKIN MAKITA MO. NAKU NAIRAL NA NAMAN IYANG KALOKOHAN MONG IYAN IKAY MAGTIGIL TIGIL. AY SYA KA!!" babala ni Ikay sabay pinadilatan ang amo binata na kababata at kaibigan niya.

Pero imbes na makinig ay kinabig siya lalo ni Terrence at lumapat ang labi ng binatilyo sa nagulat na dalaga.

"SENYO...." Pero hindi na nagawang magreklamo ni Ikay. Ramdam na kase niya ang pag galaw ng bibig ni Terrence na tila inaaya siyang sagutin ang halik na iyon.

Sa mosmos na puso ni Ikay na may itinatagong paghanga sa amo. Naakit ang dalagitang tugunin ang halik na iyon.

"I love you Ikay" bulong ni Terrence.

"Huh! ay inang ko po..." biglang bitaw ni Ikay sa binata.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status