NAMUMULA pa rin ang mukha ni Ffion habang inaayos ang sarili. Tapos na siyang magpalit ng damit pambahay at magluluto na siya ng hapunan nila sa gabing iyon. Pero hanggang ngayon namumula ang kaniyang magkabilang pisngi sa tuwing lumilitaw ang mainit na tagpo nilang mag-asawa kanina sa ilalim ng Indian almond tree.Hindi pa rin tumitila ang ulan sa labas at wala yata itong planong tumigil sa kakabuhos. Kaya tuloy pakiramdam ni Ffion, nakisabay ang ulan sa naramdaman niya para sa kay Adi. Walang planong tumigil. "Ffion?""H-ha?" Awtomatikong napalingon siya sa asawa. Nakatapis lang ito ng tuwalya at bagong ahit.Wait! Bagong ahit? Tila huminto saglit ang kaniyang mundo nang mapansin wala itong balbas. Biglang bumata ang mukha ni Audric nang limang taon.Ando'n na naman ang pamilyar na tibok ng kaniyang puso. Mas lalo siyang nainlove! Ang gwapo talaga ng kaniyang asawa kahit saan ito tingnan anggulo. Kahit noong mahaba ang balbas nito ay gwapo pa rin ito, pero hindi niya ikakaila na ma
Halos hindi makabangon si Ffion kinabukasan. Masakit ang kaniyang buong katawan. Para siyang binugbog! Lalo na ang ibabang parte ng kaniyang katawan. Namamanhid at masakit ito."Wife?"Napalingon siya. Gising na rin si Audric at bumangon ito. Wala itong saplot sa katawan. Ang totoo niyan, buong gabi siyang inangkin ni Adi. Pagkatapos siyang gawin dessert nito, tinulungan siya nitong maghanda sila ng dinner. Pero pagkatapos nilang mag-dinner, inangkin na naman siya ng asawa sa kanilang silid. Walang sawa."You okay?""M-masakit, Adi." Nahihiyang anas niya sa asawa.Natawa naman ito pero bigla rin nagseryuso. Tumikhim pa ito ng tatlong beses na para bang pinipigilan ang tawa nito. Gusto niya tuloy tanungin ang lalaki kung anong nakakatawa?"Sorry wife." Umayos ito at mabilis na naglambing sa kaniyang balikat. Binigyan siya nito ng mga munting halik sa leeg."Ah, Adi! Alam ko saan 'yan pupunta!" Nag-panic ang kaniyang boses.Ang lakas naman ng halakhak na pinakawalan nito. "Sorry, sorry!
SA LOOB NG DALAWANG LINGGO, pinaramdam sa kaniya ni Audric na may halaga siya sa buhay nito. Na isa sila ganap na mag-asawang nagmamahalan sa loob ng isang bubong.Magkayakap silang matutulog, sabay rin silang gigising. Minsan nga, pilyo si Audric, sumasabay ito sa kaniyang maligo tapos laging nauuwi sa isang mapusok na pag-aangkin sa kaniyang katawan.Hindi niya na mabilang kung ilan beses siya angkinin ni Audric sa isang araw. Para itong walang kapaguran. Halos hindi niya na magawa ang kaniyang nga resin projects na pinagkakabaalahan noon dahil mas gusto nito ay magkasama sila lagi.Dinadala rin siya nito minsan sa music room at tinutugtugan ng piano habang katabi ito. Kahit paano, masaya si Ffion na makitang wala ng bakas ng kalungkutan ang gwapong mukha ng asawa.Kapag nakikwento ito sa kapatid nitong Abram, hindi na ito masyadong naapektuhan. Nag-oopen na rin ito sa kaniya at higit sa lahat, araw-araw siya nitong niyayakap at hinahalikan.Naging instant clingy si Audric sa kaniya
"Huwag?!" Napabalikwas ng bangon si Ffion. Ang sama ng panaginip niya! Damang-dama niyang totoo ang nakita niya at may namuo pang luha sa gilid ng kaniyang mata."Hey-hey? You okay, wife?" Mabilis naman siyang dinaluhan ni Audric na nagising din sa kaniyang tabi."W-wala. Masamang panaginip l-lang." "Anong panaginip ba?"Hindi siya napakibo. Pinunasan lang niya ang luhang kumawala sa kaniyang mata. Sasabihin ba niya rito, na ang laman ng kaniyang panaginip ay ito at si Ivony? Magkasama raw ang dalawa at nagpakasal sa simbahan. Habang siya, tuluyan tinalikuran ni Audric.Parang pinagsaksak ang puso niya sa sakit. Kahit panaginip, naapektuhan pa rin siya."N-nakita ko si M-mommy at Daddy." Mas pinili niyang magsinungaling. Mas mabilis iyon keysa ang sabihin dito ang totoo.Kaagad naman siyang niyakap ni Audric pinapakalma sa dibdib nito. Dama ni Ffion ang malakas at normal na tibok ng puso ng asawa at kahit papaano, kumalma siya.Winakli na lang niya sa isip ang masamang panaginip na i
