Share

Chapter 9

Early in the morning ay galit na sinugod si Arielle ng kanyang boyfriend. Hindi na niya kailangan pang tanungin ang dahilan kung ano ang ikinagagalit nito dahil batid niya kung ano iyon. Ngunit nagkunwari pa rin siyang walang alam sa dahilan kung bakit ganoon ang reaksiyon nito nang magtungo sa bahay niya.

"What's wrong, Tyron? May nakaaway ka ba habang papunta ka sa bahay ko?" inosenteng tanong niya rito.

"Bakit mo ibinigay ang posisyon mo bilang CEO sa kompanya mo sa iyong abogado? Ano ba ang pumasok diyan sa utak mo at ginawa mo iyon?" namumula sa galit ang mukha na tanong ni Tyron sa kanya.

"Iyon ba ang dahilan kung bakit galit na nagtungo ka rito?" Seryoso ang mukha na tinitigan niya ito. "Ako ang may-ari ng kompanya kaya may karapatan ako kung kanino ko gusto pansamantalang ibigay ang pamumuno sa kompanya ko."

Biglang nag-iba ang anyo ni Tyron. Nabawasan ang galit at madilim na ekspresyon nito sa mukha. Ngumiti ito at lumapit sa kanya, tangkang yakapin siya ngunit mabilis siyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status