Early in the morning ay galit na sinugod si Arielle ng kanyang boyfriend. Hindi na niya kailangan pang tanungin ang dahilan kung ano ang ikinagagalit nito dahil batid niya kung ano iyon. Ngunit nagkunwari pa rin siyang walang alam sa dahilan kung bakit ganoon ang reaksiyon nito nang magtungo sa bahay niya."What's wrong, Tyron? May nakaaway ka ba habang papunta ka sa bahay ko?" inosenteng tanong niya rito."Bakit mo ibinigay ang posisyon mo bilang CEO sa kompanya mo sa iyong abogado? Ano ba ang pumasok diyan sa utak mo at ginawa mo iyon?" namumula sa galit ang mukha na tanong ni Tyron sa kanya."Iyon ba ang dahilan kung bakit galit na nagtungo ka rito?" Seryoso ang mukha na tinitigan niya ito. "Ako ang may-ari ng kompanya kaya may karapatan ako kung kanino ko gusto pansamantalang ibigay ang pamumuno sa kompanya ko."Biglang nag-iba ang anyo ni Tyron. Nabawasan ang galit at madilim na ekspresyon nito sa mukha. Ngumiti ito at lumapit sa kanya, tangkang yakapin siya ngunit mabilis siyang
Hindi alam ni Arielle kung paano niya makukuntak si Gun. Hindi naman kasi ito nag-iwan sa kanya ng calling card or kahit number nito na puwede niyang tawagan. Sabagay, siguradong wala itong calling card dahil isa lamang itong driver. At bakit naman ito mag-iiwan ng number sa kanya para kontakin niya?Gusto niyang tawagan si Mrs. Chua at itanong ang address ng kaibigan nito na siyang boss ni Gun ngunit pinipigilan siya ng kanyang hiya. Nahihiya siyang magtanong kay Mrs. Chua ng tungkol kay Gun dahil baka kung ano ang isipin nitong hindi maganda sa motibo ng kanyang pagtatanong. Nahihiya rin siya dahil balak niyang piratahin si Gun para magtrabaho sa kanya.Dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niya ay nagpasya na lamang siyang umalis ng bahay at mag-shopping para mabawasan ang nararamdaman niyang stress sa katawan.Habang nasa daan ay hindi sinasadyang napasulyap siya sa likuran ng kanyang kotse. Nakita niya ang isang pulang kotse na kanina pa nakasunod sa kanya. Kung hindi siya n
Medyo tinanghali ng gising si Arielle nang araw na iyon. Mataas na ang araw nang bumangon siya sa kama. Agad siyang naligo at pagkatapos ay lumabas para bumaba sa kusina at tingnan kung ano ang pagkaing iniluluto ni Emma. Medyo nakakaramdam na kasi siya ng gutom dahil hindi siya masyadong nakakain last night.Until now ay hindi pa rin nawawala ang disappointment at panghihinayang niya dahil hindi niya nakuha bilang driver-bodyguard si Gun. Ayaw niyang kumuha ng ibang tao lalo pa at hindi niya pa kilala. Wala siyang tiwala sa taong makukuha niya para protektahan siya. Baka masilaw lamang ito sa sa pera kapag inalok ito ng malaking halaga nina Claire at Tyron at sa halip na protektahan siya ay ito pa ang pumatay sa kanya.Although hindi rin niya gaanong kakilala si Gun ay malakas ang pakiramdam niya na kaya siya nitong protektahan sa panganib. At malakas din ang pakiramdam niya na hindi ito kayang suhulan ni Tyron lalo pa at hindi maganda ang pagtatagpo ng dalawa.Nasa hagdan pa lamang
"Here is your favorite milk, Love." Nakangiting inilapit ni Tyron ang isang baso ng gatas sa kanya. Sa paningin niya ay parang ngisi ng isnag demonyo ang hitsura nito. Nakakatakot."Ipatong mo na lang muna sa ibabaw ng mesa at mamaya ko na lamang iinumin pagkatapos kong kumain," sagot niya rito, pilit niyang hindi ipinapahalata sa kaharap na lalaki ang nararamdaman niyang kaba.Umiinom siya ng gamot na inireseta sa kanya ng kaibigan niyang doktor kaya hindi siya puwedeng uminom ng gatas na ibinibigay sa kaya ni Tyron. Kabilin-bilinan pa naman sa kanya ni Kim na huwag siyang iinom ng gatas na iyon habang umiinom siya ng gamot pampaalis ng lason na nasa katawan niya. Kapag uminom daw siya ng gatas habang nagti-take pa siya ng gamot ay magka-clash ang gamot at lason na nasa katawan niya. Malalagay raw sa panganib ang buhay niya kapag hindi siya maagapang maisugod sa hospital."No. I want you to drink this milk right now and after that, I promise I will leave," pagpupumilit ni Tyron. "I w
