Share

Chapter 97

"Gabriel Adamson! Ano ang ginagawa mo rito sa bahay ko?" galit na tanong ni Tyron kay Gabriel na sinagot naman ng huli ng isang malakas na suntok sa sikmura. Naluhod sa sahig si Tyron habang napapaubo. Ang mga tauhan naman nito ay agad na napatulog nina Harold kasama sina Tres, Dos, at Six.

Nilapitan siya ni Gabriel at agad na kinalas ang pagkakatali niya sa gilid ng hagdan pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit. "I'm sorry. I'm almost late. I'm almost lost you again."

Niyakap din niya ito ng mahigpit. Napaiyak siya dibdib nito ngunit hindi dahil sa takot kundi sa saya na nakita niya itong muli. Miss na miss na niya ito ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili na magpakita sa kanya. Gusto niya kapag muli siyang humarap kay Gabriel ay tapos na siya sa mga dapat niyang gawin.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong niya nang kumalas siya sa pagkakayakap kay Gabriel.

"It's Mr. Sanchez that told me you're going to come here to chase some dogs inside your house," nakangiting sagot nito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status