Share

Chapter 5

Naglalakad si Arielle papunta sa kuwarto nilang mag-asawa. Para bang may malakas na puwersa ang nag-uutos sa kanya na buksan ang pintuan ng kanilang silid.

Binuksan nga niya ang pintuan ng kanilang kuwarto at laging gulat niya nang makita sina Claire at Tyron na parehong walang suot na damit at nagpapakasaya sa makamundong kaligayahan.

Gusto niyang sugurin ang dalawa ngunit tila may mga kamay ang pumipigil sa kanyang mga binti para hindi siya makalakad. Naramdaman ng dalawa ang presensiya niya kaya tumigil sila sa ginagawa nila at humarap sa kanya.

Sa halip na hitsurang guilty ang kanilang expression ay nakangisi pa sila sa kanya. Para bang sinasabi sa kanya ng kanilang ngiti na sobrang tanga siya dahil nagpakasal siya sa lalaking may ibang mahal.

Nagtaka siya kung bakit biglang nag-iba ang sitwasyon ngunit nasa loob pa rin siya ng silid nila. Ang kaibahan nga lang ay nakaupo na siya sa silya habang nakatali ang kanyang mga paa. Ang mga kamay naman niya ay mahigpit na hawak ni Tyron.

"Lalagyan ko ng tattoo ang mukha mo, Arielle. Tiyak mas lalo kang gaganda sa tattoo na ilalagay ko," nakangising wika ni Claire sa kanya habang hawak sa kamay ang isang matalim na gunting.

"No! Please, no!" malakas niyang sigaw nang unti-unting inilapit ni Claire ang dulo ng gunting sa kanyang pisngi. Napasigaw siya ng malakas sa pagguhit ng matinding hapdi sa kanyang pisngi nang mariing hiniwa ni Claire ang  kanyang balat gamit ang matalim na gunting. "Noooo!!!"

Biglang naimulat ni Arielle ang mga mata niyang nanlalaki at iginala iyon sa kanyang paligid. Agad na sinalat ng kanyang kamay ang pisngi niyang ginuhitan ni Claire ng malaking letter "X". Nakahinga siya ng maluwag nang makitang nag-iisa lamang siya sa kanyang silid at makinis pa rin ang kanyang pisngi.

"Thanks God, it's just a nightmare," hindi napigilang bulalas niya. Dinama ng kanyang kamay ang ibabaw ng kanyang dibdib. Ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Kasing-bilis ng tibok ng kanyang puso sa loob ng panaginip niya.

Bumangon siya sa kama, bumaba at nagtungo sa kusina. Kumuha siya ng malamig na tubig at sinaid ang laman. Saka pa lamang kumalma ang kanyang nagwawalang puso matapos niyang makainom ng malamig na tubig.

Sa halip na bumalik agad sa kanyang silid ay naupo muna siya sa sofa na nasa living room. Magmula nang mag-time travel siya six months bago ang wedding day nila ni Tyron ay madalas na siyang dalawin ng bangungot na nangyari sa kanya sa una niyang buhay.

Hindi niya napigilan ang tahimik na lumuha. Kahit wala na siyang sugat sa kanyang mukha ay tila ramdam pa rin niya ang hapdi habang hinihiwa ni Claire ng gunting ang kanyang balat.

Mahigpit na naikuyom niya ang kanyang mga kamao. Ipinapangako niyang magbabayad sila sa ginawa nilang pananakit sa kanya physically at emotionally.

Nang tuluyang kumalma ang pakiramdam niya ay nagpasya siyang magtungo sa maliit na gym na nasa gilid ng bahay niya. Doon palaging nagi-exercise ang Dad niya tuwing umaga. Nagpasya siyang mag-exresice na lamang dahil hindi na rin naman siya makakabalik sa pagtulog. Alas singco na rin ng umaga at kailangan niyang magising ng maaga dahil pupunta siya sa kompanya niya na iniwan sa kanya ng mga magulang niya. Ang kompanya na naging dahilan para pagtangkaan siyang patayin nina Tyron at Claire.

Ang Simpson Real Estate and Development ay pinaghirapang itatag at palakihin ng mga magulang niya. Dugo at pawis ng mga magulang niya ang puhunan para ito mapalago kaya hindi siya papayag na mapunta ito sa kamay ng mga taong ganid at maiitim ang budhi na katulad nina Tyron at Claire. At ipinapangako niya na poprotektahan niya ang kompanya kahit anong mangyari

Maliwanag na ang paligid nang matapos siyang mag-exercise. Umakyat siyang muli sa kanyang silid at naligo. Habang namimili siya ng damit na isusuot sa pagpasok sa trabaho ay napakunot siya ng noo. Medyo old fashion nga ang mga damit niya kaya siua sinasabihan ni Claire na nerd.

Isinarado niya ang kanyang closet at nilapitan ang isa pa niyang closet kung saan naroon ang mas maayos niyang mga damit na hindi pang-old fashion. Kahit na may mga ganoon siyang damit ay hindi niya sila isinusuot. Binili lamang niya ang mga ito dahil nagustuhan niya ngunit wala siyang lakas ng loob na magsuot ng mga ganoong klaseng damit. Ngunit hindi na ngayon. Hindi na siya ang dating Arielle. Kaya na niyang magsuot ngayon ng mga damit na katulad ng isinusuot ni Claire.

Pinili niyang isuot ang damit na simple ngunit sexy pa rin at hindi old fashion ang dating. Paglabas niya sa kanyang silid ay parehong gising na ang dalawang katulong sa bahay niya na sina Emma at Laura. Nagulat at hindi nila napigilan ang kanilang mga sarili na humanga sa kanyang bagong hitsura.

