Share

Chapter 2

Ano ang nangyari? Bakit hindi siya namatay? Bakit bigla siyang ng bumalik six months before her wedding? Ito ang mga panahon na para siyang palaging nakalutang sa alapaap dahil sa sobrang kaligayahan. Siyempre, sa wakas ay nagpropose na sa kanya ang boyfriend niya na matagal na niyang hinihintay na mangyari.

Akala niya noon kapag kasal na sila ni Tyron ay magiging mas masaya na siya. Hindi na siya malulungkot dahil magkakaroon na siya ng taong katuwang niya sa buhay. Mag-isa na lang kasi siya dahil sabay na namatay sa aksidente ang kanyang mga magulang last year ago. Ngunit ang pagpapakasal pala niya kay Tyron ang pinakamaling desisyon na nagawa niya sa tanang buhay niya.

Pagkatapos ng kasal nila ni Tyron ay kasama nitong lumipat sa bahay niya para doon na rin manirahan ang ina at kapatid nitong babae. Pumayag siya na makipisan sa kanila ang ina at kapatid nito dahil akala niya ay mas magiging masaya ang pagsasama nila kapag kasama niya ang pamilya nito. The more the merrier, 'ika nga ng marami. Ngunit hindi nangyari ang inaasahan niya. Sa halip ay inalila siya ng ina at kapatid ni Tyron.

Mahal niya si Tyron kaya tiniis niya ang pang-aalila sa kanya ng dalawang babae. Tanging si Tyron lamang ang mabait sa kanya. At para sa kanya ay sapat na iyon. Ngunit hindi niya akalain na itinatago lang pala nito ang tunay nitong kulay.

"Hey! Are you listening to me, Arielle? Masyado ka bang nasorpresa sa biglaan kong pagpo-prose sa'yo ng kasal?" nakangiting wika ni Tyron na siyang pumukaw sa malalim niyang pag-iisip.

"Ha? Ah, yes. Nasorpresa nga ako." Ngumiti siya ng matamis para ipakitang masaya siya na nagpropose ito sa kanya. Ngunit kung inaakala nito na tatanggapin niya ang proposal nito ay nagkakamali ito. Dahil hinding-hindi siya papayag na mangyari ulit sa kanya ang masakit na sinapit niya sa mga kamay nito sa una niyang buhay. Itinuturing niya kasing second life ang pagbalik niya sa nakaraan.

"So pumapayag ka na magpakasal na tayo?" Lumarawan ang tuwa sa mukha ni Tyron. Ngunit batid niya na hindi tunay ang ngiti nito. Na sa likod ng ngiti nito ay nagtatago ang isang maitim na balak para sa kanya.

Gusto na niyang talampakin sa mukha nito na hindi siya magpapakasal sa kanya ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili. Kailangan nitong magbayad sa ginawa nito sa kanya at pati na rin ang kasabwat nitong si Claire.

Hinawakan niya ang isang kamay ni Tyron at bahagyang pinisil. "You know that I love you, right? Pero hindi pa ako handang magpakasal, Tyron. Kakamatay lang ng parents ko last year kaya hindi pa ako nakakapagbabang-luksa. Sana ay maintindihan mo ang nararamdaman ko."

"Naiintindihan kita, Arielle. Two months na lang ay makakapagbabang-luksa ka na kaya puwede na tayong magpakasal."

Akmang magsasalita siya nang biglang nag-ring ang cellphone ni Tyron. Kahit na hindi niya nakikita kung sino ang tumatawag sa kanya ay nahuhulaan niyang si Claire ang caller.

"Sagutin mo na ang cellphone mo at baka urgent iyan," nakangiting sabi niya rito. Panay kasi ang tingin nito sa cellphone nitong nakapatong lamang sa ibabaw ng mesa ngunit hindi naman sinasagot. Nakakadisturbo tuloy sa ibang mga customer na kumakain dahil malakas ang tunog ng ringtone nito.

"Excuse me for a minute, Arielle. Mom ko ang tumatawag sa akin kaya kailangan kong sagutin," Tyron lied to her. Ngunit hindi siya nakadama ng kahit konting sakit o disappointment dahil nagsinungaling ito sa kanya.

