Share

Chapter 4

Pagkatapos nilang kumain sa restaurant ay agad na nagpahatid si Arielle kay Tyron sa bahay niya. Gusto na niyang umuwi at makapagpahinga. Bigla kasing sumakit ang kanyang ulo. Siguro napagod lamang siya sa pakikipagplastikan niya sa dalawang taong kinamumuhian niya. Hindi pala dalawa kundi apat na tao. Dahil kasamang kinamumuhian din niya ang ina at nakababatang kapatid ni Tyron na labis na nagpahirap at nang-alila sa kanya.

"Are you sure ayaw mong pumasok ako sa loob ng bahay mo para magkape?" tanong ni Tyron nang makababa na siya sa kotse nito.

"Yes, I'm sure. Medyo sumakit ang ulo ko kaya gusto kong magpahinga." Hindi naman siya nagsisinungaling ngayon dahil totoong masakit ang kanyang ulo.

Nakita niya ang pagpapalitan ng makahulugang mensahe sa mata ng dalawa kaya bigla niyang naalala ang natuklasan niya bago siya nila pinatay. Naalala niyang natuklasan pala niya na unti-unti pala siyang nilalason ni Tyron. Siguro ay hindi lang nag-umpisa si Tyron na lasunin siya ng dahan-dahan noong nagsasama na sila kundi matagal na.

"Okay fine. Ihahatid ko na lamang si Claire sa bahay nila at pagkatapos ay uuwi na rin ako sa bahay," ani Tyron. Akmang dudukwang ito para halikan siya sa pisngi ngunit mabilis siyang tumalikod at kunwari ay hindi nakita ang ginawa nito.

"Bye. Ingat," nakangiting paalam niya sa kanila nang muli siyang humarap.

Nang wala na sa harapan niya ang kotse ni Tyron ay pumasok siya sa bahay niya at kinuha ang susi ng isa niyang kotse. Umalis siya sa bahay niya at nagtungo sa hospital kung saan nagtatrabaho ang best friend niyang si Kim na isang general doctor.

"What's wrong, Arielle? Bakit ka nagpunta rito sa hospital? Magpapa-check up ka ba? May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Kim nang makita siya nitong naglalakad sa hallway at papunta sa clinic nito.

"Yes, Kim. Nahihilo ako at ilang beses nang nangyari ito sa akin kaya gusto kong magpa-check up," mabilis niyang sagot. Inalalayan siya nito sa paglalakad hanggang sa nakapasok sila sa clinic nito. Pinaupo muna siya ni Kim sa couch pagkatapos ay bumalik ito sa pintuan at isinabit sa doorknob ang isang karatulang may nakasulat na "no doctor" bago isinara ang pintuan.

Matapos i-checkni Kim  ang kanyang blood pressure ay sinuri naman nito ang ibang bahagi ng katawan. Nang walang makitang kakaiba nagpasya itong kuhaan siya ng dugo, ihi, at laway. Halos isang oras ang ipinaghintay niya bago lumabas ang result ng mga pagsusuri sa kanya ng kaibigan niyang doktor.

"May lason akong nakita sa dugo mo, Arielle," prankang wika nito sa kanya pagbalik mula sa lab. Puno ng pag-alala ang boses at mukha nito. "Ang lason na ito ay unti-unting kinakain ang red blood cells mo. Hindi na maganda ang circulation ng dugo mo kaya nagkukulang ang oxygen ang utak mo na nagiging sanhi ng madalas mong pagkahilo. At kung hindi mo ito natuklasan ngayon ay ito ang magiging sanhi ng maaga mong kamatayan. Sino ang taong may matinding galit sa'yo para lasunin ka ng dahan-dahil?"

Huminga muna siya ng malalim bago sinagot ang tanong ng kaibigan niya. "Sino pa ba kundi si Tyron. At kasabwat niya ang napakabait kong pinsan."

Ikinuwento niya kay Kim ang lahat ng mga narinig niya tungkol sa masamang binabalak sa kanya nina Tyron at Claire. Ngunit ang pagkakaroon niya ng pangalawang buhay ay inilihim niya rito dahil baka mahimatay ito kapag sinabi niya ang mga naranasan niya sa kamay ng dalawa bago siya biglang bumalik six months before her wedding with him. O baka isipin niyang nababaliw na siya na sanhi ng side effect ng lason na nasa loob ng kanyang katawan.

