INIS NA BINAGSAK ni Ffion ang hawak na dokumento nang sabihin sa kaniya ni Chen na hindi tinanggap ni Audric ang proposal niya. Kung sabagay, ano pa ang kaniyang inaasahan. Alam niyang mahirap pasukin ang kompanya nito pero paano kaya kung siya ang humarap? Why not? Pwede rin. Siya na ang haharap dito at baka sakaling magbago ang isip nito. Kahit naman kasi hindi na mag-invest ang malaking pangalan ng DaVilla, okay lang naman. Andiyan naman ang Malcogn Enterprises, Fortocarerro, Legrand, Willoughby... Iilan lang 'yan sa mga bigatin at sikat na mga apelyido ng mga business man dito sa Pinas! Hindi lang naman ang Villanueva ang mayaman.Kaagad siyang nagpaalam kay Chen at may pupuntahan siya. Sa ngayon ay nag-lie low muna siya sa pangdidisturbo sa Amain niya. Kunwari, pinaramdam niyang natakot na siya at hindi niya na ito gagambalain. Pero ang totoo, kumukuha lang siya ng matibay na ebedensya laban dito. Uunahin lang naman niya itong ipasok sa kulungan para mabawi ang La Grande. May n
Lumapit ang dalawang waiter sa kanila at binigyan sila ng menu. Namili siya ng mga mamahalin na pagkain tutal isa itong selebrasyon. Pumili rin ang mga ito pero alam niyang mabigat sa kalooban ang bawat pagkain na binanggit ng mga ito sa waiter. Habang si Lucas, tahimik lang ito sa kaniyang tabi. Steak at wine lang ang pinili nito."That's all your order, Ma'am?" Tanong ng isang waiter kay Ivony."Um, wait! Ihain mo sa kaniya ang pinakamahal na pagkain sa menu niyo. She's my company model by the way. And as her C.E.O, I should treat her with care and kindness." "Noted Ma'm."Mabilis na umalis ang mga ito at naging tahimik ang paligid. Walang nagsalita. Walang umimik. Parehong nagpapakiramdaman. Ganito ang set up nila, si Audric at Ivony ay magkatabi. Habang ang matandang Vilma at kabit nitong si Pol ay magkaharap bawat dulo. Halatang ayaw magtabi. Ayaw malaman ng anak na may kabit.Natatawa siya sa likod ng kaniyang utak. Paano pa kaya kung sabihin niya ngayon ng harap-harapan? Eh, '
"I did an autopsy and you know what's the results? Ito!" Pinagkakalat niya lahat sa mesa ang laman ng folder. Kasama ang buto-butong larawan ng kaniyang Ina. Baka sakaling makonsensya ang walang hiyang amain niya. "Kitang-kita sa resulta na nilason ng Ina mo at Amain ko ang aking Ina, Audric. Sige, ipagtanggol mo!"Nagtagis naman ang bagang ni Audric. Hindi nito magawang mag-react sa nangyayari. Nalilito. Naluluha. Inabot ng kamay nito ang larawan ng anak niya pero kaagad niyang binawi iyon! Wala itong karapatan na hawakan ang kahit anong larawan ni Gabriella! Wala."T-totoo ba?! Totoo ba ang sinabi ni Ffion! Totoo ba na pinatay niyo ng lalaki mo ang Ina ni Ffion?!" Namumuot ito sa galit. Napakuyom ng kamao. Nanatili itong nakaupo. Hindi niya na mabasa ang emosyon nito. Nakakamatay ang titig na binigay nito sa Ina nito habang si Ivony ay mabilis na umalis doon na hiyang-hiya at namumula mula sa sampal na ginawad niya.Tsk!Okay lang, umalis ito. Marami pang panahon at araw. Magkikita
NANGINGINIG na binuksan ni Audric ang email na galing sa bagong P.I na kaniyang kinuha. Isa itong address ng private cementery at ilang mga larawan. Malapit lang ang cementery na sinasabi sa email at pwede niya itong puntahan ngayon. Nasa loob siya ng kaniyang sira-sirang silid ngayon at wala pa siyang tulog. Tirik na tirik na ang araw pero napakailap ng tulog para sa kaniya. mahirap matulog. Nakaupo lang siya sa isang tabi habang puno ng kalat ang kaniyang buong silid.Saka niya na haharapin ang dating P.I, may paglalagyan ito sa kaniya. Lalo na si Ivony at ang kaniyang Ina. Ang kaniyang Ina na inakala niyang kakampi niya sa lahat pero nagawang lokohin ang Ama niya ng harap-harapan.Napailing siya at napakuyom ng kamao. Kaya pala gusto ng Ina niya na makapasok ang La Grande sa DaVilla, pero palagi niya itong hinahadlangan. Noon una, nagkaroon na siya ng hinala nung makita niya itong kausap ang amain ni Ffion pero dahil malaki ang respito niya sa Ina at alam niya kung gaano nito pina
