Share

Chapter 10

Hindi alam ni Arielle kung paano niya makukuntak si Gun. Hindi naman kasi ito nag-iwan sa kanya ng calling card or kahit number nito na puwede niyang tawagan. Sabagay, siguradong wala itong calling card dahil isa lamang itong driver. At bakit naman ito mag-iiwan ng number sa kanya para kontakin niya?

Gusto niyang tawagan si Mrs. Chua at itanong ang address ng kaibigan nito na siyang boss ni Gun ngunit pinipigilan siya ng kanyang hiya. Nahihiya siyang magtanong kay Mrs. Chua ng tungkol kay Gun dahil baka kung ano ang isipin nitong hindi maganda sa motibo ng kanyang pagtatanong. Nahihiya rin siya dahil balak niyang piratahin si Gun para magtrabaho sa kanya.

Dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niya ay nagpasya na lamang siyang umalis ng bahay at mag-shopping para mabawasan ang nararamdaman niyang stress sa katawan.

Habang nasa daan ay hindi sinasadyang napasulyap siya sa likuran ng kanyang kotse. Nakita niya ang isang pulang kotse na kanina pa nakasunod sa kanya. Kung hindi siya n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status