MATAMANG nakaupo si Ivony sa upuan gaw sa rattan. Nasa veranda siya naghihintay na bumalik ang lalaki at ang asawa nitong si Ffion.Isang oras na siyang naghihintay at naglalaro sa kaniyang utak ang pwedeng sabihin kay Audric. This is bullshit?! Pero anong magagawa niya? Wala na, sirang-sira na ang kaniyang imahe. Nakausap niya si Donya Vilma, ang ina ng lalaking mahal niya. Yeah, she admit it. Mahal niya pa rin si Audric. In fact, wala siyang pinalit dito dahil ito naman talaga ang nag-iisang lalaki sa kaniyang puso. Pero mas okay kung magpapaopera muna ito ng mata bago sila magbalikan! She hate the idea of it. Bantayan ito. Tanggap pa rin siya ng Donya at masaya ito nung sinabi niyang buntis siya at si Audric ang Ama. Katunayan, gusto nitong sumama sa kaniya papunta rito sa San Mateo but she insisted na siya na muna at marami silang pag-uusapan ni Audric.Wala siyang paki kung hanggang langit ang galit ng lalaki 'coz she's damn mad after all! Kung kailan sila naghiwalay, dito nagb
"Ffion.""H-ha?" Nagtaas siya ng tingin. Nakatingin si Audric sa kaniya habang nakalahad ang kamay. "Akin na ang kamay mo."Dahan-dahan naman niyang inabot ang kamay rito at mahigpit na hinawakan iyon ni Audric. Inalalayan siya nitong tumayo at Ilang segundo silang gano'n. Para bang nasa isang pelikula sila kung saan inaabot ng leading man ang kamay ng babaeng bida..."Audric!""Shut up, Ivony!"Nagitla siya sa lakas ng boses ni Audric. Natakot siya pero nawala ang takot na iyon nung hapitin siya ng lalaki at niyakap papalapit sa katawan nito. Para bang pinaparamdam nito sa kaniya na huwag siya dapat mag-alala. Na hindi siya nito ipapagpalit. Na kahit anong mangyari, siya pa rin at siya pa rin ang pipiliin nito. "Then... Then what about me?!" "Go fuck yourself. Tingin mo maniniwala ako diyan sa mga kasinungalingan pinagsasabi mo?" May bahid na insulto ang boses ni Adi nang sambitin ang mga salitang iyon. "You can't fool me, Ivony. Pwede ka ng umalis." Saka hinila ni Audric ang kan
Napakuyom ng kamao si Lorenzo habang pinagmamasdan ang sasakyan ng kaniyang babaeng mahal pero hindi niya maangkin-angkin. Nasa San Mateo siya at kalayuan habang nakasunod sa dalaga. "The hell, Ivony!" Nasuntok niya nang malakas ang manibela. Sinadya niyang ipagkalat ang larawan ng babae sa inaakalang sa kaniya ito kakapit pero mukhang mali ang kaniyang naging desisyon.Puta! Gusto niyang magwala pero walang magawa ang kaniyang galit. Sa sobrang hanga niya sa babae, hindi niya magawang lapitan ito. Para siyang anino na nanatili lang sa madilim pero laging nakasunod sa dalaga."Kailan mo ba ako mapapansin, Ivony? Kailan? Kaya kong tumayong ama sa anak niyo ng pesteng lalaking iyan!" Napasigaw siya sa galit. Ilang beses niyang pinagsusuntok ang manibela sa naramdamang inis at galit. "Halos buong flower shop sa Maynila binili ko na, kakapadala ng mga bulaklak sa 'yo! Mga love letter at kung anu-ano pang regalo pero putangina! Hindi mo pa rin ako magawang lingunin man lang. Ilang beses
NAPANGITI si Ffion nung magmulat siya ng mata. Ang sarap ng gising niya! Kanina lang ay masaya silang nagsasayawan sa sala ni Audric. Napuno pa nila ng halakhakan na para bang walang nangyari kahapon.Hindi niya namalayan na nakatulog siya sa kanilang silid pagkatapos nilang kumain ng almusal. Maliligo na sana siya nung hilain siya ng kama para matulog.Mabilis napatingin ang kaniyang mata sa orasan. Nasapo na lang niya ang noo at mabilis na tinakbo ang banyo para mabilisan maligo. Apat na oras siyang tulog! Kailangan niyang maghanda ng lunch nila mag-asawa.Isang bestidang hanggang tuhod ang kaniyang piniling suotin nung matapos siyang maligo. Tinali niya rin ang buhok kahit basa pa ito matapos suklayin.Kaagad niyang hinagilap ang tsinelas at nagmadaling lumabas ng silid. Nakuha pa niyang sumilip sa dalawang silid na laging pinagkakabaalahan ni Audric. Nakita niyang wala ang asawa sa art room at music room. Marahil, nasa veranda ito at nagpapahangin.Mabilis niyang tinakbo ang hagda