Share

Chapter 22

Naalarma si Arielle nang makita niyang biglang dumilim ang mukha ni Gun at mahigpit nitong ikinuyom ang mga kamao nang makita si Tyron sa pintuan ng bahay niya. May dala itong bote ng beer at umaalingasaw sa alak ang buong katawan nito.

Nang akmang tatayo si Gun para sugurin si Tyron na siyang pinaghihinalaan nilang pumasok sa bahay niya at siyang nagtangkang pumatay sa kanya ay mabilis niyang pinigilan ito sa braso nito. Bahagya siyang umiling kay Gun pagkatapos ay hinila niya ito paupo sa kanyang tabi.

Dama niya ang pinipigil na galit ni Gun sa loob nito. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit kung nasa harapan niyo ang taong pinaghihinalaan ninyong nagtangkang pumatay sa'yo ngunit hindi niyo ito magawang komprontahin at ipakulong dahil wala kayong hawak na ebidensiya laban sa kanya?

"Tyron? What are you doing here in such a state?" Mabilis na nilapitan ni Claire si Tyron at inalalayang makapasok ng tuluyan sa loob ng bahay niya, medyo gumiwang kasi ito at muntik nang matumba kung
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status