Inamin ni Arielle ang buong katotohanan kay Gabriel tungkol sa itinatago niyang sekreto. Wala siyang itinago maliban sa part na nag-time travel siya papunta ssa nakalipas habang unconscious siya. Akala niya ay magagalit ito sa kanya dahil nagsinungaling siya sa kanya ngunit dumilim lamang ang mukha nito matapos malaman ang lahat at muli siyang kinarga papasok sa kanyang silid. "Don't move. Kukuha lang ako ng ice at gamot para hindi na masyadong mamaga at mawala ang kirot ng paa mo," sabi sa kanya ni Gabriel bago ito lumabas ng silid. Ilang minuto lamang itong nawala at pagbalik ay may dala na itong tray na may laman na isang basong tubig, gamot, at dalawang icepack. "Here. Take this medicine to reduce the pain."Para siyang masunuring bata na sinunod ang sinabi ni Gabriel sa kanya."Hindi mo ba ako palalayasin dahil nagsinungaling ako sa'yo, Boss?" hindi niya napigilang tanong matapos niyang inumin ang gamot.Mula sa paa niyang nilalapatan nito ng icepack ay umangat sa kanyang mukha
Nang magising si Arielle ay wala na sa tabi niya si Gabriel. Napangiti siya ng matamis nang maalala ang mainit nilang pagtatalik. Ngunit naglaho ang ngiti niya at napalitan ng pag-aalala dahil baka iniisip ni Gabriel na east to get siya dahil kakakilala pa lamang nila ay ibinigay na niya agad ang kanyang sarili sa kanya. Aaminin niya na ang tingin talaga niya kay Gabriel ay si Gun at hindi lang siya maalala nito. Matagal na silang magkakilala kaya naman hindi siya nagdalawang isip na ibigay ang kanyang sarili sa kanya sa pangalawang pagkakataon. Iniisip kais niya na iisang tao lamang silang dalawa. Huminga siya ng malalim at pilit na inalis sa kanyang isip ang pag-aalalang naramdaman niya. Bumangon siya sa kama at tiningnan ang oras sa wall clock. Alas kuwatro ng hapon pa lang pala. Akala niya ay gabi na pero hindi pa pala.Bumaba siya sa kama at nagtungo sa banyo para maligo. Hindi na siya nag-abala pang isuot ang mga nahubad niyang damit dahil mag-isa lang naman siya sa kanyang s
Pag-alis ni Arielle sa bahay ni Gabriel ay nag-rent muna siya sa isang maliit na condo unit pagkatapos ay inayos niya ang kanyang mga papeles papuntang ibang bansa. Pinakilos niya ang kanyang pera at sa tulong ng kanyang Uncle Edgar ay agad na naayos ang kanyang passport pati na rin US visa. Pagkatapos ng halos isang buwan na paghihintay ay nakalipad siya patungong Amerika para ipabalik ang kanyang mukha sa pamamagitan ng plastic surgery.Sa isang sikat na plastic surgeon siya nagpa-opera ng kanyang mukha. Pagkalipas ng two weeks nang dumating siya sa America ay isinailalim siya sa isang operasyon. Apat na oras ang itinagal ng operasyon sa mukha niya. Nang magising siya ay nababalot na ng benda ang buo niyang mukha.At pagkatapos naman ng dalawang Linggo ay inalis na ng doktor ang benda sa kanyang mukha. Naiyak siya nang makitang naibalik na sa dati ang hitsura ng kanyang mukha. Kahit maliit na bakas ng malaking peklat sa kanyang mukha ay wala na kaya sobrang laki ng pasasalamat niya
"Gabriel Adamson! Ano ang ginagawa mo rito sa bahay ko?" galit na tanong ni Tyron kay Gabriel na sinagot naman ng huli ng isang malakas na suntok sa sikmura. Naluhod sa sahig si Tyron habang napapaubo. Ang mga tauhan naman nito ay agad na napatulog nina Harold kasama sina Tres, Dos, at Six.Nilapitan siya ni Gabriel at agad na kinalas ang pagkakatali niya sa gilid ng hagdan pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit. "I'm sorry. I'm almost late. I'm almost lost you again."Niyakap din niya ito ng mahigpit. Napaiyak siya dibdib nito ngunit hindi dahil sa takot kundi sa saya na nakita niya itong muli. Miss na miss na niya ito ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili na magpakita sa kanya. Gusto niya kapag muli siyang humarap kay Gabriel ay tapos na siya sa mga dapat niyang gawin."Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong niya nang kumalas siya sa pagkakayakap kay Gabriel."It's Mr. Sanchez that told me you're going to come here to chase some dogs inside your house," nakangiting sagot nito
