Share

Chapter 121

Sa sinabing ito ni Chen, biglang bumukas ang pintuan at niluwa ang taong sinasabi nitong mastermind. Kumunot ang noo niya nang makita ang mukha nito at napailing-iling!

"Ang step-brother mo."

Tama! May isa pa pala siyang step-brother, ang kapatid ni Lorenzo. Ang buong akala niya ay nasa ibang bansa ito at wala itong pakialam sa mga nangyayari, pero bakit ngayon?

"Hi, sis."

Hindi siya nakasagot. Para siyang binuhusan ng tubig. Kung takot siya kay Lorenzo, mas takot siya rito. Pero noon ito, hindi na ngayon!

"Nagulat ka? Tingin mo napatawad kita nung nagbigti si Lorenzo dahil sa 'yo? Plus, pinakulong mo pa ang aking ama. Tingin mo ay mananahimik na lang ako habang-buhay, Ffion? Nagkakamali ka aking mahal na kapatid. Dahil mayamaya lang ay darating dito ang mga taong pinakulong mo."

No! Ibig niyang sabihin ay?

"May binayaran akong mga tao para makalabas ang aking ama sa kulungan na pinaglagyan mo, babae!" Hinaklit nito ang pisngi niya at masakit iyon. Madiin din ang pagkakahawak nito at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status