Share

CHAPTER 50 (GOODBYES)

MACOY’S POV

P A R A N G . . . biglang nagpanting ang tainga niya sa narinig na sinabi ng pinsan ni Jade.

Come home, TJ

Hindi niya alam kung bakit parang bigla siyang kinabahan. Lalo na nang matagal na nanahimik ang dalaga. Ibig sabihin lang niyon ay pinag-iisipan nito ang alok ng pinsan.

Natural, Macoy! E kung ikaw man alukin ng pamilya mong bumalik na sa karangyaan, e talagang mapapaisip ka! Baka nga hindi ka na mag-isip pa e, baka pumayag ka na agad-agad! Sabi ng isang bahagi ng isip niya.

Tinitigan niya si Jade sa pagbabakasakaling may makita siyang kahit na anong sagot sa mukha nito. Pero bukod sa pagkalito ay wala na siyang ibang nabasa roon.

Maya-maya ay nagawi sa kanya ang tingin nito. Huli na para umiwas pa siya. Ayaw niyang magbigay ng impresyon na sikreto niya itong tinititigan. Kaya naman sinalubong niya na lang din ang mga mata nito.

Parang may gusto itong sabihin pero siya na ang unang nagbawi ng tingin. Hindi tama na naroon sila at nakikinig sa usapan mga ito. Kaya lang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status