Yannie Ace RuizHindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakatitig lamang sa screen ng cellphone ko. Maya’t maya ko itong tina-tap ng mahina at nag-aabang lamang kung kailan ako makakatanggap muli ng mensahe mula kay Josh. Ang sabi niya kanina ay may gagawin lang daw siya pero halos apat na oras na ang nakalipas pero wala pa din siyang mensahe ulit sa akin. Nakauwi na ako mula sa palengke kanina, nakagawa na ng ibang gawaing bahay at nakapaghapunan na din pero wala pa din siyang text message ulit sa akin.“Kaninong text ba ang hinihintay mo, Ate?” pagkuwan ay biglang tanong sa akin ni Yuri na kanina pa pala ako pinagmamasdan sa aking tabi.“Huh?”“Kanina ka pa kasi nakatitig dyan eh,” puna niya.Umayos ako ng upo saka nagpatikhim. “Wala akong hinihintay na text,” pagkakaila ko sa kanya. Ilang sandali lang nang mabilis na umilaw at nag-vibrate ang cellphone ko. Agad ko naman iyong hinawakan at tiningnan. Pero mabilis din akong natigilan at napalingon kay Yuri nang maramdaman kong na
Yannie Ace RuizNagising ako nang mag-ingay ang alarm ng cellphone ko. Pikit mata kong kinapa iyon sa tabi ng higaan ko saka iyon pinatay. Nag-unat pa ako saka kusang gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ko kasabay ng pagmulat ko ng aking mga mata. Antok na antok pa ako sa totoo lang dahil late na akong nakatulog kagabi. Pero nang maalala ko ang dahilan kung bakit ako late na nakatulog kagabi ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti.Bumangon ako saka ko tiningnan ang cellphone ko. Mayroon akong unread text message. Nakangiting binuksan at binasa ko iyon.From Josh Rain: Good morning (smiley emoji)Nakagat ko ang ibabang labi ko habang nagta-type ng reply sa kanya.To Josh Rain: Good morning din (smiley emoji)“Ate? Okay ka lang?” Napalingon ako nang marinig ang boses ng kapatid ko. Si James. Nakasilip ito mula sa pinto ng kwarto.“Huh?”“Kanina pa ako kumakatok. Gising ka na pala pero hindi ka naman sumasagot. Tapos… nakangiti ka diyan sa cellphone mo,” nagtatakang puna niya sa akin
Yannie Ace Ruiz“Nag-chat siya, Yannie!” sambit ni Veron saka niya ibinalik sa akin ang cellphone ko. Marahang kinuha ko naman iyon mula sa kanya saka ako nagpatikhim. “Anong sabi?” usisa pa ni Veron sa akin. Wala na tuloy akong nagawa kung ‘di ang buksan at tingnan ‘yong chat ni Josh Rain sa akin.Josh Rain: Hi! (smiley emoji)Bahagya naman akong nagulat ng tumili si Veron at Ivory sa tabi ko. “Ang gwapo naman niyan, Friend! Pero para mas makasiguro tayo, i-video call mo!” ani Ivory sa akin.“Ay, tama! I-video call mo, Yannie. Para makita natin kung siya talaga ‘yang nasa profile picture niya!” segunda naman ni Veron.“A-Ano ba kayo…”“Uy, anong mayroon?!” Nagulat kaming tatlo nina Veron at Ivory sa biglang pagdating naman ni Jenny. Kasabay niyang pumasok ng classroom si Jomar na deretsyong nakatingin sa akin.“Friend, ang gwapo no’ng textmate ni Yannie!” masiglang pagbabalita ni Veron kay Jenny. Narinig iyon ni Jomar kaya naman mas lumalim ang tingin nito sa akin. Umawang ang mga la
Josh Rain MontezPadabog kong hinagis sa ibabaw ng table ang cellphone ko na siyang nakaagaw naman ng pansin nina Ramil at Byron.“Oh? Problema mo?” tanong ni Ramil sa akin.“Wala,” tipid na sagot ko dito.“Wala pero salubong na salubong ‘yang dalawang kilay mo,” natatawang sabi naman ni Byron sa akin.Kinuha ni Ramil ang cellphone ko saka nito ito pinakialaman. Mabilis ko namang binawi sa kanya iyon pero mabilis lang din niyang naiiwas sa akin.“Don’t tell me dahil kay Yannie Ace kaya ka bad trip?” natatawang sabi ni Ramil sa akin habang hawak-hawak ang cellphone ko at tinitingnan ang kung ano doon.“Akin na nga iyan!” inis na sabi ko dito.“Yannie Ace?” tanong naman ni Byron.“Si Yannie Ace, Pre. ‘Yong bagong chicks nito,” tugon ni Ramil kay Byron.“Ah! ‘Yong textmate niya?”“Oo, iyon nga!”Sa huli ay nagtagumpay naman ako na mabawi ang cellphone ko mula kay Ramil. Mabilis kong itinago iyon sa loob ng bulsa ko.“L.Q kaagad kayo?” nakatawang tanong ni Byron sa akin.Hindi ko siya sin
