Share

Chapter 25

Napatingin kay Arielle sina Tyron at Claire nang makita siyang naglalakad palapit sa kanila.

"Mabuti naman at nandito ka, Arielle. Sabihin mo nga sa dalawang guard na ito papasukin kami. Ayaw nila kaming papasukin sa loob," nakangiting kausap sa kanya ni Tyron. Kung kausapin siya nito ay parang walang nagbago sa relasyon nila. Ngunit biglang naglaho ang ngiti sa mga labi nito nang mapansin nito si Gun sa kanyang likuran. "Bakit kasama mo ang lalaking iyan?" nakasimangot na sita nito sa kanya.

"He's my bodyguard, remember?" nakangiting sagot niya rito. "Now tell me what's the problem."

"Itong mga tangang guwardiya ay pinipigilan kaming makapasok sa loob ng kompanya. Sisantehin mo nga ang dalawang iyan at ayokong makitang muli ang mga pagmumukha nila," galit na wika ni Claire, kung makapag-utos naman ito sa kanya ay parang nakatataas ito kaysa sa kanya. Ngunit hindi na lamang niya pinansin ang tono nito sa halip ay hinarap niya ang dalawang guard na karapat-dapat makatanggap ng loyalty
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status