Share

Chapter 63

Palabas sa condo niya sina Tyron at Claire nang bigla silang salubungin ng mga pulis na pinangungunahan ni Major Rex David na kaibigan ni Gun.

"Ano ang ibig sabihin nito? Bakit ninyo ako hinuhuli? Ano ang kasalanan na nagawa ko sa batas?" nagpapanic na tanong ni Tyron sa mga pulis habang nilalagyan ng posa ang mga kamay nito.

"Inaaresto ka namin sa salang pagtangkang pagpatay kay Miss Arielle Simpson. Malaya kang kumuha ng abogado mo, Mr. Delavin. At tandaan mo na lahat ng mga salitang lalabas sa bibig mo ay maaari naming gamitin laban sa'yo kaya sa presinto ka na lamang magpaliwanag," matigas ang boses na wika ni Rex bago inutusan ang mga kasamahang pulis na dalhin sa presinto si Tyron.

"Wait! Wait! Hindi niyo puwedeng dalhin ang boyfriend ko! Hindi ako papayag!" malakas ang boses na wika naman ni Claire, humarang ito sa daraanan ni Tyron at mahigpit na hinawakan sa braso ang huli

"Kung hindi mo kami hahayaan na makaalis ay mapipilitan akong sampahan ka ng obstruction of justice,"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status