Yannie Ace Ruiz“Aalis ako sa 23. Pinapupunta ako ng parents ko sa probinsya ng Samar para mag-representative sa mission ng foundation ng company nila. Ten days ako doon at mahirap ang signal doon. I hope na makita kita before that.”Mabilis akong napamulat ng aking mga mata dahil sa paulit-ulit na mga salita na bumabalik sa aking isipan. Ala una na ng madaling araw pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog dahil paulit-ulit kong naiisip ‘yong sinabi ni Josh sa akin kanina.Sinabi niya kasi sa akin sa chat na magkita na daw kami. Noong unang mabasa ko iyon ay nakaramdam talaga ng kakaibang kaba at pagkabog ang puso ko. Nae-excite ako na natatakot. Ganyan ang naramdaman ko kaya hindi ako kaagad nakasagot sa kanya at sa halip ay iniba ko na lang ‘yong topic namin. Pero kanina, bago siya tuluyang matulog ay tinawagan niya ako saka niya sinabi sa akin ang mga salitang iyon na gumugulo sa isipan ko ngayon.Sampung araw siyang mawawala. Sampung araw ko siyang hindi makakausap dahil
Josh Rain Mendez“Hey, Josh! Long time no see ah. Akala ko hindi ka pupunta?”“What made you think that I wouldn't go?” Tamad akong naupo sa tabi ni Ethan saka ko inabot ang bote ng alak na iniinom niya at nagsalin no’n sa shot glass. Tinungga ko iyon pagkatapos. Naramdaman ko naman ang pagguhit ng mainit na likido sa aking sikmura dahil doon.“Sabi kasi ni Rica eh good boy ka na daw ngayon,” nakangising tugon sa akin ni Ethan habang siya naman ang nagsasalin ng alak sa shot glass at pagkuwan ay tinungga ang laman no’n.“Talaga? Good boy ka na ngayon, Josh? Kaya pala wala ka noong nakaraang session,” biglang dating at singit naman ni Rodnie sa amin ni Ethan. Siniksik nito ang sarili sa pagitan namin ni Ethan saka ito naupo doon.“I was just busy these past few days because of our game,” tugon ko dito. Pinabubulaanan ang mga sinasabi nila sa akin.“Oh? Ganoon ba? Akala ko pa naman ay dahil sa may nagbabawal na,” nakangising sabi sa akin ni Rodnie.“What?”“Oy, Josh! Bakit nandito ka?”
Yannie Ace Ruiz“Hindi ko talaga siya ma-search sa akin,” wika ni Jenny habang abala sa pagkalikot sa cellphone niya.“Sa akin din eh. Siguro nag-deactivate siya ng social media account niya,” saad naman ni Ivory.“Baka nga,” ani Veron saka ito bumalin ng tingin sa akin. “Try mo na kasi siyang tawagan sa cellphone number niya kung hindi siya sumasagot sa mga text mo,” wika nito sa akin.Napasinghap ako kasunod ng pagkagat ko sa ibabang labi ko. Tatlong araw na mula nang tumigil sa pagkausap sa akin si Josh. Hindi siya sumasagot sa mga text message ko at nag-deactivate din siya ng social media account niya. Hindi ko tuloy alam kung paano ko sasabihin sa kanya na napag-isipan ko nang pumunta sa gathering ng fandom ng 4SBLUE sa darating na sabado, at makipagkita sa kanya.Wala naman na talaga akong balak na magbago pa ng isip no’n, pero nang sabihin ko kina Veron ang tungkol doon ay pinilit na nila ako na magpunta. Sa totoo lang, gusto ko din naman talagang magpunta at makipagkita sa kan
Yannie Ace RuizAgad kong tiningnan ang cellphone ko nang mag-vibrate ito dahil sa chat na natanggap ko.Rica: See you, Yannie! Ingat kayo ng friend mo (smiley emoji)Me: See you po, Ate. Ingat din po.Pagka-reply ko kay Ate Rica ay muli kong tiningnan ang aking sarili sa harapan ng salamin sa ladies room ng mall na kinaroroonan ko. Dito sa mall na ito ang usapan namin ni Veron na tagpuan namin ngayon. Kadarating ko lang naman at agad nga akong dumeretsyo dito sa ladies room para tingnan muna ulit ang sarili ko. Nang matapos na ako ay lumabas na din ako saka ko muling kinuha ang cellphone ko para mag-send ng message kay Veron na naririto na ako.Pero bago pa lang akong magtitipa ng mensahe para sa kanya ay biglang lumabas ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko. Mabilis ko namang sinagot ang tawag niya sa akin.“Hello, Veron?”“Yannie!”“Ite-text pa lang sana kita. Nasaan ka na? Nandito na ako—”“Yannie, pasensya ka na,” mabilis na putol sa akin ni Veron mula sa kabilang linya.“H