CHAPTER 52ICE COLDJADE’S POV“J A D E ! ! !”“Ate Jade!!!”Halos panabay na tawag sa kanya ng mga tao sa labas ng bahay nila. Hindi niya na kailangan na tingnan para malaman kung sino ang mga iyon, dahil kilala na niya ang mga boses na tumatawag sa kanya.“Aling Betty, Aira, ano’ng atin?” tanong niya agad bago pa man niya mabuksan ang pinto.Pagkabukas na pagkabukas niya niyon ay muntik pa siyang matumba nang dali-daling pumasok ang mag-ina na para.Kung dati ay nagugulat pa siya sa mga gan’on gawi ng mga ito, ngayon ay hindi na niya iyon pinapansin. Para na ngang extension ng bahay ng mga Benito ang bahay nila dahil maging si Banong ay kulang na lang magdala ng damit nito doon para doon na rin tumira. Bago pa man niya maimbintahang maupo ang dalawa ay nauna na itong magsi-pwesto sa plastik nilang sofa.Natawa na lang din siya ng lihim.“Jade! Naku! Good news!” excited na sabi ulit ni Aling Betty na para bang hindi ito magkanda-ugaga.Bigla rin tuloy siyang na-excite sa good news n
JADE’S POVS A B A D O . . . at day off dapat ni Jade sa patahian. Pero dahil sa bago nilang proyekto, minabuti niyang pumunta sa bahay nina Aling Betty para pag-usapan ang mga konseptong gagawin nila para sa mga Filipiniana ng mga opisyal ng munisipyo. Siguro dahil iyon talaga ang hilig niya kaya hindi niya alintana ang pagod mula sa night shift niya sa coffee shop kagabi, at matapos lang umidlip ng mahigit dalawang oras ay dumiretso na siya agad kina Aira. Kasalukuyan niyang ni-rereview ang mga designs niya para alamin ang mga klase ng tela na kakailanganin nila nang bigla siyang sikuhin ni Aira.“Ate, ano, hindi pa rin kayo nag-uusap?” pabulong nitong tanong habang pasimpleng sumusulyap sa gawi ng ina nito pati ng ilan pang mananahi.Hindi na niya kailangan pang magtanong kung ano ang ibig nitong sabihin dahil obvious namang si Macoy ang tinutukoy ng dalaga. Isang simpleng iling lang ang isinagot niya.“‘Ba ‘yan! Mag-iisang linggo na, cold war pa rin ang peg n’yong dalawa?!” me
JADE'S POV“ A N E M I C . . . po ang anak n’yo Misis,” wika ng doktor na tumingin kay JM.“Ah, Miss pa po ang ate ko, Dok. Hindi pa naman po siya ikinakasal,” singit agad ni Aira. Humingi naman ng paumanhin ang doktor pero hindi na nagkomento sa sinabing iyon ng dalaga.Kung sa normal na pagkakataon, siguro ay matatawa na naman siya sa mga hirit ni Aira na gan’on. Pero hindi sa ngayon.Tiningnan niya ang anak na natutulog pa rin. Inabutan niya itong karga-karga ng nanay ni Mulong habang pinapaypayan naman ng ilan sa mga tambay doon kanina. Pakiramdam niya ay namanhid ang buo niyang katawan nang makita niya kung gaano kaputla ang walang malay na ank kanina. Akala niya talaga ay iniwan na siya nito.Mabuti na lang at sumunod pala sa kanya sina Macoy. Ito at si Banong ang nag-asikaso para maitakbo agad si JM pinakamalapit na ospital.“Mababa ho ang iron at medyo below the normal range ang RBC count niya. I’m guessing hindi ito ang unang beses na nangyari ‘to?” tanong ng doktor.Tuman
CHAPTER 55MACOY’S POVI N A Y O S . . . niya ang pagkakasukbit ng bag habang mabagal na naglalakad papasok sa kalsada nila. Tulad noong nagdaang dalawang araw, para pa rin siyang lutang. Hindi kasi mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Banong n’ong sinundan siya nito paglabas niya ng ospital dahil na-badtrip siya. Ewan ba niya pero talagang nawala siya sa hulog n’ong malaman niyang may mga dinaramdam pala si Jade, pero tiniis nito iyon dahil ayaw daw nitong maging pabigat. Pakiramdam niya ba ay napakawalang silbi niya. FLASHBACK:“Tang’na pare kung hindi mo kayang panindigan ‘yang nararamdaman mo para kay Jade, ‘wag ka ring umastang parang shota. Nililito mo ‘yong babae, e. Pati bata idadamay mo pa. Umayos ka nga. Puspos ka sa pag-aaral para maging en-ji-neer pero ‘yong pagpapakalalaki kinalimutan mo. Tang’na ayusin mo p’re!”END OF FLASHBACKMedyo para siyang pinukpok ng dos por dos sa ulo ng mga salitang binitawan ng kaibigan. Pakiramdam niya tuloy ay nagising siya mula sa sari