"Wow! Ang ganda mo naman, Ma'am Arielle. Tiyak na mas lalong mai-in love sa'yo si Sir Tyron kapag nakita niya ang hitsura mo ngayon!" bulalas ni Emma. Tuwang-tuwa ito sa nakikitang pagbabago ng kanyang hitsura.

"Totoo ba iyan o binobola mo lang ako?" nakangiting biro ko sa kanya. Hindi na lamang niya pinansin ang huling sinabi nito dahil ayaw niyang masira ang kanyang umaga.

"Nagsasabi siya ng totoo, Ma'am Arielle. Tiyak na maiinggit sa'yo si Ma'am Claire kapag nakita niyang mas maganda ka kaysa sa kanya," nakatawang sabi naman ni Laura.

"Okay. Naniniwala na ako sa inyo. Maghanda na kayo ng almusal dahil kakain na tayo."

Nakangiting tumalikod ang dalawa at naghain ng pagkain sa mesa. Tatlo lamang sila sa bahay kaya sabay-sabay sila kung kumain.

Habang kumakain siya ay dinulutan siya ni Laura ng isang basong gatas. Tuwing umaga kasi ay gatas ang iniinom niya sa halip na tubig. At ang gatas na iyon ay si Tyron ang bumibili. Ibinilin din nito sa mga katulong na siguraduhing umiinom siya ng gatas sa umaga.

"Your milk, Ma'am," sabi ni Laura na pa-English pang nagsalita. Gumagaya kasi ito sa kanya na madalas ay kinakausap sila ng English language.

"I want water, Laura. From now on, I will drink water every morning instead of milk, okay?" Nagsalin siya ng tubig sa baso at ininom iyon bago muling nagsalita. "Kapag magtanong si Tyron kung umiinom pa ba ako ng gatas sa umaga ay sabihin niyo na lang na oo. Every morning ay magtapon na lamang kayo ng isang baso sa sink para mabawasan ang laman ng kahon. At huwag na huwag kayong iinom ng gatas mula sa binibili ni Tyron. Understand?"

Kahit na mukhang naguguluhan ang dalawa sa kanyang ikinikilos ay tumango pa rin ang mga ito at hindi na nagtanong pa kung bakit.

Eksaktong katatapos pa lamang niyang mag-toothbrush nang marinig niya ang busina ng kotse ni Tyron mula sa labas ng bahay niya. Walang pagmamadali na lumabas siya ng banyo at dinampot ang kanyang itim na handbag pagkatapos ay lumabas na siya ng bahay.

Alam niyang sa front seat  nakaupo si Claire dahil una itong sinusundo ni Tyron bago siya pinupuntahan at palaging sa backseat siya nakaupo ngunit ang pintuan sa front pa rin ang kanyang binuksan.

"Wow! You look gorgeous, Arielle! I never thought na ganyan ka pala kaganda kapag nag-aayos ng mabuti at hindi pang-old fashion ang suot mong damit," papuri ni Tyron sa kanya nang makita nito ang kanyang hitsura pagbukas niya ng pintuan. Sa unang pagkakataon ay totoong nakitaan niya ng paghanga sa kanya ang mukha nito.

Gaya ng inaasahan niya ay sa front seat nga nakaupo si Claire. Alam niyang nabigla ito nang makita ang kanyang hitsura ngunit magaling itong magtago kaya hindi niya nakita ang pagkabigla sa mukha nito.

"Thank you." Binigyan niya ito ng matamis na ngiti pagkatapos ay tumingin siya kay Claire. "Can I sit here, Claire? Noong isang araw kasi ay tinanong ako ng ilang employee ng kompanya tungkol sa ating tatlo. Sino raw ba ang girlfriend ni Tyron sa ating dalawa? Nang sinabi kong ako ay tila hindi sila naniwala. Ikaw raw kasi ang palaging nakaupo sa front seat at ako naman ay sa unahan."

Lihim siyang napangiti nang biglang sumimangot si Claire ngunit agad ding naglaho nang makitang masama ng tingin ni Tyron sa kanya. Walang imik na bumaba si Claire sa kotse at lumipat sa backseat.

"Palagi ka kasing sa backseat umuupo kaya hindi tuloy sila naniniwala na ikaw ang girlfriend ko," ani Tyron nang makaupo na ako sa upuan na inalisan ni Claire.

"Don't worry, Sweetheart. From now on, dito na ako mauupo para hindi nila pag-isipan na may relasyon kayo ni Claire," nakangiting sagot niya kay Tyron. Pagkatapos ay nakangiting nilingon naman niya si Claire. "Is it okay if always sit here, Claire?"

"Yes. Of course," mabilis na sagot ng kanyang pinsan.

Agad niyang ibinalik sa harapan ang kanyang paningin ngunit sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang pasimpleng tinapunan ni Tyron ng nagbabantang tingin sa rearview mirror si Claire.

Lihim na nagdiwang ang kalooban niya. Batid niya na nagkukulot ngayon ang kalooban ni Claire sa labis na inis sa kanya ngunit hindi ito makapalag sa takot na makahalata siyang peke lamang ang ugaling ipinapakita nito sa kanya.

Mamatay ka sa inis dahil hindi lamang ito ang huling beses na maiinis ka sa akin, Claire. Dahil palagi kitang gagalitin hanggang sa hindi mo na makayanan ang inis mo at ipakita mo sa akin ang tunay mong kulay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status