"MS. FFION, may gusto pong kumausap sa inyo." "Sino?""The name is Amazi Villanueva."Saglit siyang natigilan. Expected niyang lilitaw isa sa mga araw na ito si Amazi or tatawag. Huminga siya ng malalim at sinabi kay Chen na papasukin ang binata sa loob ng kaniyang opisina.Pagkaraan sandali ay pumasok na ang binata, may dala itong iba't ibang klaseng succulents na tinatawag na succulents dish garden. Nagkulay rosas agad ang mga mata niya at mabilis na nilapitan ang binata."Succulents!"Ngumiti ito at inabot sa kaniya. "Para sa 'yo, Ffiony.""Wow! Thanks." Kaagad niya itong kinuha at dinala sa table. Ang ganda naman ng bungad ng umaga niya ngayon! Kahapon lang ay napadalhan na ng warrant of arrest ang amain at dinakip na ito, at ngayon itong succulents naman.Nakakamiss din pala mag-alaga ulit ng mga halaman at mapaligiran ng mga ito. Makita at maamoy, at paminsan-minsan ay nakakausap.Biglang may kung anong kumudlit na alaala sa kaniya nung nasa San Mateo at Baguio siya. Kaagad ni
Hindi nakaimik si Audric sa malakas na sampal na kaniyang binigay. Nabaling ang mukha nito at makhang gusto pa nito ng isa sa kaniya. Ang kapal naman ng mukha nitong magpakita sa kaniya at pumasok nang walang pahintulot. Trespassing ang ginagawa nito."You have 2 second para mawala sa harapan ko, Mr. Villanueva." May diin ang kaniyang boses."Ffion, let's talk please?""Nag-uusap na nga tayo, at iyan ay ang pinapaalis kita! Alis!" Lumakas ang boses niya. Kung pwede lang sigawan at murahin ito, ginawa niya na pero dahil professional siyang tao, at kahit papaano... Alam niya kung paano ilugar ang galit.Ilan sa mga employee niya ay nagkunwaring walang pakialam. Ang iba naman ay mabilis na umiwas sa takot na baka madamay sa galit niya habang si Chen ay nasa kaniyang likuran pero may isang dipa ang layo. Nag-aalala pero nanatiling kalma."I... I already talked my mother. Pagbabayaran niya at ni Ivony ang ginawa nilang sakit sa 'yo, Ffion. Pinapangako ko 'yan."Ang lakas naman ng tawa niya
"HINDI ako makakapayag na sirain nang tuluyan ng walang-hiyang babaeng iyon ang lahat ng pinaghirapan ko!" Galit na sigaw ni Ivony. Naiiyak siya sa sobrang galit. Halos hindi niya kayang lumabas sa publiko dahil sa kagagawan nito! Nandito siya ngayon sa condo niya at ilang araw ng nagtatago. Mistula siyang nasa impyerno. Hindi niya matanggap ang kahihiyan dinulot ni Ffion! Ang sampal na binigay nito! Ang masasakit na salitang galing kay Audric. Lahat! Lahat ng mga ito ay hindi niya matanggap.Wala rin siyang lakas ng loob na buksan ang kaniyang email's and natatanggap na mga hate messages. Mas lalo lang nanlulumo ang sarili niya! Bullshit talaga.'Bitch! That Ffion is such a b*tch! In the first place, she was the cause of this. This wouldn't have happened if she hadn't blinded Audric. My career won't be destroyed. Hayop talaga siya. Never in my life would something like this happened kung hindi dahil sa kaniya! You are such a b*tch, Ffion! Mamatay ka na! Mamatay ka na. I will never a
HALOS umusok ang ilong ni Ffion nang malaman kay Chen ang nangyaring paghuli kay Ivony sa unit nito. Nagmamadaling kinuha niya ang susi at saka tinawagan si Lucas, tinanong niya rito kung saan police station naka-detain si Ivony. "Chen, sumama ka sa 'kin." Mabilis naman na tumango ang babae at kaagad na niligpit ang ginawa at sumunod sa kaniya papuntang elevator. Nagkukuyos ang loob niya habang nasa loob sila ng elevator dalawa ni Chen. Humigpit din ang hawak niya sa susi at cellphone sa kaniyang kamay.'How dare you na pangunahan ako Audric! Kung sa inaakala mong natutuwa ako sa ginagawa mong ito, pwes, nagkakamali ka!Ano 'to, hugas kamay? Dapat pinakulong mo rin sarili mo.'Nang marating ang main floor, tinungo niya agad ang sasakyan sa parking lot at pumasok doon. Naiinis na pinagana niya ang makina habang tahimik lang sa tabi niya si Chen.Nang marating ang nasabing police station, nakita niya roon si Audric kausap ang isang Pulis na tingin niya ay mataas ang rangko."Audric!