"Yes. I will marry you, Gabriel," naluluhang sagot ni Arielle sa marriage proposal sa kanya ni Gabriel. Bakit pa siya magpapakipot gayong gustong-gusto naman niyang magpakasal at maging asawa si Gabriel?Lumarawan sa mukha ni Gabriel ang labis na saya nang marinig ang sagot niya. Niyakap siya nito ng mahigpit at binuhat pagkatapos ay inikot-ikot sa labis na kasiyahan.Pagkatapos nilang masiguro na hindi na makakawala pa sina Tyron at Claire sa mga kasong isinampa nila laban sa kanila ay saka sila nagdesisyon na magpakasal. Masayang-masaya si Arielle dahil sa wakas ay magiging mag-asawa na sila ni Gabriel. Isang araw bago ang kasal nila ni Gabriel ay bigla niyang naalala ang cellphone ng kanyang mga magulang. Sa dami ng mga nangyari ay nakalimutan na niya ang cellphone na ipina-repair niya. Umalis siya sa bahay niya at nagtungo sa cellphone repair shop. "Akala ko po ay hindi niyo na babalikan ang cellphone ipina-repair mo, Ma'am. Hindi na rin kita nagawang kontakin dahil nawala ang
"Pirmahan mo na ang mga documents na nagpapatunay na kusang loob mong inililipat sa pangalan ko ang lahat ng mga ariarian mo, Arielle," mariing utos ni Tyron sa kanyang asawang si Arielle.Nakaupo si Arielle sa upuan at sa harapan niya ay ang mga papeles na nais papirmahan sa kanya ni Tyron."Walang hiya ka, Tyron! Isa kang demonyo! Pinagsisisihan ko na nagpakasal ako sa'yo!" umiiyak na sigaw niya. Hindi siya makapaniwala na magagawa ito sa kanya ng asawa niya.It's been three months magmula nang magpakasal siya kay Tyron na naging boyfriend niya ng limang taon bago niya tinanggap ang alok nitong kasal. At sa loob ng five years and three months nilang magkarelasyon ay ngayon lang niya natuklasan na matagal na pala siyang niloloko nito. At kasama nito sa panloloko sa kanya ay ang kanyang pinsan na si Claire.Matagal na palang may lihim na relasyon ang dalawa at matagal na rin siyan pinapaikot nila sa ibabaw ng kanilang mga palad. Habang siya ay devoted sa kanyang asawa ito naman ay nag
Ano ang nangyari? Bakit hindi siya namatay? Bakit bigla siyang ng bumalik six months before her wedding? Ito ang mga panahon na para siyang palaging nakalutang sa alapaap dahil sa sobrang kaligayahan. Siyempre, sa wakas ay nagpropose na sa kanya ang boyfriend niya na matagal na niyang hinihintay na mangyari. Akala niya noon kapag kasal na sila ni Tyron ay magiging mas masaya na siya. Hindi na siya malulungkot dahil magkakaroon na siya ng taong katuwang niya sa buhay. Mag-isa na lang kasi siya dahil sabay na namatay sa aksidente ang kanyang mga magulang last year ago. Ngunit ang pagpapakasal pala niya kay Tyron ang pinakamaling desisyon na nagawa niya sa tanang buhay niya.Pagkatapos ng kasal nila ni Tyron ay kasama nitong lumipat sa bahay niya para doon na rin manirahan ang ina at kapatid nitong babae. Pumayag siya na makipisan sa kanila ang ina at kapatid nito dahil akala niya ay mas magiging masaya ang pagsasama nila kapag kasama niya ang pamilya nito. The more the merrier, 'ika ng
"Bakit hindi tinanggap ng babaeng iyon ang marriage proposal mo, Tyron? Hindi ba't patay na patay sa'yo si Arielle? Bakit biglang nagbago ang isip niya?" tanong ni Claire kay Tyron habang magkayakap silang dalawa sa loob ng ladies' room."I don't know. Pero pagkatapos niyang magbabang-luksa sa mga magulang niya ay pipilitin ko siyang pakasalan ako," sagot naman ni Tyron sa mahinang boses."Mabuti nga na hindi niya tinanggap ang marriage proposal mo dahil ayoko naman talaga na magpakasal ka sa kanya. Ayokong maging kabit mo, okay?" may inis ang boses na wika naman ni Claire."Hindi puwedeng hindi ako ikasal kay Arielle, Claire. Masisira ang mga plano ko na matagal kong pinaghandaan. Kahit naman ikasal ako sa kanya ay ikaw pa rin ang mahal ko. At ipinapangako ko sa'yo na hinding-hindi ako makikipagtalik sa kanya kahit kasal na kaming dalawa. Dahil ikaw lamang ang babaeng gusto kong makasama sa kama," pangungumbinsi ni Tyron sa kanyang nobya."Talaga? Promise mo sa akin na pagkatapos ng