JADE’S POVM A L I L I G O . . . na sana siya nang biglang may kumatok sa pintuan nila. Sunod-sunod iyon at parang may pagmamadali. Natigilan siya sa akmang pagpasok sa banyo at sandaling nakiramdam.Hindi nagtagal ay muling may kumatok kaya sigurado siyang sa kanila na iyon. Isinukbit niya ang tuwalya sa kanang balikat at kaswal na tinungo ang pinto para tingnan kung sino ang tao sa labas nila. “Kung kelan ka nagmamadali talaga oo, baka mamaya magbebenta lang ng unan e,” pabulong niyang reklamo bago tuluyang binuksan ang pinto. Pero para siyang tinakasan ng kaluluwa niya nang mapagsino ang taong nakatayo sa labas ng pintuan nila. The very person na pinag-uusapan pa lang nila Scarlet kahapon. Ang sinasabi nitong nagbalik na.“A-Ate?”Halos hindi lumabas sa kanya ang katagang iyon. It has been so long since she last uttered that word. So long that she almost forgot na may kapatid nga pala siya. Well, to be fair, hindi naman talaga sila close ng kapatid niya kahit noong mga bata p
JADE’S POV“J A D E ?”Medyo nagulat pa siya nang makita si Macoy na papalapit sa kanya habang nasa gilid siya ng daan at inaayos ang mga pinamiling tela para sa mga tatahiin nilang Filipiniana. “O, Macoy. Maaga ka yata ngayon,” wika niya naman nang lumapit sa kanya ang binata.Tinulungan siya nito sa pag-aayos nang ganap na makalapit sa kanya, at agad ding binitbit iyon. “Uy, ako na,” sabi niya habang tinatangkang agawin mula rito ang malaking bag pero pumalatak pa ito habang mabilis na iniiwas iyon sa kanya. “Aangal pa?” kunwa’y may pagbabanta pa nitong tugon. Natawa naman siya at hinayaan na lang ito. Magkaagapay silang naglakad papasok sa kalsada nila.“So ano, sigurado ka na? Pupunta ka talaga d’on sa party n’ong ate mo?” maya-maya ay biglang naitanong ni Macoy. Naikwento niya kasi rito ang tungkol sa biglaang pagsulpot ng kapatid niya, pati na rin ang mga napag-usapan nila. “Syempre. Kahit naman hindi kami goods n’on dati, ti’na mo naman hinanap niya talaga ako. Samantala
JADE’S POV“N A K S . . . Kagandang babae naman! Witwiw!” komento ni Aira nang lumabas siya mula sa kwarto nila na suot ang gown na siya mismo ang nagtahi.Mabuti na lang talaga at may mga ready-made na gown na sa patahian kaya hindi siya gaanong namroblema sa susuotin. Pinarerentahan kasi nila iyon tuwing may pyesta o sagala o di kaya ay mga prom sa school. Ginawan niya lang iyon ng kaunting alterations para sumakto sa sukat niya at voila! May elegant mermaid-cut vintage gown na siya.“Okay lang ba ‘yong make up? Medyo kinakalawang na ang skills ko e,” nahihiya niya namang tanong dahil alam niyang sa kanya nakatutok ang mga mata ng lahat ng naroon sa bahay nila.“Mas magaling ka pa nga kesa sa mga bakla d’on sa parlor e! Di ba, Ma?” tugon naman ng dalaga sabay baling kay Aling Betty.“Oo, Jade! Ang ganda-ganda mo, para kang artista!” sang-ayon naman ng huli.“Artistang pagod po, Aling Betty?” biro niya para ikubli ang hiya. Kung tutuusin, wala pa ito kumpara sa mga gown na pinapasad
JADE’S POVH I N D I . . . niya sigurado kung imahinasyon niya lang o talagang mabagal na naglakad papasok ang lalaking mukhang pamilyar sa kanya. Pilit niyang iniisip kung saan niya ba ito nakita pero hindi niya talaga maalala.“In fairness kay Ate Rhian, kaya pala very secretive. Kahit naman ako, kung ganyan ka-gwapo ang fiancè ko, malamang ikakaban ko rin. Baka mamaya maagaw pa ng iba,” pasimpleng bulong ni Scarlet sa kanya. Indeed, her cousin is right. Hindi lang basta gwapo ang lalaki, para itong modelo na nabuhay at lumabas mula sa isang american magazine. Kahit na nakasuot ito ng pormal na three-piece black suit ay halata ang maganda nitong pangangatawan. Bigla niya tuloy naisip kung ilan kaya ang height nito dahil mukhang papasa ito bilang basketball player ng NBA sa tangkad nito.“Ang gwapo!” narinig tila kinikilig na bulong ng isa sa mga bisita nila na malapit sa kanila ni Scarlet. Maging siya tuloy ay hindi maalis ang tingin sa lalaking sentro ng atensyon ng lahat. Hangg