Share

Chapter 53

Alex's Pov

Pagkapasok ko sa loob ng bahay namin ay nagulat si Alexa nang makita niya akong pumasok sa pintuan ng bahay namin. Agad niya akong sinalubong para usisain kung bakit ako narito sa bahay.

"O bakit ka nandito, Alex? Nabuko ba ni Uriel na nagpapanggap ka lamang at pinalayas ka niya?" nag-aalalang tanong sa akin ni Alexa sa mahinang boses. Nagpalingon-lingon pa ito sa paligid at siniguro na walang nakarinig sa kanyang sinabi maski si Mama. Inilihim lang kasi namin sa mga magulang namin ang ginawa naming pagapalit muli ni Alexa dahil siguradong hindi nila kami papayagan lalong-lalo na si Mama.

"Siyempre, hindi. Nagpunta ako rito para sabihin sa'yo ang good news na dala ko," nakangiti kong sagot sa kanya. Ayokong mahalata niya na hindi ako masaya kaya sinigurado ko na masaya ang ekspresyon na nakalarawan sa mukha ko kahit na ang totoo ay nagdurugo ang puso ko.

"Talaga? Ano ang good news na dala mo?" nanlalaki ang mga mata na tanong ni Alexa. Halatado sa mukha nito ang excitement
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status