Ngumiti lamang siya kay Tyron at bahagyang tumango. Nang tumayo ito at naglakad palabas sana ng restaurant ay biglang pinatid ng isa niyang paa ang paa nito pagdaan nito sa tapat niya. Muntik na siyang mapahagalpak ng tawa nang parang palaka na tumalon ito papunta sa waiter na may dalang tray na naglalaman ng ilang basong may laman na red wine. Natapon ang laman ng tray at napunta sa likuran ni Tyron ang lahat ng red wine.

Parang palakang nakadapa ang hitsura ni Tyron kaya pinagtawanan tuloy ito ng mga customer na kumakain sa restaurant.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadyang mapatid ka ng paa ko, Tyron. Papunta sana ako ng comfort room habang kausap mo pa ang Mom mo," apologetic na sabi niya kay Tyron. Hinawakan niya ang dalawang kamay nito at tinulungan sa pagtayo. Ngunit hindi pa man ito nakakatayo ay bigla niyang binitawan ang kamay nito kaya muli itong nasubsob sa sahig. Mas lalo tuloy itong pinagtawanan ng mga tao. "Oh my gosh! I'm sorry, Tyron. Madulas ang kamay ko kaya nabitiwan kita and you're so heavy. I'm really sorry."

"It's okay, love. It's my fault. Hindi kasi ako nag-iingat," mabilis na sagot ni Tyron, kusa itong tumayo at hindi na nagpatulong sa kanya. "Sasagutin ko lang ang tumatawag sa cellphone ko."

Nagmamadaling naglakad si Tyron palabas ng restaurant nang nakayuko ang ulo. Hiyang-hiya ito sa nangyari samantalang tuwang-tuwa naman siya. Umpisa pa lamang ito ng paniningil niya. Walang-wala ang ginawa niya ngayon kaysa sa ginawa nito at Claire sa kanya sa una niyang buhay.

"I will pay for the damage. And I'm very sorry for what happened." Iniabot niya sa waiter ang kanyang credit card para bayaran ang mga nasayang na wine at nabasag na baso.

"It's okay po, Ma'am. Babayaran niyo naman po ang damage," sagot ng waiter, pagkatapos ay tinanggap nito ang kanyang credit card at iniwan na siya para magbayad sa cashier.

Nakangiting pumihit siya para bumalik sa kanyang upuan ngunit biglang naglaho ang kanyang ngiti nang hindi sinasadya ay napatingin siya sa lalaking nakaupo malapit sa mesa nila. Nakatingin ito sa kanya na tila ba may sinusupil itong ngiti sa sulok ng mga labi nito. Amusement was evident in his face.

Sa tingin niya ay nahalata nito na sinadya niya ang buong pangyayari. Nasaksihan nito ang ginawa niya kaya ito naa-amused. Agad niyang binawi ang kanyang tingin at patay-malisyang nagbalik sa kanyang upuan.

Hindi nagtagal ay bumalik na si Tyron ngunit kasama na nito si Claire at malinis na ang suot nitong damit. Hindi na siya nagtaka dahil noon pagkatapos niyang tanggapin ang wedding proposal ni Tyron ay dumating din si Claire. At ang sabi ay napadaan lang daw ito sa restaurant tapos nakita nito ang boyfriend niya sa labas na may kausap sa cellphone phone kaya nilapitan nito.

"Hi, Claire. What a coincidence. Napadaan ako—"

"Napadaan ka sa tapat ng restaurant at nakita mo ang boyfriend ko sa labas na may kausap sa cellphone niya kaya nilapitan mo siya." Inunahan na niya si Claire sa pagsasabi ng kasinungalingang inimbento nito.

"Yeah. You're correct. How did you know that?" tanong ni Claire na halatadong nagulat, samantalang si Tyron naman ay biglang naging uncomfortable ang hitsura.

"May third eye kasi ako kaya nakita ko nang lumapit ka Tyron," nakakaloko ang ngisi na sagot niya kay Claire.

"Really?" nakangiwing sagot ni Claire when she realized that I'm just fooling her. "Parang ang weird mo yata ngayon, Arielle?"

"Me? Weird? Baka nerd. Hindi ba iyan ang madalas niyong itawag ni Tyron sa akin?"

"Yeah, you're right. May pagka-nerd ka kasi dahil palaging libro ang hawak mo noong nag-aaral pa tayo at para ka ring nerd kung manuot," nakangising wika ni Claire.

