MALAPAD at matamis na ngiti ang sumilay ulit sa mga labi ko nang matapos ang mainit at puno ng pagmamahal na halik na pinagsaluhan namin ni Crandall. Kinagat ko pa ang pang-ilalim kong labi at ipinagpalipat-lipat ko ang paningin ko sa mga at mga labi niya.“Oh, damn. Please don’t do that, baby,” usal niya at mas lalo pa akong hinapit sa baywang ko hanggang sa napaupo na ako sa kandungan niya.My arms were still wrapped around his neck as I gently caressed his hair. “I love you, Crandall ko.”“And I love you so much, my Portia.”I felt that my heart was suddenly tickled by a million butterflies because of what he said. Oh, God! I still can’t believe it. Parang pakiramdam ko ay nananaginip lang ako ngayon. But I hope I’m not. Pero kung panaginip man lang ito, sana hindi na ako magising para hindi na ulit ako masaktan pa kapag nawala ulit sa paningin ko ang lalaking pinakamamahal ko.I let out a light but deep sigh into the air and then caressed his cheek with my right palm. I stared at
PINAGBUKSAN ako ni Crandall ng pinto sa front seat nang makalabas kami ng APC. Simula kanina nang lumabas kami sa office niya na magkahawak kamay, nagtataka at nanlalaki ang mga mata ng mga ka-workmate ko nang makita nila na magka-holding hands kami ni Crandall. Wala pa sana akong balak na ipaalam sa mga katrabaho ko na boyfriend ko ang bago naming boss, but I couldn’t do anything but let what he wanted happen. I am also sure that one of the coming days the entire APC will also know that I am Crandall’s girlfriend.“Thank you, babe,” nakangiting sabi ko nang pagkasakay niya rin sa driver’s seat ay siya mismo ang nagsuot ng seatbelt ko. And because his face was so close to mine, I kissed his cheek. He looked at me with a smile and immediately kissed my lips, pagkatapos ay umayos na rin siya sa kaniyang puwesto. “Are you ready, baby?”Tumango ako. “Of course,” sagot ko at mas lalo pang lumapad ang matamis na ngiti sa mga labi ko. Binuhay na niya ang makina at pinaandar niya ang kaniya
I STILL can’t believe what is happening now with Crandall and me. My heart still does not want to subside with its strong beating while we are still tightly hugging each other. Parang ayokong humiwalay sa kaniya ngayon para hindi na matapos itong kaligayahang nararamdaman ng mga puso namin. Oh, God! Dati, isinusulat ko lamang sa mga nobela ko ang kagaya sa mga katagang binitawan ni Crandall sa akin kanina, and only in my novels did I experience a great thrill while writing such scenarios. But never in my wildest dream would this happen to me right now. Ganito pala talaga ang pakiramdam kapag nangyari na mismo sa ’yo.Ang ngiti sa mga labi ko ay ayaw pa ring mawala habang patuloy kong naririnig ang malakas na pagtibok ng puso ng fiancé ko. Oh, fiancé! Ang sarap sa damdamin. “I love you, Crandall!” Bulong ko sa kaniya at muling ipinikit ang aking mga mata. I felt his sweet kiss on my head again while his palms gently caressed my back. “I love you.”Mayamaya lang, bahagya akong napah
PAGKAMULAT ko ng aking mga mata, hindi ko agad nakita si Crandall sa tabi ko. At nang kapain ko ang bandang likuran ko, wala rin siya roon. Nangunot ang noo ko at bahagyang nag-angat ng ulo upang hanapin ng mga mata ko kung nasaan ang fiancé ko. But later, when the door opened, the man I was looking for entered. And when I saw his handsome face, I couldn’t help but smile broadly and sweetly.“Morning! You’re awake, baby!”“Good morning, babe!” Bati ko rin sa kaniya saka ako kumilos sa puwesto ko at sumandal sa headboard ng kama habang hawak-hawak ko sa tapat ng aking dibdib ang dulo ng makapal na kumot. I’m not wearing any clothes right now because after we made love last night, we both fell asleep. Yeah, right! Nang naliligo pa lamang kami ay naging makulit na sa akin ang fiancé ko. At ang akala ko nga pagkatapos n’on ay tapos na talaga kami. But when we came out of the bathroom and he took me to his bed, we made love again. I mean, we did it not only once, twice, but until the dawn.
