Share

CHAPTER 69 (REAL IDENTITY)

JADE’S POV

K U L A N G . . . na lang ay mag-usok ang ilong at tenga niya sa inis, habang nakaupo siya sa tapat ng lamesa ni Mang Ino sa Baranggay Hall.

Habang si Red naman ay prenteng nakaupo, halos isang metro ang layo sa tabi niya. Kaswal na kaswal at walang bahid ni kaunting na kaba ang itsura nito, habang naka-de otso pa ng upo at pinagkrus din ang mga braso sa tapat ng dibdib.

Kahit na sa harapan ito nakatingin ay inirapan niya pa rin ito. Nakakainis na nga na inabala na naman siya nito, mas lalo pa siyang naiinis sa itsura nitong mukhang hindi apektado.

Nagawi ang tingin niya sa may bintana ng baranggay. Natigilan siya at napakunot ng noo nang makita ang ilang kababaihan na sumisilip-silip sa doon, habang tila kinikilig pa.

Pati sa may pintuan, bata, matanda, pati bakla, ay may nakiki-usyoso.

Sinundan niya ang tingin ng mga ito at iisa lang ang nakita niyang tinutumbok ng nga iyon. Ang lalaking ipinababaranggay niya.

“Pwede nang ihanay kina James Reid ‘yong ex mo sa tindi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status