Nakadama ng kaligayahan si Arielle nang marinig ang sinabi ni Gun sa mga taong nasa loob ng silid. Sabi ni Gun ay bodyguard niya ito? Ibig sabihin ba ay pumapayag ito na maging bodyguard niya? Paano na iyong magandang babaeng kasama nito noon? Pinayagan kaya ito na umalis sa pinagtatrabahuhan nito? Mukhang hindi ang babaeng iyon ang tipo na basta-basta na lamang pakakawalan ang isang katulad ni Gun.Gustong-gusto na niyang masagot ang mga katanungang iyon sa kanyang isipan ngunit batid niyang hindi ito ang tamang oras para rito. Kailangan pa niyang ipaliwanag kay Tyron ang tungkol kay Gun dahil natitiyak niya na hindi ito papayag na maging bodyguard niya si Gun dahil makakasira ito mga plano nila ni Claire laban sa akin."What is this, Arielle? Bakit sinasabi ng lalaking ito na bodyguard mo raw siya? Kailan ka pa nagkaroon ng bodyguard at bakit hindi ko alam ang tungkol sa bagay na ito?" galit na sita sa kanya ni Tyron. "Calm down, Tyron. I hired him because I need a bodyguard who ca
Dalawang araw lamang sa ospital si Arielle at pinayagan na siya ni Kim na siyang doktor niya na doon na lamang sa bahay niya magpagaling. At sa loob ng dalawang araw na iyon ay sinamahan siya ni Gun at hindi iniwan. Umuwi lamang ito sa bahay nito para kumuha ng damit at personal na gamit."Kapag nakabalik na si Gun ay samahan mo na lamang siya sa kanyang magiging silid, Emma. Iyong katabing silid ng kuwarto ko ang ibigay mo para mas madali niya akong mapupuntahan kapag kailangan ko siya," tugon niya sa maid. Baka kaso biglang dumating si Gun at natutulog siya ay hindi alam ng dalawa niyang maid kung aling silid ang ipapagamit sa lalaki habang nagtatrabaho ito sa kanya."Yes, Ma'am Arielle," sagot ni Emma, pagkatapos ay tinapunan siya nito ng nanunuksong ngiti."Anong ibig sabihin ng ngiting iyan, Emma?" Parang nahuhulaan na niya kung ano ang iniisip nito. "Talaga bang driver-bodyguard mo lang si Gun, Ma'am Arielle? Hindi mo siya manliligaw? Alangan kasi sa kanya ang maging driver-body
"Anong ibig mong sabihin, Arielle? Ang boyfriend mo ang nagtatangkang pumatay sa'yo? Siya ba ang lumason sa'yo kaya ka na-ospital?" nakakunot ang noo na tanong ni Gun sa kanya. Ang totoo ay hindi niya sinasadyang marinig ni Gun ang pangalang binanggit niya. Akala niya ay sa isip lamang niya sinagot ang tanong nito ngunit hindi pala."Just forget what I said, Gun," mabilis niyang wika rito. Bagama't may tiwala siya rito ngunit hindi pa siya handang sabihin sa kanya ang tungkol kina Tyron at Claire."Forget it? Pagkatapos mo akong bitinin sa curiosity ay sasabihin mong kalimutan ko ang sinabi—"Medy napataas ng boses ni Gun kaya nagmamadaling tinakpan niya ng kanyang kamay ang bibig nito para hindi na ito makapagsalita. Nangangamba siya na baka marinig ng dalawa niyang maid ang mataas nitong boses at natitiyak niya na magtataka silang dalawa."Lower your voice." Kinausap niya ito sa mahinang boses habang ang isang palad niya ay nananatiling nakatakip pa rin sa bibig nito. May pag-aalal
Napansin ni Arielle na hindi siya masyadong kinakausap ni Gun nitong magmula kagabi. Siguro ay galit pa rin ito sa kanya dahil iniisip nitong pinanigan niya si Tyron kaysa sa kanya. Hindi sila masyadong nakakapag-usap kaya hindi niya tuloy mabanggit sa kanya ang kasal. Baka bigla na lamang itong magtaka kapag dumating ang ina at kapatid ni Tyron para pag-usapan ang kasal nila."Bakit po hindi kayo masyadong nag-uusap ni Gun, Ma'am Arielle? May LQ po ba kayo?" nanunuksong ang tono na tanong sa kanya ni Emma habang tinutulungan niya ito sa paghahanda ng kanilang pananghalian. Wala si Laura nang araw na iyon dahil day off nito kaya siya na ang tumulong kay Emma sa paghahanda ng lunch nila."He just misunderstood me last night, Emma. Pero hayaan na lang natin siya. Mawawala rin ang toyo niya," nakangiting sagot niya sa kanyang maid. Hindi na niya pinagtuunan ng pansin ang "LQ" na sinabi nito na ang ibig sabihin ay lover's quarrel. Wala naman silang relasyon ni Gun kaya walang LQ na nangya