ILANG oras kaming nag-stay sa bahay nina Crandall dahil hinintay namin na dumating ang papa niya. At first, I was really nervous about how Don Damian would react to me. But, contrary to what I expected, mabait din naman pala ito kagaya sa asawa nitong si Doña Sugar. Mukha lang itong istrikto, pero nang magkaharap-harap na kami sa sala, masaya naman kausap ang pamilya ni Crandall kaya napanatag agad ang kalooban ko.“I still can’t believe na anak ka pala nina Ana at Marion, hija. I mean, I saw you when you were little, before your parents passed away.” Anang Don Damian sa akin.Ngumiti naman ako. “Talaga po?” tila hindi makapaniwalang tanong ko. “Hindi rin po ako makapaniwalang magkaibigan po pala kayo ni daddy,” sabi ko.“Your Daddy and I have been best friends since we were in college.”“Kaya naman pala magaan ang loob ko sa ’yo kahit noong unang beses pa lamang tayong magkita, dahil anak ka naman pala ng kaibigan namin ng Papa Damian mo, hija,” nakangiting wika rin sa akin ni Doña S
NANG marinig kong bumukas ang pinto ng office ni Crandall, kaagad akong nag-angat ng mukha at napatingin doon. Nakita ko naman na pumasok siya kasunod si Creed na kaagad natigilan nang makita nito si Rhea na nakaupo sa swivel chair nito. Saglit na tinapunan ni Crandall ng tingin si Rhea at tumango rito saka siya naglakad palapit sa akin. “Are you okay, baby?” tanong niya.Nakangiting tumayo naman ako sa puwesto ko. “Yeah,” sagot ko.“Sorry if you waited almost an hour. There was just a little of a problem in our meeting.”“It’s okay, babe. Hindi naman ako nabagot sa paghihintay rito,” sabi ko.“Alright. Let’s go?”Tumango naman ako sa kaniya at kinuha ko ang bag kong nasa center table at tinapunan ko ng tingin sina Creed at Rhea na mukhang seryoso atang nag-uusap. Pareho kasing seryoso ang mga hitsura nilang dalawa. “Creed, mauuna na kami.” Anang Crandall.Nagbaling naman ng tingin sa amin ang dalawa. Ngumiti si Creed sa akin. “Bye! Ingat kayo, bro. Portia.”“Bye, Creed. Rhea, nic
“HI PO, SEÑORITO!” Biglang nangunot ang noo ko nang pagkapasok namin ni Crandall sa sala ay kaagad na sumalubong sa amin si Naya, ang babaeng nakilala ko sa rancho nina Crandall no’ng nakaraan. Nangunot ang noo ko habang nakatitig sa nakangiti nitong mukha habang nakatitig kay Crandall, but when she gazed at me, her face suddenly became serious. “Naya, nandito ka na pala!” “Kanina pa po ako nakarating dito, Señorito Crandall.” Ani nito. “Portia!” Nang muli ako nitong balingan ng tingin.Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko nang tawagin ako nito sa pangalan ko. Portia? Tinawag nitong Señorito ang fiancé ko tapos ako sa pangalan ko lang?“What is she doing here, babe?” tanong ko kay Crandall nang balingan ko siya ng tingin. “Um, kinuha ko si Naya para dito magtrabaho sa mansion. Remember I told you kukuha ako ng maid para may katulong na rin si Nanay Josephine sa mga gawain dito sa bahay?”Hindi agad ako nakapag-react sa sinabi niya. Oh, so ang Naya na ito ang napili niyang kuni
“OKAY ka lang ba, bes?” Upon hearing Jass’s question, I released a deep sigh and my body slouched back in the swivel chair. Nilalaro-laro ko sa kamay ko ang ball pen na hawak ko. Nasa APC kami ngayon. Tinawagan ko kanina si Jass na magpunta rito dahil kailangan kong may makausap. After Crandall and I had an argument earlier, hindi ko na siya kinausap hanggang sa naihatid niya ako rito. “You can tell me, bes.” “Naiinis lang ako kay Crandall,” sabi ko.Nangunot naman ang noo nito habang nakatitig sa akin. “Wait. Nag-away kayo?” tanong nito.“Nagkasagutan.”“Wow! I mean, you just got engaged the other day, tapos ngayon LQ agad kayo?” tanong pa nito at bahagyang tumawa.“Jass!” Kunot ang noo at naiinis na saad ko.“I’m sorry. I just can’t help myself,” sabi nito. “Kasi naman, kaka-engaged nga lang ninyo no’ng isang araw tapos may LQ agad kayo.”“Paano ba naman kasi... sa lahat ng kukunin niyang kasambahay, ang Naya na ’yon pa ang kinuha niya.”“Who’s Naya?” tanong ulit nito.“Anak ng