"What? Are they crazy? Let's go, Arielle. Magtungo tayo sa police station at ipadampot natin ang dalawang walang hiyang iyon!" galit na galit na wika ni Kim. "Pagkatapos ng mga kabutihang nagawa mo sa kanilang dalawa ay pinagbabalakan ka nila ng masama? Sinasabi ko na nga ba at nasa loob ang kuko ng dalawang iyon. Kaya nga tutol ako noong naging boyfriend mo si Tyron at nagagalit ako kapag palagi mong kasama ang pinsan mo dahil pakiramdam ko ay hindi sila mabuting tao. And I was right. They are bad people."

"Hindi tayo puwedeng magsumbong sa mga police dahil wala tayong concrete evidence laban sa kanila. But don't worry dahil ngayong alam ko na ang masama nilang binabalak sa akin ay hindi ko hahayaan na magtagumpay sila."

"Okay. But make sure na palagi kang mag-iingat. At palagi mo rin akong tatawagan para masigurado ko na buhay ka pa at humihinga. At saka huwag na huwag ka nang kakain o iinom ng kahit anong pagkain o inumin na mula sa dalawang iyon, okay?" sabi ni Kim nang sa wakas ay napakalma niya ito.

Mabilis siyang tumango sa kanya. "I will do that. And thank you for being a good friend to me. You really are my best friend," sinserong sabi niya sa kaibigan niya. Si Kim lamang kasi at ang kanyang abogado na si Attorney Edgar Sanchez ang mga taong totoong may malasakit sa kanya.

Niyakap lamang siya ni Kim ng mahigpit at marahang hinagod-hagod ang kanyang likuran para ipadama sa kanya na magiging okay rin ang lahat.

Pagkaalis niya sa hospital ay bumalik siya sa bahay niya at nagpahinga. Kinabukasan ay buong maghapon lang siyang nasa loob ng kanyang silid at natulog. Ngunit nang sumapit na ang gabi ay nagdesisyon siyang lumabas at magtungo sa isang bar na ngayon lamang niya ginawa.

Gusto niyang uminom at magpakalasing ngayong gabi. Ngunit hindi dahil nasaktan siya sa mga panlolokong ginawa sa kanya nina Tyron at Claire kundi para ipagdiwang ang pagkakaroon niya ng pangalawang buhay. Ang pagkakaroon niya ng chance na mabago ang kapalaran niya at mabigyan ng katarungan ang ginawa sa kanya at sa mga magulang niya ng dalawang taong labis niyang pinagkatiwalaan.

Pagdating niya sa loob ng bar ay pinili niyang maupo sa mesa na nasa sulok ng bar. Lasing na siya nang biglang lumapit sa kanya ang isang matangkad na lalaki.

"Hi. Ano ang ginagawa ng isang magandang babae sa loob ng bar at mag-isang umiinom?"

Ngumiti siya nang marinig niya ang malalim ngunit magandang boses ng lalaking lumapit sa kanya. Ang boses nito ay tila musika sa kanyang pandinig. Ito ang unang pagkakataon na nagustuhan niya ang boses ng isang lalaki bukod sa kanyang dating asawa, noong mahal pa niya ito. Pero ngayon ay ayaw na niyang marinig ang boses ni Tyron at kahit ang hininga nito ay ayaw na rin niyang maamoy.

"Wala naman. I am just enjoying myself for being alone." Bagama't hindi niya makita ang mukha nito dahil bahagyang nanlalabo ang kanyang paningin sa dami ng nainom niyang alak ay binigyan pa rin niya ito ng matamis at malapad na ngiti na nagpatambad sa kanyang perpekto at mapuputing mga ngipin.

"What a beautiful smile," the man uttered.

“You are beautiful too,” puri niya sa lalaki. She was too drunk to feel embarrassed of what she's doing now.

"Really? This is the first time that a woman told me I'm beatiful," nakangiting sabi ng lalaki. Parang naa-amused pa ang boses nito. "Do you want to dance with me?"

Hindi siya sumagot sa lalaki sa halip ay hinila niya ito sa leeg at kusang ipinulupot sa leeg nito ang kanyang mga braso.

Sa tabi lamang ng mesa niya sila nagsayaw ng sweet dance kahit na ang tugtog sa loob ng bar ay rock naman.

