Share

Chapter 14

Dalawang araw lamang sa ospital si Arielle at pinayagan na siya ni Kim na siyang doktor niya na doon na lamang sa bahay niya magpagaling. At sa loob ng dalawang araw na iyon ay sinamahan siya ni Gun at hindi iniwan. Umuwi lamang ito sa bahay nito para kumuha ng damit at personal na gamit.

"Kapag nakabalik na si Gun ay samahan mo na lamang siya sa kanyang magiging silid, Emma. Iyong katabing silid ng kuwarto ko ang ibigay mo para mas madali niya akong mapupuntahan kapag kailangan ko siya," tugon niya sa maid. Baka kaso biglang dumating si Gun at natutulog siya ay hindi alam ng dalawa niyang maid kung aling silid ang ipapagamit sa lalaki habang nagtatrabaho ito sa kanya.

"Yes, Ma'am Arielle," sagot ni Emma, pagkatapos ay tinapunan siya nito ng nanunuksong ngiti.

"Anong ibig sabihin ng ngiting iyan, Emma?" Parang nahuhulaan na niya kung ano ang iniisip nito. "Talaga bang driver-bodyguard mo lang si Gun, Ma'am Arielle? Hindi mo siya manliligaw? Alangan kasi sa kanya ang maging driver-body
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status