Dati ay iniisip niyang biro lang talaga kapag pinagsasalitaan siya nito ng ganyan. Hindi niya alam na lihim pala siyang iniinsulto at pinagtatawanan ng kanyang pinsan. Masyado kasi siyang focus sa pag-aaral noon at hindi siya mahilig maglagay ng makeup sa mukha. Ngunit hindi naman totoong nerd siya manamit. Mas bagay sa kanya ang term na "simple and plain" kaysa sa nerd. Kahit na mayaman kasi siya ay simple lamang siyang manamit.

Hindi siya katulad ni Claire na walang pakialam kahit mabaon pa sa utang ang mga magulang nito basta mabili lamang nito ang isang mamahaling damit at makeup na gusto nito. Kahit na hindi naman sila mapera. Pareho kasing lulong sa sugal ang mga magulang nito kaya hindi umaasenso kahit ilang beses ng tinulungan ng mga magulang niya para umangat sa buhay.

"Stop it, Claire. Huwag mo na ngang biruin si Arielle ng ganyang bagay. Hindi na ako natutuwa," kunwari ay saway ni Tyron kay Claire.

Dati kinikilig siya kapag pinagtatanggol siya ni Tyron sa tuwing binibiro siya ni Claire o inaasar. Ngayon lang niya na-realized na para siyang tanga nang mga panahong iyon. Ang laki niyang tanga.

"Ang suwerte naman ni Arielle sa'yo, Tyron. Napa-protective niyang boyfriend. Bigla tuloy akong nainggit. Sana ay magkaroon din ako ng boyfriend na kagaya niyang total package. Kasi guwapo na, mabait pa, at sobrang mapagmahal sa kanyang nobya," ani Claire, kunwari ay naiinggit ang hitsura nito.

"You're right. Masuwerte nga siya sa akin pero hindi niya tinanggap ang marriage proposal ko." Biglang nalungkot ang hitsura ni Tyron samantalang nagulat naman si Claire at hindi makapaniwala sa narinig. Lihim lamang siyang napaismid. Ngayon ay silang dalawa ang nagmumukhang tanga sa harapan niya dahil alam na niya ang totoong namamagitan sa kanila. Alam na niyang uma-acting lamang sila sa harapan niya.

"Really? Bakit naman, Arielle? Tiyak na magiging perfect husband siya kapag ikinasal na kayong dalawa."

"Ahm..." Kunwari ay nag-isip muna siya ng isasagot bago siya nagsalita. "Siguro hindi talaga para sa akin ang singsing niya. Baka may ibang may-ari niyon at hindi ako. Kung gusto mo ay sa'yo na lamang ang singsing at pati na rin ang boyfriend ko. Hindi ba naiinggit ka sa akin for having a boyfriend like him? Then I will give him to you," seryoso ang mukha na sagot niya.

Gusto niyang matawa nang sabay na namutla ang dalawang kaharap niya at parehong hindi nakapagsalita. Para silang mga naputulan ng dila.

"W-What do y-you mean, A-Arielle?" nauutal na tanong ni Claire, pagkatapos ay nakipagpalitan ito ng makahulugang tingin kay Tyron.

"Of course, it was just a joke!" Tumawa siya para ipakitang hindi siya seryoso sa kanyang mga sinabi at nagbibiro lang talaga siya. "Am I fool para ipamigay ang isang gem na katulad ni Tyron? Siyempre, hindi. Right, Claire?"

"Yeah. You're right again, Arielle," napipilitang sagot ni Claire na biglang nakahinga ng maluwag, pagkatapos ay bigla itong nag-excuse sa kanila. "Excuse me. Pupunta lang ako sa comfort room." Tumayo si Claire at binigyan ng makahulugang tingin si Tyron bago ito naglakad papunta sa comfort room.

Nagkunwari siya na hindi niya napansin ang pagpapalitan ng makahulugang tingin ng dalawa. Wala pang isang minuto ay bigla namang nagpaalam si Tyron na pupunta sa men's room. Ngumiti lamang siya at tumango rito.

Lumapit ang waiter sa kanya at ibinalik ang kanyang credit card. Pagkatapos niyang bigyan ito ng tip ay tumayo siya sa kanyang upuan at nakangiting naglakad papunta sa comfort room para hulihin ang dalawang malalaking daga na tiyak naglalaro ngayon sa loob ng comfort room dahil hindi sila nakikita ng pusa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status