"I like your smell," bulong niya habang nakasandal sa malapad na dibdib ng estranghero. Hindi matapang ang mabangong amoy ng pabango nito. Masarap samyuhin ang amoy nito at hindi nakakasawa kahit araw-araw niya iyong amuyin, hindi katulad ng pabango ni Tyron. Sobrang matapang ang amoy ng pabango ng kanyang dating asawa at ayaw na ayaw niyang maamoy iyon. Para siyang masusuka sa tuwing naaamoy niya ang pabango ni Tyron kaya binilhan niya ito ng panibang pabango na masarap ang amoy ngunit hindi naman nito nagustuhan ng lalaki. Sa halip namatuwa ay nagalit pa ito sa kanya at pinagsalitaan siya ng hindi magagandang salita.

"But I like your smell more than mine," bulong nito sa gilid ng kanyang tenga.

Nakiliti siya nang maramdaman niya ang mainit na hininga ng lalaki sa kanyang tenga. Hindi niya napigilang mapahagikgik dahil malakas ang kiliti niya sa kanyang tainga. Ang sumunod na naramdaman niya ay parang gutom na hinahalikan siya ng lalaki sa kanyang mga labi. Imbes na itulak ito dahil sa kapangahasang ginawa nito ay tinugon pa niya ang mga halik nito. Naramdaman niya ang pagbuhat nito sa katawan niya palabas ng bar ngunit walang siyang pagtutol na nakapa sa kanyang dibdib. Dinala siya ng lalaki sa loob ng kotse nito at saka muli hinalikan ng mariin ang kanyang bibig.

Narinig niya ang mahinang halinghing mula rito nang haplusin ng mga kamay niya ang dibdib nito pababa sa matigas na bahagi ng katawan nito. Tinukso ng kamay niya ang katigasan nito hanggang sa naging kasing-tigas iyon ng bato.

Pero hindi pumayag ang lalaki na siya lamang ang mag-eenjoy sa katawan nito. Mabilis nitong hinubad ang suot niyang damit saka pinaglaruan ng bibig at dila nito ang kanyang malulusog na dibdib. Isang malakas na halinghing ang kumawala sa kanyang lalamunan dahil sa sarap at hindi maipaliwanag na sensasyon na kanyang nararamdaman.

Sobrang darang na darang na siya sa labis na pagnanasa na kanyang nararamdaman. Ito ang unang beses na nakaramdam siya ng matinding pagnanais na makipagtalik sa isang lalaki. Samantalang noong nagsasama pa sila ni Tyron ay hindi niya ito pinilit na magtalik sila. Ngunit iba ang nararamdaman niya ngayon. Pakiramdaman niya ay mababaliw siya kapag hindi nila tinapos ang ginagawa nila ngayon.

Iba talaga ang nagagawa ng alak. Nakakawala ng sariling katinuan. At bukas ay sisisihin na lamang niya ang alak kung bakit niya nagawa ang pagkakamaling ito.

Ginalugad ng dila ng lalaki ang buong katawan niya kaya mas lalo lamang siyang mabaliw-baliw. Ang bawat halik nito ay nag-iiwan ng mainit na sensasyon sa balat niya. Pagkatapos ay pumwesto ito sa ibabaw niya at ipinasok ang katigasan nito sa kanyang pagkababae na kahit ang dating asawa ay walang pagkakataong tuklasin. At pakiramdam niya ay nakakita siya ng mga kumikislap na brilyante sa kadiliman nang halos sabay nilang narating ang r***k ng kaligayahan.

Nakatulog siya pagkatapos ng kanilang mainit na pagtatali na may ngiti sa mga labi. Ngunit kinabukasan paggising niya ay nanlaki ang mga mata niya at halos mapasigaw siya nang makitang nasa loob siya ng hindi pamilyar na sasakyan at n*******d. At sa kanyang tabi ay patagilid na nakadapa at natutulog naman ang isang hubo't hubad na lalaki.

Bago pa magising ang lalaki ay nagmamadali niyang isinuot ang kanyang mga nahubad na damit at dali-dali lumabas ng sasakyan. At bago siya tuluyang naglakad palayo sa lalaking naka-one-night stand niya ay ipinangako niya sa sarili na hindi na siya magpapakalasing ng sobra para maiwasan na maulit ang ganoong pagkakamali niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status