Share

Chapter 83

Pumayag si Tyron sa kagustuhan ni Arielle na mag-iba ng silid. Sa maliit na guestroom siya natulog dahil ang dating silid niya noong wala pa siyang asawa ay si Lucy na ang umuukopa at ang malaking guestroom ng bahay niya ay si Cynthia naman ang natutulog. Kahit na maliit ang silid niya ngayon ay mas gusto niyang doon na lamang matulog kaysa katabi sa higaan ang isang demonyo.

Nang gabing iyon ay hindi agad siya nakatulog. Umupo siya sa harapan ng vanity mirror at tiningnan ang peklat sa kanyang mukha. Ikinuyom niya ang kanyang mga kamao. Kung ano ang ginawa ni Claire sa kanya ay iyon din ang gagawin niya sa mukha nito.

Umangat ang kamay niya at hinaplos ang peklat sa kanyang pisngi. Habang nakikita niya ang peklat na iyon ay palaging magniningas ang apoy ng pagkamuhi sa kanyang dibdib.

Nagpasya siyamg maligo para mapreskuhan ang kanyang buong katawan. Apat na buwan siyang comatose kaya apat na buwan din siyang hindi naligo. Halos dalawang oras din siyang nanatili sa loob ng banyo ba
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status