Share

CHAPTER 76 (THE PSEUDO FAMILY)

JADE’S POV

M A H I G P I T . . . ang naging paghawak niya sa kamay ni JM nang pumasok sila sa mataong lugar.

“O, JM, ano’ng sabi ni Mama sa’yo kapag nasa mataong lugar?” tanong niya sa anak.

“Hawak lang kay Mama, huwag bibitaw. Huwag sasama sa hindi kilala,” pag-eenumerate nito ng mga habilin niya.

Napangiti niya.

“Very good. O, ‘lika na,” aniya sabay pisil ng bahagya sa pisngi nito.

Nagsimula na silang mag-ikot ni Aira, habang karay-karay niya si JM.

May pagmamadali ang bawat kilos niya dahil kailangan nilang matapos ang agenda nila roon sa loob ng ilang oras lang.

May pasok pa kasi siya sa coffee shop mamayang alas otso. Mabuti nga at napakiusapan niya pa ang manager niya na payagan siyang pumasok ng late ng isang oras.

Para silang nag shop hopping dahil halos lahat yata ng tindahan ng textile at abubot ay pinasok nila.

Maya’t maya niyang nililingon si JM dahil baka mamaya, hindi na pala anak niya ang hawak niya.

Kung may pagpipilian lang talaga siya ay hindi niya isasa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Calista Dale
nice one red
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status