Share

CHAPTER 52 (THE COLD ONE)

CHAPTER 52

ICE COLD

JADE’S POV

“J A D E ! ! !”

“Ate Jade!!!”

Halos panabay na tawag sa kanya ng mga tao sa labas ng bahay nila. Hindi niya na kailangan na tingnan para malaman kung sino ang mga iyon, dahil kilala na niya ang mga boses na tumatawag sa kanya.

“Aling Betty, Aira, ano’ng atin?” tanong niya agad bago pa man niya mabuksan ang pinto.

Pagkabukas na pagkabukas niya niyon ay muntik pa siyang matumba nang dali-daling pumasok ang mag-ina na para.

Kung dati ay nagugulat pa siya sa mga gan’on gawi ng mga ito, ngayon ay hindi na niya iyon pinapansin. Para na ngang extension ng bahay ng mga Benito ang bahay nila dahil maging si Banong ay kulang na lang magdala ng damit nito doon para doon na rin tumira.

Bago pa man niya maimbintahang maupo ang dalawa ay nauna na itong magsi-pwesto sa plastik nilang sofa.

Natawa na lang din siya ng lihim.

“Jade! Naku! Good news!” excited na sabi ulit ni Aling Betty na para bang hindi ito magkanda-ugaga.

Bigla rin tuloy siyang na-excite sa good news n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Calista Dale
5 years na may lihim si macoy.. lihim na pagmamahal aysus
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status