Share

Chapter 92

Maagang nagising si Arielle nang umagang iyon kaya naligo na siya bago lumabas sa silid at bumaba sa sala. Akala niya ay nauna siyang nagising kay Gabriel ngunit hindi pala dahil nasa pangatlong baitang pataas na siya ng hagdan nang makita niyang prenteng nakaupo ang lalaki sa sala at nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape. Paikot kasi ang hagdan sa bahay nito kaya hindi niya agad nakita na nakaupo ito sa sala.

Dahan-dahan siyang umikot para bumalik sa itaas ngunit nakita na siya ni Gabriel at napakunot ang noo nito nang makitang balak niyang bumalik sa itaas.

"Did you forget something upstairs?" tanong ni Gabriel sa kanya. Bahagya siyang ngumiti at umiling. "Come here."

Kinakabahang naglakad siya palapit kay Gabriel. Mabuti na lamang naglagay na siya ng concealer sa peklat niya bago siya bumaba kaya hindi na ulit nakita nito ang malaki at panget niyang peklat.

"Ano ba ang magiging trabaho ko, Boss?" tanong niya kay Gabriel nang makalapit siya sa harapan nito

"Sit down," kausap nito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status